The House Arrest of Us, No. 1 pa rin sa Netflix; Space Sweepers, humahataw rin

by PEP Troika
Feb 8, 2021
(Left) Kathryn Bernardo and Daniel Padilla star in the digi-movie series The House Arrest of Us; (right) South Korean superstar Song Joong Ki, seated, leads the cast of the space opera film Space Sweepers.

JERRY OLEA

Isang linggo nang No. 1 sa Netflix Philippines ang digi-movie series na The House Arrest Of Us (THAOU).

Pebrero 1, Lunes, nag-umpisa ang streaming sa Netflix ng nasabing series nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Mula Pebrero 2 hanggang 8 ay nanguna ito sa listahan ng “Top 10 in the Philippines Today.”

The House Arrest of Us in Netflix Top 10 in the Philippines Today

Continue reading below ↓

Ang 13 episodes ng THAOU ay naunang nag-streaming sa KTX at iWant TFC umpisa Oktubre 24, 2020.

Mabilis ang pace ng THAOU. May kani-kanyang moment ang mga suportang sina Ruffa Gutierrez, Arlene Muhlach, Herbert Bautista, Dennis Padilla, at Gardo Versoza.

Ngayong Pebrero 8, Lunes, No. 2 na ang South Korean space opera film na Space Sweepers (2021). Bida rito si Song Joong-ki.

Ang setting nito ay taong 2092. Kumurot sa puso ko ang bandang ending ng movie.

song joongki in space sweepers

Continue reading below ↓

Space Sweepers

Nasa Netflix din ang mga TV series ni Song Joong-ki na Descendants of the Sun (2016) at Arthdal Chronicles (2019).

No. 3 ang American disaster film na San Andreas (2015), kung saan bida si Dwayne Johnson aka The Rock.

Mixed ang reviews dito ng mga kritiko. Ang worldwide gross nito ay $474M.

No. 4 ang American adventure film na Robin Hood (2018), na pinagbidahan ni Taron Egerton.

Critical at financial flop ito, kaya naikumpara sa King Arthur: Legend of the Sword (2017).

Nakatatlong nominasyon ito sa Razzies—worst picture, worst remake, at worst supporting actor (Jamie Foxx).

No. 5 ang Japanese anime series na Attack on Titan (2013-2021), na nasa huling season na.

Attack on Titan

Continue reading below ↓

Attack On Titan

No. 6 ang Chinese fantasy film na The Yin Yang Master: Dream of Eternity (2020). Bida rito ang Taiwanese-Canadian na si Mark Chao.

Hinalaw ang pelikula sa mobile game na Onmyoji. Derivative ang sword-and-sorcery ng pelikula, reminiscent of Doctor Strange in the Marvel Cinematic Universe. Naaliw pa rin ako sa choreography ng mga bakbakan.

No. 7 ang first season ng South Korean TV series na The Uncanny Counter (2020). Bida rito sina Jo Byung-gyu, Yoo Jun-sang, Kim Se-jeong, at Yeom Hye-ran. Ni-renew ito para sa second season.

No. 8 ang American historical drama na Bridgerton (2020), kung saan nagpakilig ang mga bidang sina Phoebe Dynevor at Rege-Jean Page.

Rege Jean Page in Bridgerton
Rege-Jean Page in Bridgerton

Continue reading below ↓

Positibo ang reviews sa eight-episode series, at matagal na itong nasa Top 10 sa Pilipinas mula nang mag-premiere noong Disyembre 25, 2020. Ito na ang most-watched series sa Netflix.

As of January 27, 2021 ay pinanood na ito ng 82M households. Nilampasan nito ang record ng fantasy series na The Witcher, na pinanood ng 76M households sa unang 28 araw.

Gaya ng inaasahan, merong Season 2 ang Regency romance na ito. Di ba, Lady Whistledown?

No. 9 ang South Korean TV series na 18 Again (2020), kung saan bida sina Kim Ha-neul, Yoon Sang-hyun, at Lee Do-hyun.

No. 10 ang South Korean TV series na Run On (2020), kung saan bida sina Im Si-wan at Shin Se-kyung.

Take note na sa Top 10 ngayong Lunes, apat ay mula sa South Korea, tatlo mula sa Amerika, at tig-iisa ang Pilipinas, Japan, at China.

NOEL FERRER

More and more content on the streaming services. At least, panibagong revenue stream din sa mga producers natin.

Continue reading below ↓

At para sa manonood, sa Pinas man o sa ibang bansa, mas marami nang chances to catch this exclusive content.

Sana lang, hindi baratin at piliting tanggapin ang mababang presyo ng pagbili ng series at pelikula sa ganitong streaming sites.

So sana, maka-expect tayo ng magaganda at mas edgy na mga panoorin online.

Totoo bang hindi dumadaan ang mga ito sa MTRCB, Tito Gorgy?

GORGY RULA

Hindi pa rin kasi ito saklaw ng MTRCB.

Ang nakakatuwa sa KathNiel fans, solid talaga ang suporta nila kina Kahtryn at Daniel. Hindi sila nagbago, hindi nagpabaya.

Abangan natin kung matutuloy na ang kanilang teleserye. Ang latest na narinig ko, nagka-casting na sila. Mauuna raw muna ang teleserye bago ang pelikula.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
(Left) Kathryn Bernardo and Daniel Padilla star in the digi-movie series The House Arrest of Us; (right) South Korean superstar Song Joong Ki, seated, leads the cast of the space opera film Space Sweepers.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results