Kris Aquino nanawagan sa Facebook dahil sa mga nawalang post

by PEP Troika
Feb 13, 2021
Nawala ang posts ng followers ni Kris Aquino na sumali sa kanyang pa-contest sa Facebook. Ani Kris, “i already cried about it last night because i know it wasn’t my fault, i should have been more careful about allowing who i could trust to be my page admins..."
PHOTO/S: @krisaquino on Instagram

JERRY OLEA

Napaluha si Kris Aquino nitong Pebrero 12, Biyernes, unang gabi ng Chinese New Year BECAUSE...

Noong Pebrero 2, inihayag ni Kris sa IGTV Video, “It’s my birthday in 12 days time, and I’m not having a party, obviously.

“But it is a milestone birthday because...”

Binola si Kris ng bunsong si Bimby [James Aquino Yap] na mukha pa rin itong 25 years old, kahit magiging “big five-o” na ang edad ito.

Pagpapatuloy ni Kris, “We’re making some life changes which we’ll know about soon, but for now, ang sasabihin ko, I think kayo dapat ang regaluhan ko sa birthday ko.

“So, ang mangyayari, since it is a big life event, right? It is,” pagbaling ni Kris kay Bimby, “yeah, ‘no, and you have to take it from where I’m coming from.

“Your lolo, ahhm, died when he was 50. So, the very fact na aabot ng 50 means a lot.”

Continue reading below ↓

Kaya yung gagastusin sana ni Kris kung may party siya sa pagsapit ng ika-50 kaarawan niya bukas, Pebrero 14, Araw ng mga Puso, ipamimigay niya sa piling followers sa Instagram at Facebook na magko-comment at babati sa kanya.

Tig-P5,000 ang 25 followers sa FB, at 25 followers sa IG. Ia-announce ang mga napili sa mismong kaarawan niya.

Mahigit 1.5M followers ang lumahok. Kaso, yung mga pagbati sa FB, “naglaho.” Kaya nanawagan si Kris sa Facebook nitong Pebrero 13, Sabado ng tanghali.

Ani Kris, “Dear Facebook,

“Please make this soon to be birthday girl very happy? Please restore all my previous posts? Everything after January 13 got wiped out...

“i already cried about it last night because i know it wasn’t my fault, i should have been more careful about allowing who i could trust to be my page admins...

“i just want the more than 1.5 million people who took time to comment and say #happybirthdaykris to know they matter to me and that the promised gift of P5,000 each was actually already sent out.

Continue reading below ↓

“Just like you, Facebook- i value my CREDIBILITY. i need those previous posts to be out there so my followers will know we made our choices based on geographical, work related, gender identification, and age differentiation choices.

“Because this wasn’t about me — this was me saying THANK YOU for allowing me to make my childhood dreams come true.

“And during my milestone 50th birthday, it’s time for me to give back, share my blessings with those who made it and continue to make it possible for me to share mine. Please, please, please?

“IG Friends to be FAIR, i’ll wait for my FB to be restored before i post the 75 winners of P5,000 each, the 25 here, and the 50 on FB. Let’s believe that good things can happen for people with good intentions.

“It wasn’t my fault BUT this IG & that FB are both my verified accounts so i still need to apologize for the shortcomings of others...

Continue reading below ↓

“i’m sorry because i really just wanted to make you happy- that was my birthday wish.

“There’s still a day left, we can still hope for the best...”

Ginawang 50 ang FB followers na may P5,000 each. Nasa Instagram account din ni Kris ang panawagang ito.

NOEL FERRER

Nakita ko ang earlier post ni Kris about the thanksgiving promo at effort talaga itong 50th birthday treat nila.

Continue reading below ↓

Pero ano nga ba ang nangyari? Bakit nawala ang mga posts?

Kung sa free TV ay nagkakaaberya si Kris, pati ba naman sa online?

She deserves better!

Happy 50th Birthday, Kris!

GORGY RULA

Kaya nga, Sir Noel! Tuluy-tuloy pa rin ba siyang inaalat?

Kaya sana nga, gawin na niya ang payo ng iba na manahimik na lang muna.

Kung gusto niyang tumulong, marami siyang puwedeng gawin na hindi na muna paingayin. Marami pang paraan na puwede niyang ipaabot ang tulong sa fans niya.

Pero isa ako sa umaasa at hinahangad na malagpasan na ito ni Kris, at kung ano man ang mensahe ng pagkaudlot ng projects at mga plano niya, sana ay makita na niya ito at maipaparating ang kung ano mang plano ng Diyos sa kanya.

Happy birthday, Kris!

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nawala ang posts ng followers ni Kris Aquino na sumali sa kanyang pa-contest sa Facebook. Ani Kris, “i already cried about it last night because i know it wasn’t my fault, i should have been more careful about allowing who i could trust to be my page admins..."
PHOTO/S: @krisaquino on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results