Sino kaya ang next "Tawag ng Tanghalan" champion?

by PEP Troika
Jan 30, 2021
Sino kaya sa kanila ang magiging champion ng Tawag ng Tanghalan? Starting February 1 until 6 ang week-long grand finals sa It's Showtime.
PHOTO/S: PR

JERRY OLEA

Sino ang susunod sa mga yapak nina Noven Belleza, Janine Berdin, at Elaine Duran?

Siyam na mang-aawit ang magpapasiklaban para makuha ang suporta ng mga hurado at madlang people sa ikaapat na week-long grand finals ng “Tawag ng Tanghalan: Ang Huling Tapatan” sa It’s Showtime mula February 1 to 6, 2021, Lunes hanggang Sabado.

Gaya ng nangyari sa mga nakalipas na grand finals, manggagaling ang scores ng bawat performance ng grand finalists sa mga hurado (50%) at text votes ng viewers (50%).

Ang champion ay magkakamit ng PHP1 milyon cash, brand-new house and lot mula Lessandra na nagkakahalaga ng PHP2 milyon, recording contract with Star Music, management contract sa Star Magic, at isang trophy na gawa ng multi-media visual artist na si Toym Imao.

Nakumpleto na nitong January 30, Sabado, ang pangkat ng grand finalists sa pagkakapasok ni Raychell Laylo ng Lipa City, Batangas, matapos niyang matagumpay na pinanghawakan ang seat of power sa “Resbakbakan.”

Continue reading below ↓

Makakatapat niya ang mga kapwa kontesero at konteserang sina Rica Mae Maer ng Villasis, Pangasinan; Emmar Cabilogan ng Maasin, Leyte; Nikole Kyle Bernido ng Cagayan De Oro City.

Handa na ring ipaglaban ang pangarap nina Makki Lucino ng Sorsogon, JM Yosures ng Taguig City, Donna Gift Ricafrente ng Sta. Cruz, Laguna, Mara Tumale ng Malolos, Bulacan, at Ayegee Paredes ng Bukidnon.

Sa unang dalawang araw ng kumpetisyon, mga awiting maglalarawan sa kani-kanyang journey ang kanilang kakantahin. Ang makakakuha ng pinakamababang combined scores ang matatanggal sa Martes, February 2.

Muling ibabalik sa zero ang scores ng matitirang finalists.

Magsasalpukan sila gamit ang mga kantang may temang “Laban Natin ‘To” sa Miyerkules at Huwebes, at temang “Now or Never” sa Biyernes.

Isang finalist kada araw ang matatanggal sa Huwebes at Biyernes.

Pagdating ng Sabado, February 6, aawitin ng anim na matitirang grand finalists ang kanilang “dream song.”

Sa pagtatapos nito’y tatlo ang malalagas sa kanila. Sa huling tapatan, ang tatlong matitirang matibay ang magpe-perform ng kanya-kanyang pambatong medley na muling huhusgahan ng madlang people at mga hurado.

Continue reading below ↓

Napapanood ang It’s Showtime mula Lunes hanggang Sabado ng tanghali sa A2Z channel sa digital at analog TV, ganoon din sa Kapamilya Channel sa cable at satellite TV sa Kapamilya Channel (SKYchannel 8 sa SD at channel 167 sa HD, Cablelink channel 8, G Sat Direct TV channel 22, at karamihan ng cable operators na miyembro ng Philippine Cable and Telecommunications Association sa buong bansa), sa Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment, pati na rin sa iWantTFC app o website. Mapapanood din ito sa labas ng Pilipinas sa The Filipino Channel.

GORGY RULA

Gusto talaga ng mga manonood ang mga talent show lalo na ang singing competitions. Kaya naman consistent na nagri-rate ang The Clash dahil exciting ang mechanics sa labanan ng mga magagaling na singers.

Dito naman sa "Tawag ng Tanghalan" ay epek pa rin, pero hindi na ito gaanong napapansin.

Sa totoo lang, si Janine Berdin pa rin ang huling tumatak sa akin na "TNT" grand champion.

Continue reading below ↓

Parang dumaan na lang si Elaine Duran kahit napakagaling niya. Pero tuloy lang!

Kailangan natin ng mga bagong liga ng magagaling na singers. May The Clash ang GMA-7, at susunod na rin ang Centerstage para sa batang biritero’t biritera.

Ang TV5 ay may Born to be a Star, na sa pilot episode nitong January 30, Sabado ng gabi, ay may mga kasaling malaki ang potensiyal.

Marami pa tayong mga bagong talento na kailangang bigyan ng break at isalang sa spotlight.

Good luck sa finalists ng "TNT."

NOEL FERRER

Nakakamangha na hindi tayo nawawalan at nauubusan ng mga magagaling na Pinoy na mang-aawit, kaya good luck sa mga "Tawag Ng Tanghalan" finalists.

Naisip ko lang, sa pagkalimitado ng gigs at events na makakantahan ng performers, ano kayang trabaho ang naghihintay sa kanila?

Sana kahit may pandemya ay meron naman. Malamang, karamihan diyan ay may online events and performances, pero sasapat kaya ito sa singers-performers natin? Sana!!!

Continue reading below ↓

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sino kaya sa kanila ang magiging champion ng Tawag ng Tanghalan? Starting February 1 until 6 ang week-long grand finals sa It's Showtime.
PHOTO/S: PR
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results