Former ABS-CBN star Richard Yap: "I am so happy to become a part of the Kapuso family."

by PEP Troika
Dec 16, 2020
Richard Yap, bet makatrabaho ang Kapuso stars na sina Marian Rivera, Heart Evangelista, Solenn Heusaff, Andrea Torres, ang kaibigan niyang si Jean Garcia, at si Michael V.
PHOTO/S: GMA Network

JERRY OLEA

Pumirma si Richard Yap ng management contract sa GMA Artist Center (GMAAC) ngayong December 16, Miyerkules.

Saksi sa contract signing sina GMA Senior Vice President for Entertainment Group Lilybeth G. Rasonable, GMAAC Assistant Vice President and Head for Talent Imaging and Marketing Unit Simoun Ferrer, GMAAC Senior Talent Manager Joy Marcelo, at ang co-manager sa career ni Richard na si Kate Valenzuela.

Nagpasalamat si Richard sa mainit na pag-welcome ng mga Kapuso bosses.

Aniya, “I’m actually quite overwhelmed as I never thought this would come about. Now that it’s finally here, I am just so happy and so thankful to become a part of the Kapuso family.”

Abangan si Richard sa comedy anthology ni Eugene Domingo na Dear Uge Presents, at sa late-night comedy-variety program na The Boobay and Tekla Show.

Kasama rin si Richard sa isang upcoming primetime series.

Ano pa ang mae-expect sa kanya?

“Expect the unexpected? I guess you can expect me to try and experiment into other genres other than the ones that I’ve done before,” tugon ni Richard.

Continue reading below ↓

Bet ni Richard na makatrabaho sa GMA Network sina Marian Rivera, Heart Evangelista, Solenn Heusaff, Andrea Torres, ang kaibigan niyang si Jean Garcia, at si Michael V.

GORGY RULA

Last year ko pa nababalitaan ang pagiging Kapuso ni Papa Chen.

(Papa Chen ang karakter na ginampanan ni Richard sa defunct Kapamilya primetime show na My Binondo Girl at Ser Chief naman ang tawag sa kanya sa defunct Kapamilya daytime series na Be Careful With My Heart.)

Sa pagkaalala ko, halos sabay pa sila noon ni Rayver Cruz, na dating Kapamilya na ngayon ay Kapuso na.

Hindi ko alam kung bakit natagalan ang contract signing ni Richard.

Ang pagkakaalam ko, kasama dapat si Richard sa Bilangin ang Bituin sa Langit, ang ongoing Kapuso teleserye na pinagbibidahan nina Nora Aunor, Mylene Dizon, at Kyline Alcantara.

Pero hindi rin natuloy kaya napunta kay Zoren Legaspi ang role na Anselmo.

Sana, lalong mapasigla ng Kapuso network ang career ni Richard Yap.

Continue reading below ↓

Mabait siya pati ang asawa niya na tahimik lang na sumusuporta sa kanyang career.

NOEL FERRER

Noong May 2019 elections, kumandidato si Richard bilang Cebu City first district representative.

Pagkatapos matalo sa Cebu elections, nabalita na ang pagkupkop ng Kapuso network kay Richard Yap.

Sana nga, with the various combinations and new concepts na pwedeng magawa ni Richard sa GMA, at least, may bagong aabangan sa kanya.

Sana rin, mag-evolve pa si Richard as an actor para makita pa ang husay niya sa pag-arte, after all those projects with premiere Kapamilya actresses.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Richard Yap, bet makatrabaho ang Kapuso stars na sina Marian Rivera, Heart Evangelista, Solenn Heusaff, Andrea Torres, ang kaibigan niyang si Jean Garcia, at si Michael V.
PHOTO/S: GMA Network
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results