Marian Rivera, pinagtawanan ang balitang buntis siya

by PEP Troika
Feb 9, 2021
Marian Rivera on rumor that she's pregnant again: "Marami pang pagkakataon na pwede naming gawin. Ang dami pang trabahong kailangang gawin... Pero kung ibibigay, bakit hindi? Napakalaking biyaya, why not?”
PHOTO/S: @marianrivera on Instagram

GORGY RULA

Pinagtawanan ni Marian Rivera ang isyung buntis na naman daw siya.

May ilang isyung nakaka-stress daw pero pinagtatawanan na lang daw niya.

Natawa na lang daw siya sa mga naglalabasang intriga, lalo na ang tungkol sa mister niyang Dingdong Dantes, pero itong kumalat na balitang buntis siya ay isa raw sa isyung hindi nakaka-stress.

“Ayan yata ang balitang hindi nakaka-stress!” natatawang sagot ni Marian nang tinanong siya ni Ian Fariñas sa virtual mediacon ng WalterMart nitong Pebrero 9, Martes ng hapon.

Kaya sinundan ko na rin ng tanong tungkol sa sinabi ni Marian noong kapag nagpagupit siya ng buhok, ibig sabihin ay nagdadalantao na siya.

“Hindi kaya, baka naka-wig lang?” pabiro niyang sagot.

Pero hindi raw totoo, at wala pa raw silang balak na mag-asawang sundan si Ziggy.

“Sabi ko nga, hindi naman ikaw, e. Kahit anong gawin ninyo, kung hindi naman ibibigay ng Panginoon sa inyo, wala naman kayong magagawa.

Continue reading below ↓

"Pero kapag sinabi Niyang this time, ibibigay sa ‘yo, why not, hindi ba?

“Pero sa ngayon, marami pang pagkakataon na pwede naming gawin. Ang dami pang trabahong kailangang gawin.

“Si Sixto, wala pang two years old. So, hintayin ko muna yun. 'Tapos si Zia, sobrang busy pa namin sa school.

"Pero kung ibibigay, bakit hindi? Napakalaking biyaya, why not?” dagdag niyang pahayag.

Nag-renew si Marian ng kontrata bilang endorser ng WalterMart. Pangalawang taon na itong iniendorso ng GMA Primetime Queen, at ngayon ay kasama pa ang panganay nila ni Dingdong na si Zia.

Ibinahagi rin ni Marian ang balak ng GMA-7 na gagawin niyang proyekto. Baka itong sitcom na posibleng pagsasamahan nila ni Dingdong.

Pero ayaw pa munang sabihin ng aktres. Secret daw muna.

Sakaling magkaroon siya uli ng show, mas gusto niyang sitcom at kasama na si Dingdong.

“Sana, matuloy na. Basta, secret pa with Dong,” napapangiti niyang sagot.

Continue reading below ↓

JERRY OLEA

Nauna nang itinanggi ni Lindsay de Vera na nabuntis siya ni Dingdong nang magkatrabaho sila sa season 1 ng Alyas Robin Hood (Setyembre 2016-Pebrero 2017).

Nagulat na lang tayo nang lumutang ang nasabing isyu. Andami kasing nabubuntis sa panahon ng pandemya. Kung sinu-sino tuloy ang nasasapul sa blind item kahit hindi sila ang tinutukoy.

Tila pinagtiyap pa ng tadhana ang apelyido ng dalawang babae—Rivera at De Vera.

Sa Latin, ang kahulugan ng pangalan o salitang “vera” ay “totoo.” Sa Slavic languages, “faith.” (As in faithful husband?)

Nanganganak nang nanganganak ang mga tsismis at intriga, 'ika nga. Kung anu-ano ang nakakalkal, at kung sinu-sino ang nadadamay.

Inaasahan nating sa tamang panahon ay lalabas din ang totoo—gaya sa kaso ni Sarah Balabagan, na dalawampu’t tatlong (23) taon ang lumipas bago inamin ang “pinagsaluhan” nila ni Arnold Clavio.

Sa tagal ng panahong lumipas, nagkamali pa si Sarah noong Agosto 2020 sa pagsasabi kung ilang taon na ang anak niyang si Ara.

Continue reading below ↓

Ang nasabi niya ay 21 anyos na ito, gayong 22 na pala ito dahil iniluwal niya si Ara noong Nobyembre 1997.

“Sorry mahina ako sa math,” sabi pa ni Sarah B.

NOEL FERRER

In fairness sa Dantes family, talagang ang ganda at ang saya lang nilang tingnan, at marami silang pinagkakaabalahan maliban sa pagiging hands on parents.

Si Dingdong, maliban sa pagiging active sa AKTOR, busy siya sa kanyang delivery app na talagang matagumpay.

At si Marian, nakaka-proud na naglakas-loob siya to explore yet another side of her artistry by getting into virtual theater via Tanghalang Ateneo’s Oedipus Rex which is coming soon.

Here’s wishing Marian and Dingdong all the best!

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Marian Rivera on rumor that she's pregnant again: "Marami pang pagkakataon na pwede naming gawin. Ang dami pang trabahong kailangang gawin... Pero kung ibibigay, bakit hindi? Napakalaking biyaya, why not?”
PHOTO/S: @marianrivera on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results