Mikee Morada, ibinuking ang first night nila ni Alex Gonzaga: "Iyong mga ipinagmamalaki niyang lumpuhan... fake news!"

by PEP Troika
Feb 10, 2021
Naglaro ng "Never Have I Ever" ang mag-asawang sina Paul Soriano at Toni Gonzaga at sina Mikee Morada at Alex Gonzaga, kung saan sinagot nila ang ilang katanungan tungkol sa kanilang sex life.
PHOTO/S: Screen grab from YouTube

JERRY OLEA

“Iyong mga ipinagmamalaki niyang lumpuhan... fake news! Ha! Ha! Ha! Ha!”

Natatawang pagbubunyag iyan ni Mikee Morada sa “Never Have I Ever Couple Edition” vlog na in-upload nitong Pebrero 10, Miyerkules ng hapon, sa YouTube channel ni Alex Gonzaga.

Foursome sa vlog ang mga mag-asawang sina Mikee at Alex, at Toni Gonzaga at Direk Paul Soriano.

Ang paandar ni Alex, “Never have I ever invited my partner to do some bang-bang and got rejected.”

Mabilis na nag-“I have” si Direk Paul, at napahalakhak si Mikee na nag-“I have” din at nagpaliwanag.

Sa kasal nila noong Nobyembre 2020 sa Taytay, Rizal, nagbanta si Alex kay Mikee sa exchange of vows nila, “Tonight is the night when two become one. Sana, nakapag-prepare ka. Kasi, talagang magkakalumpuhan tonight...”

Pareho rin ng sagot ang magkapatid na Toni at Alex kaugnay sa nagyaya-at-na-reject, “I have never.

Umamin ang dalawang mag-asawa na nagtalik sila sa Amanpulo (parehong doon sila nag-honeymoon), Boracay, at Taytay.

Continue reading below ↓

Nagtsugihan ba sila habang ang parents nila ay nasa kabilang kuwarto?

“I have never” sina Toni at Direk Paul.

“I have” sina Alex at Mikee.

Hirit ni Alex, “Mom and Dad, can you close your ears?”

Usisa ni Toni, “Paano nila iko-close yung ears? Yun ang tanong.”

Nag-send ba sila ng dirty texts?

“I have” sina Toni at Direk Paul, na six years nang kasal.

“I have never” sina Alex at Mikee.

Urirat ni Toni sa younger sister, “Di nga? Sa dumi ng bibig mo...”

NOEL FERRER

Maganda talaga at open ang dalawang couples sa pagdi-discuss ng mga bagay-bagay. Ang saya!

Sana, game din sina Mommy Pinty at Daddy Bonoy sa mga ganitong tanungan— para may comparison sa wisdom of the ages.

Ano sa tingin mo ang isasagot nila sa mga tanong, Tito Gorgs!

GORGY RULA

Naku, huwag na, Sir Noel! Game of the Gens na iyan!

Kuwela lang panoorin, kasi nga, nakakatawa si Alex at kering-keri niya iyan.

Continue reading below ↓

Ibang-iba naman sina Toni at Direk Paul dahil napaka-inspiring ng mga ibinabahagi nilang kuwento ng kanilang relasyon.

Ang cute nga ng magkapatid na Toni at Alex. May natutunan ka sa mga sini-share ni Toni, walang wawa naman at matatawa ka lang talaga sa sini-share ni Alex.

JERRY OLEA

Ang saya ng tsikahan nila, lalo na nang mapadako sa paggamit ng shaver ng asawa nang hindi nito nalalaman.

Hagalpak ng tawa sina Toni at Alex, habang pangiti-ngiti sina Direk Paul at Mikee.

Nakipag-away ba sila sa asawa para lang may make-up sex?

“I have never” silang apat.

Pakli ni Alex kay Mikee, “Mamaya, aawayin kita.”

Nagtulug-tulugan ba sila para hindi na makipag-away o makipag-anuhan sa asawa?

“I have” sina Toni at Direk Paul, samantalang “I have never” sina Alex at Mikee.

Tili ni Alex, “Mikee, lagi kang tulog!”

Pag-ayon ni Mikee, “Hindi ako nagpe-pretend. Totoong tulog yun.”

Hiling at sinusubukan ba nilang magka-baby ngayon?

Continue reading below ↓

“I have” sina Toni, Direk Paul at Mikee.

“I have never si Alex.”

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Naglaro ng "Never Have I Ever" ang mag-asawang sina Paul Soriano at Toni Gonzaga at sina Mikee Morada at Alex Gonzaga, kung saan sinagot nila ang ilang katanungan tungkol sa kanilang sex life.
PHOTO/S: Screen grab from YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results