Regine Velasquez, tuloy ang Valentine concert kahit may pandemya

by PEP Troika
Jan 7, 2021
Sa kabila ng pandemya, tuloy ang tradisyon nang concert ng Asia's Songbird na si Regine Velasquez tuwing Valentine's.
PHOTO/S: Instagram

JERRY OLEA

“Nambubudol” na naman ang Asia’s Songbird.

Mapagpalayang post ni Regine Velasquez-Alcasid nitong Enero 7, Huwebes ng umaga:

“Hmmmm mga bakla ito na naman ang lola nyong budol may pacansern Feb14 #Freedome

“Alam kong mahirap ang buhay natin ngayon, kaya naman muratik ang patikech [laughing while crying emoji]

“Nako may pa after party at pa request portion pa!!!! Hindi pa ba kayo pagod nun?! [laughing while crying emoji]

“So please join me on Valentine’s Day [red heart emoji]”

Continue reading below ↓

Anech?! Ano kamo?! Gaganapin ang digital concert ni Regine entitled Freedom sa Pebrero 14, Linggo, Araw ng mga Puso.

Ang halaga ng tiket ay P1,200 at P2,400.

Iyong P1,200 ay access lamang sa digital concert. Iyong P2,400 ay limited slots.

Bukod sa access sa Freedom concert, merong virtual meet-and-greet, behind the scenes Zoom after party, at request portion.

Ang stage director ay si Paolo Valenciano, samantalang ang musical director ay si Raul Mitra.

Ang tickets ay available umpisa Enero 8, Biyernes, sa KTX.

Take note na si Paolo rin ang nagdirek ng record-breaking na Alden's Reality: The Virtual Reality Concert.

P999 at P1,200 ang halaga ng nasabing concert kung saan ipinagdiwang ni Alden Richards ang kanyang 10th anniversary sa showbiz. Sold-out ang virtual concert ng Asia’s Multimedia Star na napanood sa tatlong timeslots noong Disyembre 8 at 9, 2020, Martes at Miyerkules.

Iyong Apollo: A Daniel Padilla Digital Experience na ipinalabas noong Oktubre 11, 2020, Linggo, sa KTX ay P499 lamang ang tiket.

Continue reading below ↓

NOEL FERRER

Habang naka-lockdown ay magpasalamat tayo at may ganitong effort na katulad ng kay Songbird Regine Velasquez na magandang creative outlet sa ating quarantined na buhay.

This is a positive way of coping at maganda na ring sagot sa ating mental health concerns—to heal through music.

Kaya ikakabit ko na rin dito ang isyu ng pagkakatanggal ng ABS-CBN ngayong panahon ng pandemya.

Sana, ramdam na ng mga kumitil sa buhay ng network na inalisan nila ang mga tao (nationwide) ng pang-aliw at pagkukunan ng impormasyon na talagang salat na salat ngayong may COVID.

Isa sanang factor itong nakatulong pa sa pagpapapirmi ng mga tao sa bahay panlaban sa kanilang bagot, at sa mga kasamahan natin sa industriya na patuloy sana sa trabaho.

Sorry at mahirap talagang mapatawad ang pagkakamali sa pagkakaalis ng ABS-CBN sa punto pa lamang ng TIMING.

Nakikita kaya ito ng ating mga lider? Sana!

GORGY RULa

Continue reading below ↓

Ito na talaga ang araw na ang saya sanang lumabas. Puno ang mga concert venue, restaurants pati motels.

Mabuti at hindi pa rin naputol ang tradisyong may Valentine concert si Regine. Inaasahang kakaririn ito ni Songbird.

Samantala, itutuloy na rin pala ang naudlot na concert nina Ogie Alcasid at Ian Veneracion na Kilabotitos. Gagawin nang Virtually Yours, Kilabotitos.

Ia-announce pa lang kung kailan ito. Posible kayang tapatan nito ang kay Regine?

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sa kabila ng pandemya, tuloy ang tradisyon nang concert ng Asia's Songbird na si Regine Velasquez tuwing Valentine's.
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results