Lunch Out Loud ng TV5, pasabog ang bagong segment tampok ang mga dating magkakarelasyon

by PEP Troika
Feb 17, 2021
Tampok ang dating magkarelasyon na sina Carlito at Mariel sa bagong segment ng Lunch Out loud, ang "H.O.P.E.", sa episode ng TV5 noontime show bukas, February 18. Magkabalikan kaya ang dalawa o may proposal na magaganap?
PHOTO/S: Screen grab from YouTube

GORGY RULA

Kaabang-abang ang bagong segment ng noontime show ng TV5 na Lunch Out Loud, ang "H.O.P.E.", bukas, Pebrero 18.

Ang ibig sabihin ng "H.O.P.E." ay “Hindi, Oo, Puwede, Ewan.”

Kasisimula lang ng bagong segment na ito na hinu-host nina Alex Gonzaga at Bayani Agbayani.

Dito ay ginagawan nila ng paraan upang magkaayos ang mga nagkaalitan, nagkatampuhan o nagkahiwalay na magkarelasyon.

Nai-tape na ang episode na mapapanood bukas, kung saan pumayag ang dating magkasintahang sina Carlito Ramos at Mariel Herrera na magtagpo silang muli.

Dalawang buwan na silang nag-break dahil sa napapadalas na raw ang away nila. Oras para sa isa’t isa ang naging dahilan ng kanilang pag-aaway hanggang sa natuloy sa hiwalayan.

Sinubukan ng "H.O.P.E." kung pwede pa silang mapag-ayos at mauwi sa balikan.

Pumayag daw ang dating magkasintahan na umapir sa LOL dahil naiisip na pala ni Carlito na suyuin at pumayag si Mariel na makipagbalikan. Iyon din pala ang nasa isip ni Mariel.

Continue reading below ↓

Naayos naman nina Bayani at Alex ang pag-uusap ng dating magkasintahan, kaya napagkasundo silang dalawa.

Lingid sa kaalaman ng lahat, pinaghandaan na raw ni Carl na kung sakaling pumayag si Mariel na magkabalikan sila ay magpu-propose na siya.

Kaya lumuhod na si Carl, hinugot ang dalang singsing at tinanong si Mariel ng “Will you marry me?”

Sabi ng aming source, iyon daw ang abangan bukas kung nag-"yes" ba si Mariel at kung tinanggap ba ang proposal ni Carl.

Pero nasa teaser ng LOL na ang saya ng lahat sa studio, nagtilian ang lahat, may mga naiyak at na-touch sa ginawa ni Carl.

Lunch Out Loud new segment, HOPE

Continue reading below ↓

Winner ang segment na ito dahil nagagawa nilang ayusin ang mga nagkakaproblemang relasyon na swak na swak sa buwan ng mga puso.

Sa totoo lang, kinagigiliwan na ang LOL at lalo pang dumarami ang commercial load at sponsors. Kaya nagtataka raw sila kung bakit natsitsismis na matsutsugi sila.

Marami pa raw plano ang Brightlight Production sa LOL, at yun na lang daw ang aabangan.

JERRY OLEA

Hope springs eternal, 'ika nga ni Alexander Pope.

Hopeful ang LOL na magtatagal ang kanilang programa sa TV5, kaya patuloy silang nag-e-evolve.

Kabakbakan ng LOL ang Happy Time ng Net 25.

Ngayong Ash Wednesday, February 17, hopeful tayong andiyan pa rin ang LOL kahit mag-umpisa na sa Marso ang noontime show ng PTV4.

Mas exciting ang "Bawal Judgmental" segment ng Eat Bulaga! nang mag-umpisa ang kanilang pa-"Divide or Double."

Gaya ng iba pang mga programa ng Kapuso Network, walang kalaban ngayon sa ratings at commercial load ang Eat Bulaga. Waging-wagi.

Continue reading below ↓

Nag-evolve din ang "Tawag ng Tanghalan" sa It’s Showtime. Mas maigting ang competition sa ikalimang season na nag-start noong Pebrero 8.

Kada Lunes, apat na contestants ang nagtatagisan. Ang dalawang makakakuha ng pinakamataas na scores mula sa mga hurado ang magmamay-ari sa dalawang “spotlight” at aabante sa susunod na araw. Tuluyang magpapaalam na sa kumpetisyon ang dalawang may pinakamababang scores.

Mula Martes hanggang Biyernes, dalawang panibagong kalahok ang papasok at maglalaban sa unang round. Ang contestant na may mas mataas na score sa kanilang dalawa ang uusad sa ikalawang round para hamunin ang dalawang spotlight holders sa isang three-way battle.

Tuwing Sabado, ang dalawang contestants na nagmamay-ari sa spotlight ang magtutunggali sa dalawang rounds para makuha ang mas mataas na hurado score, at tanghaling weekly winner.

Napapanood ang It’s Showtime mula Lunes hanggang Sabado ng tanghali sa A2Z channel sa digital at analog TV, ganoon din sa Kapamilya Channel sa cable at satellite TV sa Kapamilya Channel (SKYchannel 8 sa SD at channel 167 sa HD, Cablelink channel 8, G Sat Direct TV channel 22, at karamihan ng cable operators na miyembro ng Philippine Cable and Telecommunications Association sa buong bansa), sa Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment, pati na rin sa iWant TFC app or website.

Continue reading below ↓

NOEL FERRER

Kailangan talagang magpaingay ang LOL dahil agresibo ang It’s Showtime at Eat Bulaga! sa pagpapaganda ng kani-kanyang programa.

Ano na ang kakahinatnan ng Happy Time, at ang unang napabalitang noontime show ng PTV4?

Nakakapanibago pa rin na manood ng game at variety show na walang audience. Parang dobleng trabaho sa hosts na gawing masaya at interesting ang mga noontime show.

Hinihintay ko ang pagbabalik ni Anne Curtis sa It’s Showtime!

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Tampok ang dating magkarelasyon na sina Carlito at Mariel sa bagong segment ng Lunch Out loud, ang "H.O.P.E.", sa episode ng TV5 noontime show bukas, February 18. Magkabalikan kaya ang dalawa o may proposal na magaganap?
PHOTO/S: Screen grab from YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results