JERRY OLEA
Opisyal nang inihayag ng ABS-CBN ang pagpapalabas ng ASAP Natin ‘To (12:00 nn-2:00 p.m.) at FPJ: Da King (2:00-4:00 p.m.) sa TV5 umpisa Enero 24, Linggo.
Collaboration ito ng Cignal, TV5, Brightlight Productions, at ABS-CBN.
Dapat bang mataranta ang mga katapat na programa sa GMA Network na All-Out Sundays, Wagas, at Dear Uge Presents?
Kung may Janine Gutierrez sa ASAP Natin ‘To, may Rayver Cruz sa All-Out Sundays.
Rerun man ang Wagas anthology na nag-umpisa noong Setyembre 27, wagi pa rin ito sa puso ng televiewers.
May fresh episode na naman ang comedy anthology na Dear Uge Presents sa Linggo ng 2:45 p.m.
Sa istorya, si Dra. Cielo (Eugene Domingo) ay isang sikat na reconstructive surgeon. Pogilicious ang kanyang asawa (Wendell Ramos). Napag-alaman ni Dra. Cielo na kabit ng kanyang asawa si Honey (Patricia Ismael).
Take note na nagtambal na before sina Uge at Wendell sa pelikulang Wedding Tayo, Wedding Hindi (2011) na pinagbidahan din nina Toni Gonzaga at Zanjoe Marudo.
More and more and more ang mga payanig, pasabog, at pasiklab ng GMA Network sa unang quarter pa lang ng 2021.
Bonggacious ang mga papremyo ng Wowowin host na si Willie Revillame para sa 60th birthday celebration sa Enero 27, Miyerkules.
Mamimigay si Willie ng maraming cash prizes at isang brand new house and lot.
Mag-uumpisa na ang reality game show na Catch Me Out Philippines sa Pebrero 6, Sabado.
Pangungunahan ito nina Jose Manalo, Kakai Bautista, at Derrick Monasterio bilang Celebrity Spectators.
Bibida sa Catch Me Out Philippines ang mga ordinaryong tao na magpapakitang gilas at makikipagsabayan sa mga totoong propesyonal sa iba’t ibang larangan.
Upang manalo, kinakailangan nilang mapaniwala ang celebrity guest judge sa bawat pagtatanghal na hindi sila ang nagpapanggap na contestant.
Pebrero 8, Lunes, matutunghayan na ang fresh episodes ng Anak ni Waray vs. Anak ni Biday. Kapana-panabik ang mga bagong ganap sa teleseryeng tinatampukan nina Barbie Forteza, Kate Valdez, Migo Adecer, Dina Bonnevie, Snooky Serna, at Jay Manalo.
Babalik na sa Pebrero ang reality kiddie singing competition ng GMA Network na Centerstage.
Hosts nito sina Alden Richards at Betong Sumaya. Judges sina Pops Fernandez, Aicelle Santos, at Maestro Mel Villena.
GORGY RULA
Hindi lang ang ASAP Natin ‘To at FPJ: Da King ang inaasahan nilang mapapanood sa TV 5.
Totoo bang medyo kabado na ang taga-Lunch Out Loud (LOL), at baka It's Showtime na ang magmamay-ari ng timeslot na iyon?
Pero sabi naman ng ilang napagtanungan ko sa LOL, okay raw sila at tuluy-tuloy pa rin sila.
Medyo nawi-weirduhan lang akong isipin kapag bumabati ang hosts ng ASAP ng "Hello Kapamilya" na napapanood sa TV5.
Pero sabi ng ilang sumusubaybay sa kuwentong ito, baka mas lumakas na ang ang Kapamily shows dahil napapanood na sa mga probinsiya gawa ng TV5. Sa Mega Manila lang kasi talaga ang reach ng A2Z.
Samantala, aliw ang teaser ng Dear Uge Presents na bagong episode na naman. Naka-4.6% ang rating ng nakaraang episode ng Dear Uge na guest si Richard Yap.
Nagsimula noong Enero 15 ang "Pera o Kahon Text Promo" ng Wowowin. Simple lang ang mechanics para sa mga gustong sumali rito.
Mag-register lang ng isang beses via text. Pagkatapos mag-register, maaari nang magpadala ng pagbati para kay Willie Revillame sa 8933. Ang bawat birthday greeting ay katumbas ng isang entry para sa electronic raffle na gaganapin sa mismong kaarawan niya.
Ang "Pera o Kahon Text Promo" ay magtatapos sa Enero 27.
Excited naman ang production staff ng Catch Me Out Philippines na nagsimula nang mag-tape.
Ang gagaling daw ng mga amateur at aliw ang bawat segment. Kaya inspired din si Jose Manalo na host at talagang ginalingan din niya.
NOEL FERRER
Hindi man magkaparehas sa reach sa free TV tulad ng A2Z at TV5, mainam talaga na maraming platforms na paglalabasan ang Kapamilya shows tulad ng Kapamilya Channel, iWant TFC, TFC, CineMo, at iba pa!
Sana mas marami pang opportunities na ganito—na may media synergy at collabs na nagbubuwag ng network divides!
Bravo!!! And More! More!!!
Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.
