JERRY OLEA
Last week pa nagsimulang mag-shooting ang pelikulang Hello Stranger sa Batangas.
Dahil may mga eksena pa si Tony Labrusca sa Kapamilya teleseryeng Bagong Umaga, inuna munang kunan sa Hello Stranger movie sina JC Alcantara, Patrick Quiroz, Vivoree Esclito, Migs Almendras, at Gillian Vicencio.
Nitong Nobyembre 22, Linggo, nag-report na si Tony sa set ng Hello Stranger movie.
Nitong Nobyembre 23, Lunes, nag-post na ang Black Sheep ng PanitiCamp photos ng cast.
Nag-tweet pa si JC ng litrato nila ni Yayo Aguila, “Ang pinakamamahal kong Mama! Pinakilala kona sya kay Xavier -- Mico.”
Sa Hello Stranger, si Tony ay gumaganap bilang Xavier, at si JC ay si Mico. Hello again, XavMi!

Sa hanay ng mga Pinoy BL series, ito ang unang isinapelikula. Nag-streaming ang walong episodes ng Hello Stranger sa Facebook page at YouTube channel ng Black Sheep.
Sa YouTube ang “paramihan ng views” ng halos lahat ng Pinoy BL series.
Pawang lumampas sa 1M views sa YouTube ang lahat ng episode ng Hello Stranger.
At this writing, malapit nang mag-2M views sa YouTube ang Episode 1 ng XavMi series.
Ang YT views so far ng iba pang episodes: Episode 2 (1.44M views), Episode 3 (1.32M views), Episode 4 (1.11M views). Episode 5 (1.18M views), Episode 6 (1.05M views), Episode 7 (1.08M views), at Episode 8 (1.09M views).
Sa mga pinag-uusapang Pinoy BL series na ipinalabas, bukod-tangi ang Hello Stranger na hindi naghalikan ang dalawang bida.
Sa pelikula, matitikman na kaya ni JC (Miko) ang glorious kiss ni Tony (Xavier)?

NOEL FERRER
Sayang talaga. Kung BL ang popular entertainment genre ng 2020, sana sa MMFF naihabol ang film version ng successful BL series.
Pero yung Gameboys and Hello Stranger, mukhang pang-next year pa talaga ang showing ng movie versions.
But let’s wait for the announcement tomorrow ng official MMFF 2020 entries, baka may magandang surprise ang mga LGBT at BL supporters.
Malay natin, di ba?
GORGY RULA
Medyo bitin ang unang season ng Hello Stranger kaya okay lang na masundan ito, at kayang-kaya itong paingayin ng Black Sheep.
Dito na yata aligaga ang ilang producers dahil parang madali lang gawin.
Kung ikumpara sa BL series ng iba, may mga magaganda tayong ganitong klaseng serye na kayang talunin ang sa Thailand, Taiwan, at iba pang bansa.
Iyan ang obserbasyon ni FDCP Chairperson Liza Diño nang dumalo siya sa summit ng BL series sa Taiwan.
Dito rin sa BL series nabibigyan ng pagkakataon ang ilang nagpapantasyang makapagdirek ng serye.
Marami pang mga bagong series na ating aabangan, tampok ang mga bagong mukha at mga bago ring direktor.
JERRY OLEA
Gaya ng Hello Stranger, streaming sa Facebook at YouTube ang Ben x Jim nina Teejay Marquez at Jerome Ponce.
Ang Episode 3 ng Ben x Jim ang pinakamabilis na naka-1M views sa YouTube. Naka-1M views sa ikaapat na araw ang Episode 3 nito.
At this writing, narito ang YouTube views ng Ben x Jim: Episode 1 (1.52M views), Episode 2 (1.32M views), Episode 3 (1.58M views), Episode 4 (1.23M views), Episode 5 (1.19M views), at Episode 6 (0.91M views).
Ang finale ng Season 1 ng Ben x Jim ay mapapanood umpisa sa Nobyembre 26, Huwebes ng gabi, sa Facebook page at YouTube channel ng Regal Entertainment.
Siguradong aabot din sa 1M views ang Episode 6 at 7 (finale) ng Ben x Jim, kaya dapat lang na magkaroon ito ng Season 2.
Of course, para sa akin ay ang Gameboys pa rin ang pinakamagandang Pinoy BL series sa balat ng lupa.
Noon ko pa wini-wish na maipalabas sa Netflix ang CaiReel bromance nina Elijah Canlas at Kokoy de Santos.
At this writing, heto ang number of views ng Gameboys sa YouTube channel ng The IdeaFirst Company: Episode 1 (1.75M views), Episode 2 (1.32M views), Episode 3 (1.18M views), Episode 4 (1.05M views), Episode 5 (1.01M views), at Episode 6 (0.96M views).
Para sa ibang episodes: Episode 7 (0.98M views), Episode 8 (0.99M views), Episode 9 (1.00M views), Episode 10 (1.12M views), Episode 11 (0.82M views), Episode 12 (0.77M views), at Episode 13 (0.98M views).
Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika
