TV series ni Sen. Bong Revilla, hindi pa maipalabas dahil sa dami ng special effects

by PEP Troika
Feb 13, 2021
Bukod sa TV series, narinig naming may balak din ang GMA-7 na gawing host ng isang game show si Sen. Bong Revilla.
PHOTO/S: Rose Garcia

JERRY OLEA

“Nakita” ni Bacoor City Mayor Lani Mercado ang South Korean actor na si Hyun Bin sa karakter ni Senator Bong Revilla sa Kapuso action fantasy series na Agimat ng Agila.

Nag-preview ang first two episodes ng nasabing series nitong Pebrero 12, Chinese New Year, Friday night, sa tahanan nina Sen. Bong at Mayor Lani sa Ayala Alabang, Muntinlupa City.

“Noong napanood ko pa lang ang teaser ng Agimat ng Agila, ang sabi ko agad, 'Parang si Hyun Bin si Senator,'” masayang bulalas ni Mayor Lani.

“After watching the two episodes... Hyun Bin talaga!”

Si Hyun Bin ang bida sa mga hit TV series na Crash Landing On You (2019-2020), Memories of the Alhambra (2018-2019), Secret Garden (2010-2011), at My Name is Kim Sam-soon (2005).

Ang karakter ni Sen. Bong sa Agimat ng Agila ay si Maj. Gabriel Labrador ng Task Force: Kalikasan.

Labintatlong episodes ang nasabing TV series, na malamang na sa third quarter ng 2021 pa ipalabas dahil sa dami ng special effects sa post production.

Continue reading below ↓

Kabilang sa co-stars dito ni Bong sina Roi Vinzon, Sheryl Cruz, Elizabeth Oropesa, Allen Dizon, Benjie Paras, Michelle Dee, Seth de la Cruz, Ian Ignacio, Miggs Cuaderno, at Sanya Lopez.

Ang direktor nito ay si Rico Gutierrez, na direktor din ng Daig Kayo ng Lola Ko, Catch Me Out Philippines, The Boobay and Tekla Show (TBATS), Amazing Earth, Game of the Gens at iBilib.

NOEL FERRER

Buti na lang at may bagong content na maganda ulit na ipapalabas ang Kapuso network, na hands on talaga si Senator Bong.

Dahil hindi minamadali, at least, mabubusisi at mapapaganda pa lalo ito, especially, the special effects.

Ano ba ito, Tito Gorgs, blocktime, co-prod, or line prod ang mga Revilla?

Pumapayag na ba ng ganun ang GMA-7?

Major-major iyan, if ever!!!

GORGY RULA

Nagpasalamat si Sen. Bong kay Direk Rico Gutierrez dahil talaga namang kinarir niya, pinag-isipang mabuti na maganda, at maipagmamalaki niya itong pagbabalik ni Sen. Bong sa TV.

Continue reading below ↓

Ang dinig kong isa pang binabalak ng GMA sa kanya ay makapag-host ito ng isang game show kagaya ng ginagawa niya sa kanyang Facebook live.

Basta, ang babagay lang daw sa kanya.

Sabi naman ni Sen. Bong, masaya na siya sa ginagawa niyang pamimigay na premyo sa kanyang FB live para sa kanyang followers at supporters.

Mamayang 6:00 pm ay meron na naman siyang pa-surprise sa kanyang FB live, ang "Kap's Amazing Valentine Giveaway."

Kap's Amazing Valentine Giveaway

Continue reading below ↓

Meron pa uli bukas nang ganun ding oras kung saan mamimigay na naman siya ng gadgets at cash prizes.

Aabot ng 100K ang grand prize na ibibigay sa masuwerteng tututok sa kanyang pa-game show sa Facebook.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Bukod sa TV series, narinig naming may balak din ang GMA-7 na gawing host ng isang game show si Sen. Bong Revilla.
PHOTO/S: Rose Garcia
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results