GORGY RULA
Ang nasagap naming impormasyon, isa sa pinakamalakas na programang ipinalabas sa A2Z noong Sabado, Disyembre 5, ay ang Maalaala Mo Kaya episode kung saan si Arjo Atayde ang bida.
Hindi ko lang alam kung gaano ito kalakas sa kanilang digital platforms, pero sa AGB NUTAM ay nakakuha raw ito ng mahigit 2%, na malakas na dahil madalas ay 1 percent o less pa ang nakukuhang rating sa naturang istasyon.
Dala na rin siguro ito ng pagkapanalo ni Arjo ng Best Actor sa 3rd Asian Academy Creative Awards.
Pero malakas pa rin ang mga programa ng GMA-7, at maganda rin ang rating ng Magpakailanman episode na pinagbidahan ni Sef Cadayona. Ayon sa AGB-NUTAM, naka-16.3% ito.
Halong drama at comedy ang kuwentong inilahad ng MPK tungkol sa kuwento ng buhay ng vlogger na si John Michael Villaflor.
Okay rin ang rating ng bagong episode ng Pepito Manaloto, na naka-15.1%.
Ang The Clash naman ay nakakuha ng 16%, at 10% ang bagong episode ng Daddy’s Gurl.
Noong Linggo, December 6, consistent na 5.7% ang All-Out Sundays; 5.4% ang replay episode ng Wagas; 5.4% din ang Dear Uge; at 5.6% ang GMA Blockbuster.
Na-maintain ng Amazing Earth ang 10.1% rating, at tumaas sa 18.6% ang The Clash kung saan pumili na sila ng kanilang Top 6.
Kapansin-pansing ilang linggo nang hindi nakakasampa sa 20-plus percent ang Kapuso Mo, Jessica Soho.
Nung nakaraang Linggo, November 30, ay 18.8% ang nakuha nitong rating, at noong December 6 ay 19.6%.
Naka-6% naman ang The Boobay and Tekla Show na nahaluan ng replay na segments. Bakit kaya?
NOEL FERRER
Habang umaariba ang entertainment shows, sobrang ingat siguro ngayon ng ibang mga programa sa paggamit ng hindi nila sariling photos at footages.
Again, hindi na free TV ratings ang nag-iisang batayan lang ng viewer preference ngayon dahil malaking factor na rin ang digital engagement.
Ako mismo, halos hindi na ako sa TV nanonood ng content. Madalas sa cellphone o sa computer ko na lang.
Grabe, nag-iiba na rin talaga ang anyo ng broadcasting. Pagandahan ng content na pupukaw ng iyong interes.
JERRY OLEA
Recent post ng photojournalist na si Ezra Acayan sa Facebook:
“Is it worth it to fight for what is right? To try and fix a problem that you say ‘matagal ng problema’? Kung matagal na palang problema, bakit ngayon lang uli napag-isipan na aayusin? If I didn't draw the first blood, would there even be an initiative?
“Now I'm asking myself, ‘is it worth it?’ Really, kasi kung sarili ko lang iisipin ko, mas masarap manahimik nalang. To my fellow generation of photojournalists, like it or not, problema na natin ito.
“Hindi kasi inayos, eh. It's not enough to just acknowledge the problem. Time to fix it.”
Adhikain ni Ezra na ipaglaban ang karapatan ng photojournalists—na bayaran nang tumpak ang kanilang mga kuha, at huwag silang gamitin nang walang pakundangan.
Na-bash nang bonggang-bongga si Ezra.
Noong una ay nanahimik ang kinauukulan, ngunit may mga dumulog at sumuporta.
Salaysay pa ni Ezra sa Facebook, “Corres na 5k per month allowance, abonado sa gastos. Meron din nabibili ng 250-350 per photo, 400-500 sa online. No photo, no pay.
“Pag swinerte mabebenta sa wires ng 1.5k per photo. Kung photo essay mataas na ang 2.5k para sa 10-20 pictures na pinagpaguran mo ng ilang araw. Sariling gamit, sariling gastos. Tatamarin ka na lang kunin cheke mo sa opisina, kasi mas mahal pa pamasahe mo kesa sa kinita mo.
“Meron mga nagtitiyaga sa mga walangyang agency na ang bayad sayo ay 1-2 dollars kada playback. Aabot libo-libong litrato mo nasa archive nila, pero di aabot ng 100 dollars kikitain mo sa isang buwan.
“Meron din pinapalad, basic salary. O di kaya kinukuha ng wires nakaretainer, 25k per month. Hindi ka ‘regular’ (walang benepisyo, 13th month, etc) pero ekslusibo ka na sa kanila (bawal magpadala sa iba). Syempre abonado ka pa rin sa gastos mo.
“Abugadi dito, abugadi doon para lang may pangkain sa pamilya. Hazard pay? Ano yun? Tapos kailangan pa kumuha ng business registration, BIR, TIN, resibo, ek ek.
“Alam ko yan kasi pinagdaanan ko lahat yan. Matagal nang problema pero di pa rin naayos. Di ko naman sinasabi na agad maaayos yan.
“Ang sinasabi ko lang sa mga kahenerasyon ko na photojournalists ay sana wag tayo magpakain sa sistema purke't nakasanayan na natin.
“Tatanda din tayo at ang ilan sa atin ay magiging boss din — sana wag na gayahin ang mga mali na ginawa ng mga nauna sa atin.
“This is not only for us — this is also for the next generation of storytellers. Wag na wag niyong irarason sa mga bata ‘iho/iha, mas mahirap ang pinagdaanan namin noon.’”
Ni-repost ni Ezra ang mga hinaing at patotoo ng kapwa photojournalists kaugnay sa sistema ng walang habas na exploitation sa kanila.
Ayon sa source ng PEP Troika, maraming TV programs ang nasapul ng isyung ipinaglalaban ni Ezra. Kaya maingat na sila sa pagpapalabas ng mga video at pictures na hindi nila pag-aari.
Sabi pa ng source ng PEP Troika, iyon ang dahilan kaya hindi ipinalabas ang dalawang segments ng TBATS noong Linggo.
May mga video kasi roon na courtesy ng kung sino. Hindi nila pag-aari. Maingat na sila sa ganyan.
Iyan din daw ang problema ngayon ng Amazing Earth na karamihan ay syndicated materials.
Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.
