Senator Bong Revilla, suportado ang franchise renewal ng ABS-CBN kahit may sama ng loob

by PEP Troika
Jan 5, 2021
Senator Bong Revilla (in photo, with wife Mayor Lani Mercado): "Hanggang ngayon, iyon pa rin ang stand ko—I will support the renewal of the franchise of ABS-CBN. Ilang buwan na ring walang trabaho iyong mga kababayan natin na nagtatrabaho sa showbiz. Saka kung meron man silang nasagasaan noon, siguro... nag-suffer na rin sila, di ba?"
PHOTO/S: Jerry Olea

JERRY OLEA

Suportado ni Senator Bong Revilla ang isinusulong nina Senator Tito Sotto at Congresswoman Vilma Santos na franchise renewal ng ABS-CBN.

“From the very beginning naman, kahit na may sama ako ng loob sa kanila, supportive ako sa ABS-CBN franchise,” pahayag ni Senator Bong nitong Enero 5, Martes, sa pa-thanksgiving nila ni Mayor Lani Mercado sa Annabel’s, Morato Avenue, Quezon City.

“At hanggang ngayon, iyon pa rin ang stand ko—I will support the renewal of the franchise of ABS-CBN.

“Ilang buwan na ring walang trabaho iyong mga kababayan natin na nagtatrabaho sa showbiz.

“Saka kung meron man silang nasagasaan noon, siguro... nag-suffer na rin sila, di ba?

“Ang importante ngayon, matulungan natin iyan, maibalik natin, mabigyan ng trabaho ang mga nawalan ng trabaho.”

Nilinaw ni Senator Bong na sumama ang loob niya ay sa mga taga-News and Current Affairs ng Kapamilya Network.

Sa mga taga-Entertainment department ay wala siyang isyu.

Continue reading below ↓

Gagawa nga sana siya ng movie with Kathryn Bernardo sa ABS-CBN Star Cinema.

“Iyong mga taga-Entertainment, mga kaibigan ko lahat iyon,” pahayag ni Senator Bong.

“Sina Ma’am Charo [Santos], sina Malou Santos, Olive Santos. Wala pa sila sa ABS-CBN, mga kasamahan ko na sila. They’re very close to me.

“May mga project pa na gagawin ako sa Star Cinema. Remember, ako iyong first actor nila.

"Ang first movie na ginawa ng Star Cinema, Adan Ronquillo [1993], kami ni Sheryl Cruz.”

May natitira pang one day shoot si Senator Bong para sa Season 1 (13 episodes) ng Kapuso action-fantasy series na Agimat ng Agila, kung saan co-stars niya sina Sanya Lopez, Sheryl Cruz, Roi Vinzon, Benjie Paras, Allen Dizon, Seth de la Cruz, at Elizabeth Oropesa.

Tuloy pa rin ang trabaho niya sa Senado. May oras ba siya upang makapag-shoot para sa Star Cinema?

“Ayokong isipin na kaya su-support ako sa kanila, e, dahil gagawa ako ng pelikula, di ba?” sambit ni Senator Bong.

Continue reading below ↓

“Ayoko munang sagutin iyan, pero ever since naman, sinabi ko na supportive ako sa ABS-CBN franchise.

“Kasi mahirap, e. Sasabihin, conflict of interest ‘yon. Mahirap ‘yon.”

Probable ba na this year ma-renew ang franchise ng ABS-CBN? O matatagalan ang proseso?

“It should emanate sa Lower House. And then, ita-tackle namin pag sumampa sa Senado,” tugon ng 54 anyos na actor-politician.

“Isa ako sa nag-file niyan, kumbaga, iyong support sa renewal. Sinabi ko ‘yon, paninindigan ko. Ganun ako, e.

“Kapag nakapagbitaw na ako ng salita, paninindigan ko ‘yon. Kung sino man ang sasama ang loob, e, nasabi ko na ‘yon.

“Basta, gagawin ko ‘yon para sa nakikita kong mas makakabuti sa mas nakakarami.”

Magkakaayos kaya sila ng mga kinasamaan ng loob niya sa ABS-CBN News and Current Affairs department?

“Iyong mga kinasamaan ng loob ko, pinatawad ko na sila. Pinatawad ko na.”

GORGY RULA

Nagpapasalamat si Senator Bong dahil nandiyan din ang tiwala ng ABS-CBN na gawan siya ng pelikula sa Star Cinema.

Continue reading below ↓

Pero paulit-ulit siyang nagpapasalamat sa GMA-7 dahil pagkalabas niya ng Camp Crame at kahit binabatikos ng mga bashers, kaagad siyang inalok ng project at gustong maging Kapuso uli.

Excited siya sa kanyang Agimat ng Agila na parang pelikula raw ang dating. Pwede raw gawing pelikula ang buong season nito.

Siyempre, kinarir ni Direk Rico Gutierrez yun.

At ang nakakatuwa pa, nagkaroon sila ng chemistry ni Sanya Lopez na leading lady niya sa seryeng ito.

NOEL FERRER

Very good itong move na ito ni Senator Bong Revilla na isulong ang pagbabalik sa ere ng ABS-CBN.

Sana rin, makausap nang masinsinan at maimpluwensiyahan ni Senator Bong Revilla ang kanyang nakababatang kapatid na si Congressman Strike Revilla na i-reconsider at baguhin ang naunang boto na pagbasura ng prangkisa ng ABS-CBN. Sana!

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Senator Bong Revilla (in photo, with wife Mayor Lani Mercado): "Hanggang ngayon, iyon pa rin ang stand ko—I will support the renewal of the franchise of ABS-CBN. Ilang buwan na ring walang trabaho iyong mga kababayan natin na nagtatrabaho sa showbiz. Saka kung meron man silang nasagasaan noon, siguro... nag-suffer na rin sila, di ba?"
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results