Ruffa Gutierrez, "naloloka" sa pagli-link sa kanila ni Herbert Bautista

by PEP Troika
Feb 15, 2021
Ruffa Gutierrez on Herbert Bautista: "Si Mayor is ano... walang romantic. Grabe naman. Hindi, nag-e-enjoy lang kami. Platonic lang. Hindi yung... Over naman ‘yon, na parang... ‘Till death do us part, we love each other’? No!!!"
PHOTO/S: Screen grab from YouTube

JERRY OLEA

Mentor ang turing ni Ruffa Gutierrez kay dating Quezon City Mayor Herbert Bautista.

“Bakit ba kami natsitsismis? Nakakaloka!” tumatawang pahayag ng 46 anyos na aktres sa virtual mediacon nitong Pebrero 15, Lunes ng hapon.

“Siguro, lahat ng mga tao, na-type-an iyong team-up namin na unexpected for The House Arrest Of Us.

“Kasi siyempre, parang... andaming nagme-message sa akin na mga fans, naku-cute-an sila sa amin.

“Kasi, parang... ‘Ay, ang cute! Pwede pala! Height doesn’t matter!’

“Kaya tuloy iyong mga may crush sa akin, 'tapos medyo maliit sa akin, biglang nagkaroon ng pag-asa. Ha! Ha! Ha! Ha! Ha!

“Kasi, di ba, usually ang type ko, tall, dark and handsome. 'Tapos biglang... with my team-up with Mayor—I call him Mayor—ahhm, naiiba.

“Di ba? Biglang... ‘Ay!’ Unexpected kaya naging comedy.

“So, sana, matuluy-tuloy iyon for Season 2. And meron din kaming ibang projects together. Hopefully, matuloy ‘yon.”

Katorse anyos si Ruffa nang magkakilala sila ni Herbert.

Continue reading below ↓

“He has always known me in different eras of my life. 14, naging leading lady niya ako sa Takbo, Bilis, Takbo.

“And we did Ready Na, Direk. We did Dunkin’ Donato. Marami na kaming projects together.

“So, ngayon, we reconnected in this era in my life now na medyo 40s na ako, 50s siya.

“Pero ang tingin ko kasi kay Mayor, isa siyang mentor. Isa siyang parang... ang tawag ko nga sa kanya minsan, Professor Bautista.

“Kasi, ang dami kong natututunan sa kanya. So... yun lang. I enjoy his company, and I find him a versatile actor.”

Pati sa pag-ibig, may natutunan siya kay Mayor Herbert?

“No!” tili ni Ruffa.

“My gosh! Grabe kayo, ha?! Grabe! Wala!!! Hello?! Si Mayor is ano... walang romantic. Grabe naman.

“Hindi, nag-e-enjoy lang kami. Platonic lang. Hindi yung... Over naman ‘yon, na parang... ‘Till death do us part, we love each other’? No!!!

“You know, ano... hindi, hindi ganoon. Natatawa naman ako sa inyo, grabe! Hindi!

Continue reading below ↓

“Saka si Mayor, andaming priorities din niyan sa buhay. Unang-una, iyong mga anak niya siyempre. So, I just enjoy his company.

“And lahat, buong cast kasi ng The House Arrest Of Us, naging close. And siguro, kami yung natsitsismis dahil siya ang leading man ko, and at the same time, single siya.

“Pero... no! Wala kaming ganun, mga lovey-dovey? Oh my gosh! Ha! Ha! Ha! Ha! Ha!”

NOEL FERRER

Iwas sa usaping love life si Ruffa na understandable dahil kabe-break lang niya sa kanyang boyfriend. Baka sabihing rebound lang.

Iwas din, kasi si Herbert ang pinag uusapan. Kasi naman, may huling post pa ng kung anik-anik na subok na talk show nila ni Kris Aquino.

Mas excited akong makita na nagdidirek na si Herbert dahil maganda ang na-submit niyang output sa klase namin kat Ricky Lee.

Sana, magawa niya ito soon dahil support kami sa kanya diyan talaga!

At deserving naman yung The House Arrest Of Us na magka-Season 2, ha! Ang lakas niya sa Netflix, in fairness!

Continue reading below ↓

GORGY RULA

Sa tono ng mga pahayag ni Ruffa, hindi niya isinasara ang posibilidad na magkainlaban sila ni Mayor Herbert.

Pero wala iyan sa isip niya sa ngayon. Bukod pa riyan, wala namang ligawan sa kanilang dalawa.

“Walang ganun kay Mayor,” bulalas ni Ruffa.

Sa ngayon ay okay silang dalawa bilang magkaibigan.

“Si Mayor naman really cares about my family, kasi matagal naming family friends. Hindi naman yung bagong sulpot lang, e, di ba?

“He’s close with Kuya Monching, he’s close with my dad, meron silang project together.

"So, yeah, inspiring siya because my sense siyang kausap. Matalino siya, and he gives the best advice.

“So, if you’re asking me about Mayor Herbert, he’s my mentor. Oh, type niyo yun?” sabi pa ni Ruffa.

Basta, looking forward na lang siyang magkaroon ng isa pang season ang The House Arrest of Us dahil marami ang natuwa sa tandem nilang dalawa ni Herbert Bautista.

Continue reading below ↓

Mukhang naka-focus na rin kasi ang dating QC mayor sa showbiz career nito.

Meron pa ngang binabalak si Harlene Bautista na pelikulang pagbibidahan dapat ng kuya niyang si Mayor Herbert, pero hindi pa ito magagawa dahil mas gusto raw nitong unahin ang iba pang nakalinyang projects na bigay ng Viva.

Siyanga pala, kasama si Ruffa sa mini-series na Stay-In Love na magtatapos bukas, Pebrero 16, Martes ng 9:00 p.m., sa TV5.

Sa Abril ay nakatakdang mag-taping naman siya sa isang teleserye.

Ayaw pa niyang banggitin kung ano ito, pero hindi raw ito ang bagong teleserye ng KathNiel.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ruffa Gutierrez on Herbert Bautista: "Si Mayor is ano... walang romantic. Grabe naman. Hindi, nag-e-enjoy lang kami. Platonic lang. Hindi yung... Over naman ‘yon, na parang... ‘Till death do us part, we love each other’? No!!!"
PHOTO/S: Screen grab from YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results