"Paubaya" music video, naka-7.1M views sa loob ng 24 oras

by PEP Troika
Feb 15, 2021
Sa loob lamang ng 24 oras ay umabot sa 7.1 million ang views ng music video ng latest single ni Moira dela Torres na "Paubaya." Tampok sa music video ang dating magkasintahang sina Julia Barretto at Joshua Garcia.
PHOTO/S: Screen grab from YouTube

JERRY OLEA

Halos magkakasabay na nag-premiere sa YouTube ang official music video ng "Our Love" ni Garrett Bolden, "Usahay" ni Jake Zyrus, at "Paubaya" ni Moira de la Torre nitong Pebrero 14, Linggo ng hapon.

After two hours (more or less) ay nag-premiere din sa YouTube ang music video ng "Paano Kung Naging Tayo" ni Jayda.

Makalipas ang 24 oras, naka-1.6K views ang "Our Love" ni Garrett sa YouTube channel ng GMA Music.

Naka-5.6K views ang "Usahay" sa YouTube channel ng ABS-CBN Music, samantalang naka-7.1M views ang "Paubaya" sa eponymous YouTube channel ni Moira.

In 22 hours, naka-34.3K views naman ang "Paano Kung Naging Tayo" ni Jayda sa YouTube channel ng ABS-CBN Music.

Bida sa music video ng "Paubaya" ang dating magka-love team at magkarelasyon na sina Julia Barretto at Joshua Garcia.

Julia Barretto, Joshua Garcia in Paubaya MV

Continue reading below ↓

Katuwang ni Moira at asawang si Jason Hernandez sina Julia at Joshua sa pagbuo ng script dialogue.

Ang music video ay idinirek ni Niq Ablao. Sanib-pwersa sina Moira, Jason at Niq sa pagbuo ng istorya ng music video.

“Grabe ung Moira!!! Sya ang Rey Valera ng bagong milenyo!” tweet ni Vice Ganda noong Linggo bago maghating-gabi.

Earlier ay naunang nag-tweet si Bianca Gonzalez kaugnay sa music video ng "Paubaya": “HUUUUUY GRABE TO my Joshlia heartttt

Yung eksena sa gitna... Bakit parang totoong totoo

“Mahal ko kayong dalawa whether together or as individuals”

Reply ni Julia, “We love you Ate!!!”

Nag-tweet si John Lapus bilang komento, “Nakakaiyak nak!”

Andaming fans ang nagkomento sa tweet ni Julia na “PAUBAYA” kalakip ang dalawang b&w photos ng JoshLia sa harap ng altar.

Napaiyak daw nila sa music video, at ramdam nila ang kirot.

GORGY RULA

Sumakay sa love team kina Joshua at Julia ang music video ng "Paubaya." Maganda naman kasi talaga ang kanta.

Continue reading below ↓

Pero gusto ko ring pansinin ang "Our Love na Garrett" na maganda rin ang interpretasyon. Kaya sana, bigyan din ng chance ang mga magagaling na produkto ng The Clash. Kasi, isa si Garrett sa pinakamagaling.

Medyo nanibago lang ako sa bagong boses ni Jake na lalaking-lalaki. Ang ganda ng version ni Jake ng sikat na Visayan song na ito, pero fan pa rin talaga ako ni Charice Pempengco.

NOEL FERRER

Nasubaybayan ko yung "Paubaya" ni Moira, na agad agad binigyan ng interpretasyon ni Jed Madela sa Hearts On Fire concert niya noong Sabado, February 13.

Wagi talaga ang kanta. Ibang klase ang lyrics.

Maayos din yung kanta ni Jayda na todo ang promo, hindi lang ng kanyang management at Star Records kundi pati na ng kanyang proud parents na sina Dingdong Avanzado at Jessa Zaragoza.

Sana ay patuloy na magkaroon ng ganitong malawak na synergy sa pagpo-promote ng kanta, na pwedeng maging theme song ng kung anumang programa o pelikula o yung ganoong parang closure ng isang relasyon.

Continue reading below ↓

Kung may JoshLia yung kay Moira, sino kaya ang pwedeng makatulong sa mga kanta nina Garrett at Jake. O sila pa lang ba ay sapat na?

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sa loob lamang ng 24 oras ay umabot sa 7.1 million ang views ng music video ng latest single ni Moira dela Torres na "Paubaya." Tampok sa music video ang dating magkasintahang sina Julia Barretto at Joshua Garcia.
PHOTO/S: Screen grab from YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results