Dennis Padilla, tinanong tungkol sa Julia-Gerald rumored romance; Andrew E, supportive sa anak na aspiring rapper

by PEP Troika
Feb 4, 2021
Dennis Padilla (upper left), nirerespeto ang pagiging pribado ng anak na si Julia Barretto (lower left) tungkol sa love life nito. Andrew E (upper right), maglulunsad ng single para sa aspiring rapper niyang anak na si Fordy Dongalo (lower right).
PHOTO/S: @dennisastig / @andersongeraldjr / @andrewe_dongalo / @4d_dongalo Instagram

GORGY RULA

Balik-promote ang mga bida ng pelikulang Pakboys: Takusa ng Viva Films dahil ipalalabas na sa Vivamax ang pelikula nila simula Pebrero 5, Biyernes.

Halagang PHP149 lang ang ticket, dahil aware naman silang napirata na ito nang husto.

Nakapanayam namin sa DZRH sina Dennis Padilla at Andrew E. noong Miyerkules Pebrero 3,

Biro ni Dennis, itong Pakboys ang isa sa "most-pirated movie" ng MMFF.

"Dapat nga magbigay din sa atin ng bonus ang mga pirates," biro ni Dennis.

Sa aming panayam kay Dennis kasama si Andrew E., na isa rin sa mga bida ng pelikula, napag-usapan namin kung gaano sila ka-proud sa kanilang mga anak.

ANDREW E ON SON FORDY

Ikinuwento ni Andrew E na isa sa mga araw na ito ay ilu-launch nila ang bagong single ng kanyang 18-year-old son na si Fordy, na tila sumusunod na rin sa kanyang yapak bilang rap artist.

"Si Fordy, marunong mag-rap. Gusto niya. Kaya susuportahan ko siya dun in the coming days.

Continue reading below ↓

"Kaya maglalabas kami ng single para ma-introduce naman siya sa tao,"
pahayag ni Andrew E.

DENNIS padilla ON DAUGHTER JULIA

Kinumusta naman namin kay Dennis ang love life ng anak niyang si Julia Barretto.

Hiningan namin si Dennis ng reaksiyon sa patuloy na pagsubaybay ng netizens kay Julia at kay Gerald Anderson.

Karamihan ay naniniwalang may relasyon ang dalawa.

Safe ang sagot ni Dennis. Pagdating sa love life, hindi raw niya ito inuurirat sa kanyang anak.

"Kapag hindi siya nagkukuwento, hindi naman ako nagtatanong. Siguro, she wants to be private lang din. Kung mag-o-open up siya, makikinig lang ako.

"Kung hindi man siya mag-open up, antay lang ako kung kailan siya magsasabi sa akin."

Wala raw siyang alam kung sina Julia at Gerald na nga ba.

"Siyempre, kailangan naman nating respetuhin din yung karapatan ng ating mga anak. Siyempre, personal naman nila iyun, e.

"Kung saan naman masaya ang anak ko, dun ako," saad pa ng komedyante tungkol sa hindi niya pakikialam sa love life ni Julia.

Continue reading below ↓

Dagdag ni Dennis: "Ang pinakaimportante, she’s a very responsible woman. Meron naman siyang sariling hanapbuhay.

"She’s an adult. She’s already 23. So, I’m sure, alam niya kung saan ang tama at mali.

"Sa akin lang, kung saan siya masaya,e, dun ako susuporta. Basta nasa likod lang ako. I’m just a text away kung ano man ang problema."

Kung anu't ano man, may mensahe si Dennis para kay Gerald.

Seryosong pahayag ni Dennis, "Kung mahal mo naman iyung daughter ko, alagaan mo na lang siya.

"Huwag mo lang sasaktan.

"Saka huwag mo lang lolokohin para mas masaya ang buhay."

NOEL FERRER

Naalala ko tuloy ang pag-uusap ninyo sa radyo, Tito Gorgy, na kung may gaganap sa life story ni Christine Dacera, isa sa pwedeng gumanap ay si Julia Barretto.

Pwedeng sina Marjorie at Dennis na rin ang magulang. At talagang palaisipan ang kakanta ng theme song.

Dahil sa Viva naman, maraming pwedeng i-tap na singers. Tingnan mo nga at ang anak ni Andrew E. ay singer na rin at marunong mag-rap.

Continue reading below ↓

Yung isa pang kapatid ni Julia na si Claudia Barretto ay pwedeng isama sa pagpipilian ng mang-aawit kung sakali, Gorgy.

Pero teka, okay kaya kay Julia na gawin ang Christine Dacera Story?

At open ba ang pamilya niya na maisapelikula ito? Hindi ko alam.

JERRY OLEA

Naku, binalak ng Viva na si Marjorie sana ang gumanap na wifey ni Dennis sa Pakboys: Takusa.

Ayaw ni Marjorie na pagpistahan at paglaruan sila, kaya umayaw ito.

Ang sumalo sa role ay si Maui Taylor.

If ever, ang bet kong magdirek ng Christine Dacera Story ay si Ysabelle Peach na nagdirek ng pelikulang Jacqueline Comes Home: The Chiong Story (2018) na pinagbidahan nina Meg Imperial at Donnalyn Bartolome.

Sa dami ng artistang pinapapirma ng Viva, if ever ay madali nilang mabubuo ang casting ng project.

Just in case, okay sa akin si Julia Barretto bilang Christine Dacera. Pwede rin si Cristine Reyes, di ba?

Continue reading below ↓

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Dennis Padilla (upper left), nirerespeto ang pagiging pribado ng anak na si Julia Barretto (lower left) tungkol sa love life nito. Andrew E (upper right), maglulunsad ng single para sa aspiring rapper niyang anak na si Fordy Dongalo (lower right).
PHOTO/S: @dennisastig / @andersongeraldjr / @andrewe_dongalo / @4d_dongalo Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results