Anak Ng Macho Dancer, "wild" ang twosome at threesome scenes; 100K na nga ba ang nabentang tickets?

by PEP Troika
Jan 27, 2021
All-out ang aktingan at "hubaran" nina (mula kaliwa) Charles Nathan, Mhack Morales, Sean de Guzman, Ricky Gumera, at Miko Pasamonte sa digital film na Anak Ng Macho Dancer.
PHOTO/S: Anak Ng Macho Dancer

JERRY OLEA

Enero 15, Biyernes, nagsimulang ibenta ng KTX ang tiket para sa digital premiere ng pelikulang Anak ng Macho Dancer (ANMD).

Mag-i-streaming worldwide ang uncut version ng ANMD sa Enero 30, Sabado ng 9:00-11:00 p.m., sa KTX.

PHP690 ang halaga ng bawat tiket bilang pagpupugay sa Club 690 (gay bar noon sa 690 Retiro St., QC, na naging Amoranto St.) na pinagsyutingan ng Macho Dancer (1988).

Itong ANMD ay sequel ng Macho Dancer, at andito pa rin ang mga karakter nina Pol (Allan Paule), Bambi (Jaclyn Jose), at Dennis (ginampanan noon ni William Lorenzo, this time ay si Emilio Garcia ang gumanap).

WHERE TO BUY TICKETS

Sa grand presscon ng ANMD noong Enero 21, Huwebes ng gabi, sa Annabel’s restaurant, Tomas Morato Avenue, Quezon City, inihayag ng producer na si Joed Serrano ng Godfather Films na malakas ang ticket sales ng digital premiere.

"Walang halong etchos, malakas ang benta niya, pero mas marami yung complaint,” pahayag ni Joed aka Mr. P.

Continue reading below ↓

"Complaint hindi sa price. Ang complaint ay sa kung paano makabili. Kasi, step by step sa pagrehistro sa KTX. Which I understand. Kasi, ako rin, naguluhan.

"Imagine, ako ang producer, hanggang ngayon, hindi pa ako nakakabili.

"Nag-try ako. Bumalik ako sa Step 1. Argh! Nainis na ako."

Humanap ng paraan si Joed para may ibang option na pagbibilhan ang mga manonood.

“Ang pinakamadali, pumayag ang KTX na akapin ako ng... Imagine, nagulat ako, naisip ko iyong Ticketworld at Ticketnet.

"Kasi, madali doon. Imagine kung wala kang credit card or ayaw mo doon sa gadget, pumunta ka doon sa Ticketnet Araneta nila, pay PHP690, and you get the link. OK na rin iyon."

anak ng macho dancer poster

Continue reading below ↓

Kumusta ang demographics ng mga bumili? Marami ba sa abroad?

Napangiti si Joed, "Mas marami iyong ibang bansa. Maybe because the PHP690 price is, para sa kanila, wala. Kasi, when you convert it into dollars, it’s only $14, e.

"So, sa Pilipino, well... marami namang bading na mayaman talaga, e. Actually, doon sa price, walang nag-complain.

"Meron lang isa, na parang how he wish [mas mababa yung price], kasi isang week na raw na bigas nila iyon. Pero intindihin natin.

"Maganda naman talaga yung pelikula. Hindi ninyo iisipin iyong PHP690 sa ganda ng pelikula talaga. Totoo, walang etchos."

100,000 TICKETS SOLD?

Noong Enero 25, Lunes ng umaga, nakita namin sa Facebook page ng Godfather Productions na kesyo 100,000 tickets na ang nabenta sa digital premiere ng Anak Ng Macho Dancer.

Kung kokompyutin, 100,000 tickets x 690 = tumataginting na PHP69M! Nakakalukring!

Isang screening lamang iyan sa Sabado night sa KTX!

Continue reading below ↓

Samantalang iyong 46th Metro Manila Film Festival, dalawang linggo (Disyembre 25, 2020-Enero 7, 2021) ipinalabas ang sampung official entries. Pero bulung-bulungan na more or less ay PHP31M lamang ang kabuuang kinita?

Of course, hindi pa naglalabas ng official gross ang MMFF 2020 Executive Committee.

Pero kung hindi man lang naka-PHP50M sa two weeks ang MMFF, 'tapos ay assured na ng PHP69M ang Anak Ng Macho Dancer sa digital premiere pa lang nito... Talsik!!!

GORGY RULA

Sa totoo lang, mahal na yung US$14 sa Amerika.

Pero nang nakausap ko si Joed noong Enero 19, natutuwa siya dahil malakas nga raw ang sales ng tickets.

Kung tumaas ang kilay ng iba sa press release nilang naka-PHP69M na agad ang benta sa tickets, inspiring ang kuwentong yun sa iba pang producers para tuluy-tuloy ang paggawa ng pelikula.

Wala tayong magagawa kung yun ang gusto nilang press release. Pera naman ng Godfather Productions yun.

Continue reading below ↓

At least, tuluy-tuloy pa ang pag-produce nila ng pelikula, dahil marami silang naka-line up na projects.

Sa Pebrero 1 ay nakatakda ang first shooting day nila ng pelikulang Kontrabida, tampok si Nora Aunor, sa direksyon ni Adolf Alix Jr.

Sa pagkakaalam ni Direk Joel Lamangan ay nabili na rin ni Joed ang pelikulang Lockdown (Kapit Sa Patalim), na launching film ni Paolo Gumabao.

Pangarap ni Joed na magprodyus ng pelikula na magkasama sina Sharon Cuneta at Maricel Soriano.

Kabilang pa sa mga pelikulang ikinakasa ng Godfather Productions ni Joed ang Burlesk: Ang Huling Sayaw, Ang Bagong Totoy Mola (launching movie ni Ricky Gumera), MILF, at Cybersex: The Miko Pasamonte Story.

Gayundin ang Matrona; Mga Batang Tondo; Artista Ako, E; Matinee Idol; Monay & Everything; Banat; Macho Gay; The Loves; at The Miracles & The Life of... Joed.

Nasa lineup din ang Ang Kasambahay, The Door, Sir, Super Pogi & his Magical Friends, My Bestfriend's Husband, Binili Kong Pag-ibig, at Island Boys.

Continue reading below ↓

JERRY OLEA

Ilulunsad sa pelikulang Anak Ng Macho Dancer si Sean de Guzman ng Clique V.

Hubad kung hubad dito si Sean at ang co-stars na sina Ricky Gumera, Miko Pasamonte, Charles Nathan, Mhack Morales, at Neil Suarez.

Andaming nag-aabang sa pirated version ng movie.

"Mahirap ang buhay, pero mas mahirap ang gumawa ng mali," pagbuntong-hininga ni Joed.

"Alam niyo nang mali, gagawin niyo pa? Di ba? Come on, karma. There’s no excuse, or hindi rason na, 'Ahh, maliit lang naman itong kasalanang gagawin ko. Magpa-pirate ako.'

"Wala hong maliit at malaking kasalanan. Ang kasalanan is kasalanan. Might as well, kung hindi niyo pa kaya dahil siyempre, malaking amount din iyong PH690...

"Ahhmm, darating din naman iyong time na maipapalabas namin ito sa streaming service, pwedeng sa Netflix, o sa GagaOOLala. Depende kung sino iyong makaka-deal namin."

Napanood na raw ni Joed noong Enero 19, Martes, ang Anak Ng Macho Dancer.

Continue reading below ↓

"With the music, with the color grading, sulit siyang panoorin. Mabilis iyong ganap," pagpitik-pitik ni Joed.

"Hindi ka mabo-bored. Parang one after another, talagang... ohh! Iyong twist ng story roon, nakakagulat."

WILD SCENES

Maa-arouse ba ang curiousity ng mga manonood sa movie?

Pilyo ang ngiti ni Joed, "Iyong lalaki, baka maging bakla. Alam niyo, iyong ipinakita ng boys dito, lalo na si Ricky at si Sean, iyong twosome, iyong threesome...

"At saka iyong ungol ni Jay Manalo, kahit kayong mga babae, maa-arouse kayo."

E, iyong mga tomboy?

"Iyong mga tomboy, baka maging mga babaeng tunay," kumpiyansang sagot ni Joed.

Kumusta ang akting ng mga bida sa Anak ng Macho Dancer?

"Si Sean, walang duda because he’s been in the business for quite sometime. Pero ang revelation, si Ricky," sambit ni Joed.

"Hindi naman sa pagbubuhat ng bangko, siya ang revelation. Why? No acting experiences, pero yung mata niya, e.

"Kahit si Direk Joel, napansin din na... hindi mo hihintayin ang paghuhubad. Hindi mo hihintayin. Although iyon nga, iyong paghuhubad, agaw-pansin din.

Continue reading below ↓

"Kasi, may ipinagmamalaki naman talaga. But iyong akting niya, swabeng-swabe. Eksakto, swak na swak doon sa character.

"So, I think, he’s the next star to watch out. Aside from Sean.

"Si Charles naman, noong nandoon siya sa eksena na lahat ng boys, nakahilera— mapapansin mo siya. Bakit? Iyong kutis, e.

"Parang iisipin mo, ‘Sana, huwag na lang siyang maghubad.’ Pero naghubad siya, e. So, mapapansin siya dahil sa ganda ng kutis niya at mukha. Guwapo.

"Siya ang matinee idol talaga. Siya ang next matinee idol. Iyang tatlong iyan, abangan ninyo.

"Miko is already an actor. I think, he’s more of a character actor. So, I think, hindi mawawalan ng trabaho si Miko. Same with Mhack.

"But the stars to watch out for are Sean, Ricky, and Charles. Iyan ang laban ng taon na ito."

joel lamangan anak ng macho dancer movie poster

Continue reading below ↓

"BONUS ATTRACTION"

Mababawi ba ang puhunan na inilabas ni Joed sa pelikula?

"Sa first screening namin on January 30, hindi kaya. Kasi, first screening pa lang, e!" bulalas ni Joed.

"Di ba, ang sinehan naman, hindi lang first screening, di ba? So, yun, tuluy-tuloy, maraming avenue.

"Iyong second screening, panonoorin niyo ulit. May added attraction. After watching this first screening, ang susunod na ipo-promote natin, may bonus attraction. Mas wild!"

Wala pang petsa kung kailan ang second screening ng Anak Ng Macho Dancer.

NOEL FERRER

Grabe ang hype sa pelikulang nabanggit, ha!

Sana mapantayan ng ingay ng pagpo-promote nito ang kahusayan at kagandahan ng pelikula na idinirek ni Joel Lamangan, mula sa panulat ni Henry Quitain.

All the best!!!

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
All-out ang aktingan at "hubaran" nina (mula kaliwa) Charles Nathan, Mhack Morales, Sean de Guzman, Ricky Gumera, at Miko Pasamonte sa digital film na Anak Ng Macho Dancer.
PHOTO/S: Anak Ng Macho Dancer
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results