PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Vingo Regino ikinalungkot ang pagkamatay ng kuya na si April Boy Regino

May isa pa silang kapatid, si Jimmy, na isa ring musician.
by PEP Troika
Published Nov 29, 2020
May short message si Vingo Regino tungkol sa pagkamatay ng kuya niyang si April Boy Regino, na pumanaw sa araw na ito, November 29, 2020.
PHOTO/S: Album Cover; File

NOEL FERRER

Yumao na ang tinatawag na “Idol” na si April Boy Regino.

Matagal nang napag-uusapang may sakit, na-survive niya ang prostate cancer 'tapos binuno rin niya ang diabetes.

Si April "Boy" Regino ay si Dennis Regino Magloyuan Magdaraog sa tunay na buhay. Isinilang siya noong April 9, 1961.

Kilala siya bilang Idol Ng Bayan at bagong hari ng jukebox with his hit songs “Di Ko Kayang Tanggapin,” “Paano Ang Puso Ko,” “Umiiyak Ang Puso,” at marami pang iba. Sumikat nang husto ang mga kanta niya noong 1990s.

Siya ang panganay sa tatlong magkakapatid, all musicians. Ang mga kapatid niyang sina Vingo and Jimmy ay miyembro ng novelty group naman na April Boys.

Isinilang sila sa Marikina City, but ang pamilya nila ay tubong-Sawang Capul, Northern Samar.

Noong October 2005, nag-migrate ang pamilya ni April Boy sa Los Angeles, California, U.S., kung saan nagpatuloy pa rin siya sa pag-e-entertain sa Filipino communities.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nakikiramay tayo kay Madel, ang asawa ni April Boy Regino, at sa anak niyang si JC Regino, na sumubok ding mag-showbiz.

GORGY RULA

Bago pa nagka-cancer si April Boy ay na-diagnose siyang may diabetes.

Nabigyan pa siya ng pagkakataong makabalik at mapalapit sa Diyos. Tinulungan siya ni Willie Revillame para maoperahan.

Sa tingin ko, natupad na ni April Boy ang mga gusto niyang gawin bago siya pumanaw. Isang mapayapang paglalakbay, April Boy!

JERRY OLEA

“Nakakalungkot naman ang araw na ito..wala na ang kuya april boy ko...vingo regino." Iyan ang maikling mensahe sa Facebook ng younger brother ni April Boy na si Vingo, ngayong umaga ng Linggo, Nobyembre 29, 2020.

Umiiyak ang puso ng fans ni April Boy sa pagpanaw ng kanilang Super Idol. Asahan natin ang pagpalahaw o pag-awit ng mga nagmamahal sa Tunay na Idol.

Di ko kayang tanggapin...paano ang puso ko?

Halina’t ipanalangin natin ang kaluluwa ng Idol Star!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
May short message si Vingo Regino tungkol sa pagkamatay ng kuya niyang si April Boy Regino, na pumanaw sa araw na ito, November 29, 2020.
PHOTO/S: Album Cover; File
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results