Ruffa Gutierrez on breakup with Jordan Mouyal: “Para akong nabunutan ng tinik.”

by Bernie V. Franco
Feb 9, 2021
Ruffa Gutierrez on her next relationship: “And now I’m at the point in my life where ayoko na ng detours."
PHOTO/S: YouTube (ABS-CBN Talk)

Ibinahagi ni Ruffa Gutierrez, 46, na magaan ang loob niya kahit sariwa pa ang kanyang breakup.

Ang huling nakarelasyon ni Ruffa ay ang French-Israeli businessman na si Jordan Mouyal.

November 2020 nang ibunyag ni Ruffa sa isang virtual press conference na winakasan na nila ni Jordan ang kanilang relasyon. Anim na taon ang itinagal ng kanilang pagsasama.

Ang tiyak daw ngayon ni Ruffa, masaya siya kahit single at ayaw na niya ng “detours” sa susunod niyang mga relasyon.

“It’s easy to fall in love but it takes work to stay in love.

“With me, I just came out of a relationship and I’m happily single right now,” pahayag ni Ruffa sa virtual finale press conference ng TV5 series na Stay-In Love noong February 6.

Kahit sariwa pa ang breakup nila ni Jordan ay magaan daw ang pakiramdam ni Ruffa.

“So, as of now, I’m just happy. I don’t know. Para akong nabunutan ng tinik.

Continue reading below ↓

“I’m not sure if I’m ready for another relationship yet.

“I think at this point, I just want to concentrate on my career, my kids.

“And you can always be happy and be in love on your own.

Ibinahagi rin ni Ruffa na maganda ang pakikitungo niya sa kanyang mga dating nakarelasyon.

Para sa kanya, darating lang talaga ang panahong kailangan nang tapusin ang isang relasyon.

Sabi niya, “Lahat ng mga relationships ko in the past, wala akong sama ng loob sa kanila.

“I always learn something from each and every person that I’ve fallen in love with.

“And sometimes, minsan, wala naman talaga silang kasalanan, you know, but it’s time to just close the page.

“Move on to the next chapter and you just thank them for the reason that they have brought you happiness.”

Ang napag-isip-isip daw ni Ruffa ay gusto niyang pang-forever na ang kanyang susunod na makakarelasyon.

Continue reading below ↓

“And now, I’m at the point in my life where ayoko na ng detours.

“I’ll just stay happy and wait for my forever love.”

Si Ruffa ay ikinasal sa Turkish businessman na si Yimaz Bektas noong 2003, pero naghiwalay sila noong 2007.

Nagkaroon sila ng dalawang anak: sina Lorin, 17, at Venice, 16, na parehong nasa poder ni Ruffa.

Sa showbiz naman, kabilang sa nakarelasyon noon ni Ruffa sina Zoren Legaspi, Aga Muhlach, at John Lloyd Cruz.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ruffa Gutierrez on her next relationship: “And now I’m at the point in my life where ayoko na ng detours."
PHOTO/S: YouTube (ABS-CBN Talk)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results