Did Julia Barretto, Gerald Anderson hike together at Mt. Kulis?

by Rachelle Siazon
Dec 8, 2020
Netizens spot subtle clues about rumored couple Julia Barretto and Gerald Anderson hiking in Tanay, Rizal.
PHOTO/S: @juliabarretto Instagram / CTTO via @TeamGerald_ph Twitter

Magkasama nga bang namasyal sina Julia Barretto at Gerald Anderson sa Mt. Kulis sa Tanay, Rizal?

Ito ang usap-usapan ng masugid na tagasuporta ng dalawa matapos i-post ni Julia ang litrato niya sakay ng wooden boat na may bansag na "Noah's Ark."

RELATED STORY

Matatagpuan iyon sa tuktok ng limestone rock formation malapit sa camp site sa Mt. Kulis, isang hiking destination para sa mga nagnanais makakita ng sea of clouds.

"Up up and away," saad sa simpleng caption ni Julia.

Walang binanggit si Julia kung sino ang kasama niyang nag-hiking sa Mt. Kulis, base sa kanyang Instagram post noong November 29.


Continue reading below ↓

GERALD ANDERSON AT MT. KULIS

Pero hindi nakaligtas sa mapanuring netizens ang hiwalay na litrato ng isang lalaking nakasuot ng mask at nakaupo sa isang heart-shaped bamboo structure na matatagpuan din sa Mt. Kulis.

Tinukoy ng fans ni Gerald na ang aktor raw iyon. Nasa paanan ng lalaki ang isang K9 dog na tila ang alagang aso ni Gerald na si Koda.

Ni-repost ng fans ni Gerald ang litrato ng binata noong November 27.


Continue reading below ↓

JULIA AND GERALD SPOTTED via DRONE VIDEO?

Hindi man magkasama ang dalawa sa mga naunang litrato, hinihinala ng netizens na magkasama sina Julia at Gerald dahil sa drone video na ibinahagi ng nakababatang kapatid ng aktor.

Noong November 27, nag-post si Ken Anderson ng drone shot niya ng Noah's Ark sa Mt. Kulis. Nakasuot ng white shirt si Ken sa ipinakita niyang shot.

Sa video, malayo ang kuha pero makikita ang isang babaeng naka-ponytail ang mahabang buhok at nakasuot ng black cap. Nakaupo ang babae sa bandang dulo ng wooden boat.


Continue reading below ↓

Ang hinala ng netizens, ang black cap, white top, at leggings na suot ng babae sa drone shot ni Ken ay tugma sa outfit na suot ni Julia sa Instagram post nito.

Makikitang katabi ng babae ang isang lalaking hinihinalang si Gerald na may suot na cap at itim na damit.

May ilan pang netizens na bumati kay Julia sa comments section ng Instagram post ni Ken.

Juju at Julie ang tawag kay Julia ng ibang fans.


Continue reading below ↓

Narito ang isa pang drone shot ni Ken na kita naman ang heart-shaped bamboo structure sa Mt. Kulis:


JULIA AND GERALD'S INSTAGRAM BANTER

Kasunod ng sinasabing pamamasyal nila sa Mt. Kulis, naging bukas sina Julia at Gerald sa pag-promote ng kanilang pelikulang Between Maybes na streaming na ngayon sa Netflix.

Continue reading below ↓

Noong December 2, nag-post si Julia via Instagram Story ng imbitasyon upang yayain si Gerald na manood ng kanilang pelikula.

Via Instagram Story, sumagot si Gerald na game siyang manood ng pelikula.

Nag-post din sila sa kani-kanilang Instagram feed ng litrato nilang kuha sa Saga, Japan—ang shooting location ng Between Maybes, na unang ipinalabas sa mga sinehan noong May 2019.


Continue reading below ↓

Sa personal na aspeto, tikom pa rin ang bibig nina Julia at Gerald sa matagal nang espekulasyong may pagtatangi sila sa isa't isa.

Noong Agosto, diretsahang tinanong si Gerald sa isang virtual presscon kung may relasyon ba sila ni Julia, pero umiwas ang aktor na pag-usapan ang kanyang love life.

Noong Setyembre, usap-usapan ng fans ng dalawa na tila naipasyal na ni Gerald si Julia sa pag-aaring resort ng aktor sa Botolan, Zambales.

Pero sa ngayon ay hindi pa rin direktang nagsalita sina Julia at Gerald ukol dito.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Netizens spot subtle clues about rumored couple Julia Barretto and Gerald Anderson hiking in Tanay, Rizal.
PHOTO/S: @juliabarretto Instagram / CTTO via @TeamGerald_ph Twitter
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results