Vice Ganda, inaming na-offend nang umalis nang walang paalam si Direk Bobet Vidanes sa It's Showtime

by PEP Troika
Feb 7, 2021
Vice Ganda on former It's Showtime director Bobet Vidanes: "Ang wish ko, sana... sana, OK siya. Sana, OK siya kung ano man ang kinahinatnan nung desisyon niya. Sana, OK siya."
PHOTO/S: It's Showtime Facebook / Instagram

JERRY OLEA

“Ang plastik pag sinabing hindi ako na-offend!”

Pag-amin iyan ni Vice Ganda ng kanyang saloobin sa pagre-resign ni Bobet Vidanes bilang direktor ng It’s Showtime, na ibinahagi niya sa YouTube vlog na nag-premiere nitong Pebrero 7, Linggo ng 8:00 p.m.

Inusisa muna ni Vice sina Ryan Bang at Ion Perez kaugnay rito, bago niya isinalaysay ang kanyang naramdaman matapos ibalik sa kanya ni Ryan ang tanong.

“Siyempre, nagulat. Wala namang nakakaalam. Wala rin namang... ewan ko, hindi ko alam kung walang nakakaalam,” pagkibit-balikat ng Unkabogable Phenomenal Superstar.

“Hindi ko alam kung alam niyo o hindi. Kasi ako, personally, hindi ko alam. Hindi ko nga alam kung alam nina Vhong [Navarro], kung sinong meron...

“Kasi, noong nag-usap-usap tayo, sinabi ninyong lahat, hindi rin ninyo alam, di ba? So, hindi ko alam... kung pare-parehong hindi natin alam.

“Pero kung ako, nagulat ako, kasi hindi ko alam, di ba? Sana... Wala. Nagulat. Nagtaka. Nagtanong.

Continue reading below ↓

“'Tapos, inaya ko siyang mag-ano. Tinext ko siya para usap kami. Para lang maintindihan ko, di ba?

“Hindi niya ako sinagot. Hindi niya ako sinagot. Para kung... di ba?

“Para alam ko man lang, o alam man lang natin, o isa man lang sa atin, may alam yung totoong rason. Di ba?

“Kasi, yung rason, ‘yon yung sinabi niya sa management. Pero personal, wala naman siyang kinausap sa atin, di ba? Na parang...

“Nakakagulat lang, parang after 11 years... doon lang pala iyon. Parang kung... kung meron man tayong bahagi doon sa dahilan niya para umalis.

“Sana, nalaman man lang natin, di ba? At kung meron man, kumbaga, kung tayo, isa sa atin ang dahilan kaya siya umalis, sana alam natin. Para napag-usapan.

“Kung meron man, bakit hindi napag-usapan for 11 years? 'Tapos, pak! Biglang... wala na.

“Kung ano man yung dahilan niya, sana napag-usapan. At saka kung talagang family tayo, baka... kung napag-usapan, baka nagawan ng paraan.

Continue reading below ↓

“Baka natulungan natin ang isa’t isa, di ba? Kung may pinagdadaanan siya noon, baka nakagawa tayo ng paraan. Pero yung...

“‘Yun lang din, nakaka... ang plastik pag sinabing hindi ako na-offend!

“Parang... naloka din ako. Parang... ano yun? Ganun-ganun lang? Walang sabi-sabi.

“After 11 years, nanggaling pa iyon sa anniversary na meron pa tayong mga chikang 'walang iwanan kahit anong mangyari' sa opening.

“Di ba, may mga ganun-ganun tayo? 'Tapos, right after, a few days after the anniversary, biglang may maririnig kang parang... anong nangyari sa pangako?”

Noong Oktubre 30, Sabado, ginanap ang “Eleven Up Ang Samahan” anniversary celebration ng It’s Showtime.

Binigyang diin ng hosts ng It’s Showtime ang katatagan at diskarte ng mga Pinoy sa pagharap sa mga hamong dala ng pandemya sa kani-kanilang "Magpasikat" performances.

Pagpapatuloy ng hinaing ni Vice, “Iyon lang, pero hindi ko alam kung paano siya idya-judge. Dahil hindi ko alam kung anong gusto niyang sabihin.

Continue reading below ↓

“Dahil wala naman siyang sinabi.”

NOEL FERRER

Maliban sa gulat at lungkot, paulit-ulit na sinabi ni Ryan Bang ang pangangailangan ni Direk Bobet ng pera at maraming bayarin nito.

“Ang sakit, 'tapos siyempre, naiyak ako. Tatay natin yun, e, di ba? Tatay natin sa show. Dapat, walang iwanan,” sambit ni Ryan.

“Kasi siyempre, isang pamilya tayo...

“Na-miss ko rin siya. Hindi biro yung samahan natin...

“Ang dami naming memory ni Direk, di ba? Iba iyong samahan namin, magic namin din ni Direk.”

Na-offend ba si Ryan sa pag-iwan ni Direk Bobet sa kanila?

Tugon ng Koreano, “Hindi naman ako na-offend. Kasi, sinubukan ko rin lahat para maintindihan ko rin yung side ni Direk...

“Siguro, may pinagdadaanan din sa pera. Kasi ako, wala naman akong totoong anak, e.

“Baka kung nahihirapan talaga sa pera, siguro. Pero siyempre, nakakaiyak talaga. Nakakalungkot.”

Nasabi ba sa kanya kung bakit umalis si Direk Bobet?

“Basta, yung alam ko, kailangan niya talaga ngayon, marami siyang binabayaran. Kailangan niya yata pera, ganun.

Continue reading below ↓

“So, as father, kailangan niya.”

Valid ang ganoong concern. Pero sa estado ng mga programa sa TV5 ngayon, sana nga ay may security at longevity ang kasunduan ni Direk Bobet na paglipat niya sa Kapatid network.

JERRY OLEA

Umayon si Vice kay Ryan na nakakahinayang ang 11 years na samahan nila with Direk Bobet.

Inamin din ni Vice na nakiusap siya sa mga kasamahan sa It’s Showtime na tulungan siyang pigilan si Direk Bobet na umalis.

Katuwiran ni Vice, “Kung meron naman tayong pipiliin na maging direktor, wala namang iba ‘yon kundi siya. Siyempre, tatay-tatay nga, di ba?

“Ipagpapalit mo ba yung tatay mo kahit hindi pa tayo magkasundo, di ba?

“Parang ganun yung nanay mo, kahit hindi kayo magkasundo, lagi kayong nagtatalakan, nanay mo yun, e. Hindi mo yun ipagpapalit, e.

So, ganun din. Kinalakihan ko na yung Showtime na siya yung tatay doon...”

Hindi mawari ni Vice kung nami-miss ba niya si Direk Bobet.

Continue reading below ↓

Aniya, “Siyempre, hindi mo mami-miss yun. Naaalala ko siya. Naiisip ko siya, naalala ko. Hindi ko alam kung ano yung miss.

“Yung miss na... kung anong klaseng miss. Pero naiisip ko siya. Minsan, naaalala ko siya. Nababanggit ko siya, di ba?

“Pero ang wish ko, sana... sana, OK siya. Sana, OK siya kung ano man ang kinahinatnan nung desisyon niya. Sana, OK siya.”

Sa dami ng pinagdaanan ng It’s Showtime, ang ganda-gandang bahay nito para kay Vice kahit ano pa ang mangyari.

Pagngiti ni Vice, “At kaya lalo siyang maganda, kasi ang dami niyang pinagdaanan. Parang pinaganda siya lalo nung mga pinagdaanan niya.

“Pinaganda siya nung peklat niya. Kumbaga, yung scars niya ang bumuo sa kanya at lalong nagpaganda sa kanya...

“Lahat, may dahilan. At ano man ang mangyari every day, thank you, Lord, for Showtime.”

GORGY RULA

Hindi masisisi sina Vice Ganda na sumama ang loob dahil hindi man lang pala nagpaalam si Direk Bobet sa kanila.

Continue reading below ↓

Pero sabi nga ng comedian-TV host, masaya naman sila. Lahat na pinagdaanan nila ay maganda ang naging resulta.

Sila na muna ang umintidi sa pinagdadaanan ng direktor. Baka mabigat talaga ang dahilan kaya mabigat din kay Direk Bobet ang magpaalam.

Madalas ngang sinasabi na maliit lang ang mundo ng showbiz, kaya darating ang araw na magkakasalubong din sila, at sa tamang panahon ay maliliwanagan ang lahat.

Si Direk Bobet ang direktor ng Born To Be A Star ng TV5, at ewan ko lang kung matutuloy ang gagawin niya sa Brightlight Productions.

Sa panahon ngayon ng pandemya, madalas ay sumasabit ang mga desisyon, pero may matutunanan naman.

Ang mahalaga, tuloy ang buhay at patuloy na nakikipaglaban sa mga dumarating na pagsubok.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Vice Ganda on former It's Showtime director Bobet Vidanes: "Ang wish ko, sana... sana, OK siya. Sana, OK siya kung ano man ang kinahinatnan nung desisyon niya. Sana, OK siya."
PHOTO/S: It's Showtime Facebook / Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results