Joshua Garcia, Julia Barretto, nag-sorry, nagkapatawaran, nagpaalaman sa "Paubaya"

by PEP Troika
Feb 14, 2021
Julia Barretto, Joshua Garcia in "Paubaya" by Moira de la Torre.
Tampok sina Julia Barretto at Joshua Garcia sa music video ng awit ni Moira de la Torre na "Paubaya."
PHOTO/S: Screengrab from "Paubaya" on YouTube

JERRY OLEA

Lumagaslas ang luha nina Joshua Garcia at Julia Barretto sa official music video ng kantang "Paubaya" ni Moira de la Torre.

In-upload ang music video sa eponymous YouTube channel ni Moira nitong Pebrero 14, Linggo ng hapon. 11:48 (eleven minutes and 48 seconds) ang running time ng music video.

Sa umpisa ay ipinakitang ikinakasal sina Joshua at Julia sa isang kapilya. Pagkasabi ni Joshua ng “I do,” nag-umpisa ang pag-awit ni Moira.

Bago natapos ang kanta, itinampok ang makadurog-pusong pagtatapat nina Julia at Joshua sa isa’t isa.

Julia Barretto, Joshua Garcia play as lovers in Paubaya MV

Continue reading below ↓

Gumagaralgal na pagpapaumanhin ni Julia, “I’m sorry. I’m sorry, Josh. I’m sorry, napagod ako. I’m sorry, nawala ako. Natakot ako, kasi, hindi kita mahanap noon.

“Binigay ko lahat. Binigay ko sa ‘yo lahat, naubos lang ako.

“I’m sorry nasaktan kita.”

“Sorry,” namumugto ang mga matang sambit ni Joshua, “sorry kung wala ako nung mga panahong kailangan mo ako.

“Sorry kung wala ako nung kailangan mo ng makakapitan. Sorry kung hindi kita naprotektahan. Hindi man lang kita naprotektahan.

“Natakot ako. Sobra. Pero gusto ko, nandun ako. Gusto ko, nandun ako nung nasasaktan ka. Pero wala.

“Siguro, dahil alam ko na rin na... na hindi talaga tayo para sa isa’t isa.”

Lumuluha nang bonggang-bongga ang JoshLia sa “pangungumpisal” nila sa isa’t isa sa harap ng altar.

JoshLia in Moira's Paubaya music video

Continue reading below ↓

Bakas sa tinig at mukha nila ang pait, kirot, at panghihinayang.

Tanong ni Julia, “Sinubukan naman natin, di ba? Nilaban nam natin, di ba?”

Pag-ayon ni Joshua, “Yeah. We tried. Gusto kong mag-thank you sa ‘yo sa lahat ng memories na ibinigay mo sa akin.

“Hindi man natin nagawa yung... yung mga pangarap natin, masaya na ako sa mga pinagsamahan natin. Masaya ako na masaya ka.”

Sambot ni Julia, “Gusto kong maging masaya ka rin. Thank you.”

“Thank you,” mabilis na tugon ni Joshua.

Pagpapatuloy ni Julia, “Thank you. Thank you.”

“Thank you.”

Lumapit si Julia kay Joshua.

Hinawakan ni Joshua ang batok ng dating ka-loveteam sabay bulalas nang nakapikit, “Oh, God! Gusto kong malaman mo na... na pinapatawad kita.”

Sagot ni Julia, “Pinapatawad din kita,” sabay subsob sa dibdib ng binata.

Makalipas ang ilang sandali ay nag-usap ang kanilang mga mata, at masuyong hinagkan ni Joshua ang pisngi ni Julia.

Continue reading below ↓

Humugot si Joshua ng malalim na buntong-hininga, “Kailangan ko... take care of yourself... I need to...”

Pabulong na pakli ni Julia, “Okay.”

At nagpatuloy ang pag-awit ni Moira.

GORGY RULA

Acting man iyun, scripted o promo ng kung anong project, maganda ang pagkagawa.

Ramdam na ramdam ang mensahe nina Joshua at Julia para sa isa't isa.

Para sa akin, ang music video na iyon ay closure na sa kung ano man ang namagitan sa kanilang dalawa.

Nakapag-sorry, nagkapatawaran, nagpasalamat, at nagpaalaman na.

Joshua Garcia cries in Paubaya MV scene

Continue reading below ↓

Pero sa fans ng JoshLia, huwag pang mag-give up.

May posibilidad na magkabalikan sila para sa isang proyekto dahil iba pa rin ang chemistry nilang dalawa.

NOEL FERRER

Kagabi, nang mapanood ko ang Valentine concert nina Juris at Jed Madela, kasama itong kantang ito ni Moira na "Paubaya" na ang sakit ng lyrics at napapanahon.

Bagay nga sa JoshLia ang kanta—parang necessary ending o closure ang kantang ito sa kanila with the lyrics...

“Ba't di mo inamin na merong iba?/ Ako ang kayakap, pero isip mo siya

“At kung masaya ka sa piling niya/ Hindi ko na 'pipilit pa

“Ang tanging hiling ko lang sa kanya/Huwag kang paluhain at alagaan ka niya.”

May aamin na nga kayang bagong relasyon sa mga sangkot sa isyung ito?

Abangers tayo!!!

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Tampok sina Julia Barretto at Joshua Garcia sa music video ng awit ni Moira de la Torre na "Paubaya."
PHOTO/S: Screengrab from "Paubaya" on YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results