Rita Avila, tinawag na "demonyo" ang mga nang-iintriga sa kanya at asawang si FM Reyes

by PEP Troika
Feb 4, 2021
Rita Avila, pinalagan ang bashers na sinasabing ginamit niya umano ang posisyon ng asawang si FM Reyes para makakuha ng role sa Ang Sa Iyo Ay Akin. Paglilinaw niya, "Hindi po siya ang namimili na ilagay ako sa cast. Management po ng ABS-CBN ang namimili..."
PHOTO/S: @msritaavila Instagram / Magpasahanggang Wakas Twitter

NOEL FERRER

"Hindi ako bobong artista na kailangan pang hilahin niya!"

Ito ang maanghang na salita ni Rita Avila sa isang basher sa social media na tinawag niyang "demonyo" dahil sa paninira sa kanya.

Sinabihan daw si Rita na “kulelat” sa aktingan at tanging ang asawang direktor na si FM Reyes ang makapagsasalba sa kanya sa teleseryeng Ang Sa Iyo Ay Akin.

Damang-dama ang sama ng loob ni Rita sa video na in-upload niya sa Instagram ngayong Huwebes, February 4.

Kuha ang video sa gitna ng marubdob na taping ng finale ng Ang Sa Iyo Ay Akin (ASIAA), ang napaka-successful na teleserye na number one sa iWant TFC.

Bago iyon, may netizens ding bumatikos na "baduy" si Rita dahil sa kanyang pananamit. Maging ang ube na eyeshadow niya ay pinuna.

Pero dahil tutok ako sa teleserye na ito, in character si Rita dito, at talagang effective ang pagkanakakainis niya!

Wala nang kailangang patunayan si Rita bilang aktres.

Continue reading below ↓

In the end, tutok na lang sana ang mga tao sa sobrang magagandang eksena ng ASIAA, at talaga namang napakaganda ng kuwento at hayup ang aktingan.

JERRY OLEA

Agaw-pansin ang mga nilabas na hinaing ni Ritasa bashers na nais daw siyang hilahin pababa.

Pagpapatuloy ng beteranang aktres, "Yes, demonyo dahil ang tanging gusto lang talaga niya ay makapanakit at tapakan ang pagkatao ko.

"Ang ikinagalit ko, o ikinasama ng loob ko ay ang pagdamay pa niya sa asawa ko.

"Pintasan na ng lahat ang karakter ko, ang pag-arte ko, huwag lang idamay ang asawa ko."

Nagbalik-tanaw pa si Rita tungkol sa dinaanang pagsubok nila noon ni Direk FM.

"More than 30 years ago, nagsama kami sa isang soap, yung Marinella.

"May mga demonyo rin na siniraan kami dahil lang sa relasyon namin.

"Napakasakit po noong time na ‘yon na ako ay nagtangkang magpakamatay. Hindi ko kinaya..."

Pebrero 1999 hanggang Mayo 2001 ipinalabas sa ABS-CBN ang afternoon drama series na Marinella, kung saan bida sina Camille Prats, Shaina Magdayao, at Serena Dalrymple. Ang director ay si Erick Reyes, aka FM Reyes.

Continue reading below ↓

ON KNOWING HER CAPABILITY AS AN ACTRESS

Iilan lang naman daw ang mga proyektong nakakatrabaho ni Rita ang asawa— kabilang ang Marinella, Magpahanggang Wakas (2016-2017), at ASIAA.

Mapait ang ngiting patuloy ni Rita, "After ten years, hindi ako nagtrabaho kasama ang asawa ko.

"Hindi ako nagtrabaho sa ABS para wala nang masabi yung mga tao.

"After so many years, pinagsama ulit kami. And I was just careful dahil baka may mga kung anu-ano na namang sutsot ang mangyari.

"Mula noon, yung Magpahanggang Wakas, at ito na ASIAA, pangatlo pa lang po namin na mag-asawa na nagkatrabaho kami."

Nanindigan din si Rita na alam niya ang kanyang abilidad bilang artista.

"Kung ano man yung mga iniisip ng mga malisyoso diyan na kesyo mag-asawa kami, kasama ako sa cast dapat... Na pag asawa ko, ganito, ganyan... Na parang trapo ako. Na wala akong napatunayan sa sarili ko...

"Matagal na po akong artista. Sabihin ninyo na laos ako, fine. Dahil hindi ko naman iniisip, wala akong ilusyon na sikat ako, hello?!

Continue reading below ↓

"Pero yung para sabihin, na kaya naman akong iangat ng asawa ko, huwag ganoon. Dahil hindi kami ganoong klaseng tao."

DIREK F.M. NOT IN CHARGE OF CASTING

Idiniin ni Rita na hindi kinakailangang daanin sa posisyon ni Direk F.M. para kunin siya sa proyekto.

Malumanay pero dire-diretsong pahayag ni Rita:

"Maayos po kami. Simple kaming mag-asawa! Maayos kaming magtrabaho, alam nila iyan.

"Hindi po siya ang namimili na ilagay ako sa cast. Management po ng ABS-CBN ang namimili kung sino ang mga artistang kukunin.

"Ako, tuwing may trabaho, nagpapasalamat ako sa Diyos. Ganoon lang ang buhay ko. Trabahador, katulad ninyo.

"Pero huwag na huwag ninyong bigyan ng dumi ang relasyon namin just because mag-asawa kami at nagtatrabaho kami bilang direktor at aktres.

"Hindi ko kaya ‘yon. Hindi ko kayo mapapatawad.

"Napakabuting tao ng asawa ko."

Taong 1987 nakilala sa showbiz si Rita bilang member ng musical-variety show na That’s Entertainment.

Continue reading below ↓

Kapagkuwan ay napabilang siya sa Seiko Jewels ng Seiko Films. Kabilang sa mga pelikula ni Rita ang Alyas Stella Magtanggol (1992); Sumayaw Ka, Salome (1992); at Muling Umawit Ang Puso (1995).

RITA avila'S CHARACTER IN ASIAA

Bongga ang pagbabalik ni Belen Ceñidoza (Rita Avila) sa December 17, 2020 episode ng Ang Sa Iyo Ay Akin.

Sinumbatan si Belen ng anak na si Ellice, "Buhay kayo? Buhay kayo all these years, tapos, ngayon ka lang magpapakita?!"

Nakakairita ang pagiging scheming ni Belen, lalo nang magsanib-pwersa sila ni Cesar (Simon Ibarra) para mapatay si Marissa (Jodi Sta. Maria).

Pakiusap ni Rita sa Instagram video, "Alam niyo ‘yan na kaya kong makipaglokohan kahit ano pang ipintas ninyo kay Belen.

"Sa mga kulay ng eye shadow, sa make-up, sa buhok, sa kulay ng damit. Kayang-kaya kong pagtawanan, alam niyo ‘yan.

"Tanggap ko po ‘yon. Kayang intindihin ng isip ko."

GORGY RULA

Sang-ayon ako na walang kailangang patunayan si Rita bilang aktres.

Continue reading below ↓

Kahit sabihing baduy siya, saliwa ang make-up o anuman, Rita Avila na siya.

Hindi na kiya kailangang patulan ang mga taong ito na hindi niya kilala.

Kaya tama talaga ang sinasabi ng iba na kapag galit ka, huwag kang mag-post sa social media.

Dapat deadma na si Ms. Rita. Huwag na siyang mairita.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Rita Avila, pinalagan ang bashers na sinasabing ginamit niya umano ang posisyon ng asawang si FM Reyes para makakuha ng role sa Ang Sa Iyo Ay Akin. Paglilinaw niya, "Hindi po siya ang namimili na ilagay ako sa cast. Management po ng ABS-CBN ang namimili..."
PHOTO/S: @msritaavila Instagram / Magpasahanggang Wakas Twitter
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results