JERRY OLEA
Mapapanood ang Bawal Lumabas: The Series umpisa Disyembre 14, Lunes, sa iWant TFC streaming service.
Bida siyempre sa family dramedy na ito si Kim Chiu, at tampok dito ang hit song niyang “Bawal Lumabas,” na inspired mula sa statement niyang nag-viral noong Mayo.
Isang pamaskong handog ng ABS-CBN, ang bagong serye ay iikot sa istorya ng pamilya ni Emerald, Eme (Kim Chiu) for short.
Overseas worker si Eme na umuwi sa kanyang pamilya para makasama sila ngayong Pasko. Sa tagal na hindi sila nagkita, tila hindi na kilala ni Eme ang mga kapatid niya.
Idinirek ito ni Benedict Mique, at kasama sa cast nito sina Francine Diaz, Kyle Echarri, Rafael Rosell, Paulo Angeles, at Trina Legaspi.

Na-post sa Facebook at Instagram ang video ng pagluha ni Kim matapos mapanood ang trailer ng Bawal Lumabas: The Series.
“Mahirap yung shoot because of safety protocols pero sa awa ng Diyos, nagawa nang maganda at masaya,” sabi ni Direk Benedict nitong Disyembre 3, Huwebes, via Messenger.
“Magaling si Kim, sobra, mapa-comedy o drama, pati shifting ng acting. Saka sobrang fun and gaan katrabaho!
“Pinasayaw ni Kim ang mga staff at ilang crew ng 'Bawal Lumabas.' Pati ako, napasayaw! Ang saya nung shoot!”
Kumusta ang KyCine?
“Sina Kyle and Francine din, nakakatuwang katrabaho. Malaking adjustment ito kina Francine at Kyle, kasi hindi nila usual role pero nagawa nila nang maganda.
"Cute yung dalawa panoorin and may natural chemistry on screen!"
SethDrea (Seth Fedelin at Andrea Brillantes) ang naidirek ni Direk Benedict sa 2019 iWant original movie na Wild Little Love. May comparison ba ang SethDrea with KyCine, considering na may pandemic? Ibang-iba ang dynamics?
“Yung time lang ng shoot limited this pandemic but, otherwise, magaling naman parehas yung dalawang love team,” tugon ni Direk Benedict.
“Pawang nakikinig at madaling turuan, and mababait yung mga bata, fun din katrabaho.”
Mapapanood ng standard at premium subscribers ang Bawal Lumabas: The Series simula Disyembre 14 sa iWant TFC app (iOs at Android) o sa website ng iWant TFC.
GORGY RULA
Sorry, pero parang so-so lang ang trailer ng Bawal Lumabas. Di gaanong napukaw ang interes ko na panoorin.
Sana mas marami pang magandang panoorin sa seryeng ito. Pero sa totoo lang, ang layo na ng narating nitong Bawal Lumabas. Mukhang hindi na ito mauulit pa ni Kim Chiu.
NOEL FERRER
Maganda itong maraming vehicles at platforms para sa mga artista lalo na sa mga baguhan dito sa series na ito.
So, nasaan na pala yung loveteam nina Paulo Angeles at Michelle Vito sa Ang Sa Iyo Ay Akin? Natabunan na ba ito ng bagong pair nina Grae Fernandez at Kira Balinger?
'Tapos, si Michelle Vito ay in demand at may ibang kapartner din sa Bagong Umaga. May time pa kaya sila ni Enzo Pineda?
Oh well, in fairness, at least napapalabas ang mga galing nila at nagkaka-recall sila sa mga Kapamilya series.
In no time, magiging commercial endorsers na rin (kung hindi pa man) ang mga ito! Bravo!
Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika
