PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Can Billy Crawford, Xian Lim promote shows in ASAP Natin To?

Mas marami nang platforms at channels na pagpapalabasan ang ABS-CBN.
by PEP Troika
Published Mar 6, 2021
May mga bagong shows ang dating Kapamilya stars na sina Billy Crawford (kaliwa) at Xian Lim (kanan) na mapapanood sa TV5. At dahil nasa Kapatid network din ang ASAP Natin 'To, puwede rin kayang mag-promote doon sina Billy at Xian?
PHOTO/S: @billycrawford, @xianlimm Instagram

JERRY OLEA

Panalo ang line-up ng ASAP Natin ‘To bukas, Marso 7, Linggo ng tanghali.

Live ang kanilang palabas kung saan tampok ang Pinoy Pop Hits Celebration at ang kanilang hiyaw, “KAPAMILYAS UNITE!”

Tampok dito ang first-and-exclusive global TV performance ng Fil-Am rapper na si Ez Mil.

EZ Mil on ASAP Natin To

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

As of this writing, ang live performance ni Ez Mil ng "Panalo" sa Wish USA Bus ay humamig na ng halos 50M views sa YouTube channel ng Wish 1075 mula nang mag-premiere ito noong Enero 29, 2021.

Primetime Bida goes to TV5 simula Marso 8, Lunes kaya magsasama-sama sina Erik Santos, Klarisse de Guzman, Gary Valenciano, at ang Aegis para awitin ang mga teleserye theme song ng mga primetime teleserye ng ABS-CBN Entertainment.

PR card: Primetime Bida shows goes to TV5

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Panalo! Makapigil-hininga ang dance performance nina Joshua Garcia, AC Bonifacio, Joao Constancia, Jeremy Glinoga, Jameson Blake, Iñigo Pascual, at Kim Chiu.

Kaabang-abang ang hugot vocal session nina Moira dela Torre, Juris, at Nina.

Bibirit nang makapatid-litid ang ASAP divas na sina Angeline Quinto, Klarisse de Guzman, Elha Nympha, Janine Berdin, Sheena, at Asia's Songbird Regine Velasquez.

Magbabalik sa ASAP stage para sa kanilang special treat sina Yassi Pressman, Kiana V, at The Juans kasama ang OPM icons na sina Martin Nievera at Ogie Alcasid.

Maki-party sa longest-running Sunday musical variety show na ASAP Natin 'To live na live ngayong Linggo (Marso 7), 12:00 ng tanghali sa Kapamilya Channel (SKYcable channel 8 SD at channel 167 HD, Cablelink channel 8, G Sat Direct TV channel 22, at Cignal channel 22), Kapamilya Online Live, at A2Z (sa analog at digital TV).

Mapapanood pa rin ang ASAP sa TV5, at worldwide sa iWantTFC at TFC.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

NOEL FERRER

Alam ko, may extra shoot pa ang lead stars ng mga primetime teleserye ng ABS-CBN para sa big announcement ng pagpapalabas ng mga Kapamilya teleserye sa TV5.

At least, with A2Z, mas maraming Metro Manila homes at suburbs na makakapanood ng Kapamilya shows, samantalang sa TV5, madadagdagan pa ang provincial viewers.

Kahit walang franchise, at laganap ang pandemya, nakahanap ng dagdag na platforms para mapanood ang world-class musical performances sa ASAP Natin ‘To, at mga teleserye.

Sana, all!

GORGY RULA

Malamang na itotodo ng ASAP Natin ‘To ang pag-promote ng pag-ere ng primetime shows nila sa TV5.

Kaya curious ako kung puwede rin ba mag-promote ang mga bagong programa ng TV5 sa ASAP Natin ‘To.

Okey kayang mag-promote si Billy Crawford ng The Wall Philippines na mapapanood na sa TV5 sa March 13?

Puwede rin kayang mag-promote si Xian Lim sa ASAP ng first game show niyang 1000 Heartbeats Pintig Pinoy na magsisimula na rin sa TV5 sa March 21?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa GMA-7 ay todo ang suporta nila sa mga bagong show na magsisimula sa GTV.

Isa na nga rito ang bagong drama series na Heartful Café nina Julie Anne San Jose at David Licauco, na malapit nang mapanood sa GTV.

Balik-acting na si Julie Anne pero tinitiyak niyang hindi pa rin niya iiwan ang pagkanta.

Kaya dito sa AOS ay all-out ang performance niya.

Mapapanood bukas ang sarili niyang version ng trending song ni Olivia Rodrigo na "Drivers License."

Special guest din nila si Tom Rodriguez na magaling ding kumanta.

Kasama siya nina Christian Bautista, Mark Bautista, Derrick Monasterio, Jeremiah Tiangco, Garrett Bolden, at dating Kapamilyang sina Daryl Ong at Bugoy Drilon na halos regular na rin sa AOS.

Christian Bautista, Bugoy Drilon, Daryl Ong, Tom Rodriguez, Mark Bautista in GMA-7 AOS

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kaabang-abang pa rin siyempre si Asia’s Nightingale Lani Misalucha kung saan makikipagbiritan siya kina Julie Anne, Aicelle Santos-Zambrano, at mga produkto ng The Clash na sina Golden Cañedo, Jennie Gabriel, at Thea Astley na magsi-celebrate doon ng kanyang kaarawan.

Ang kaibahan pa ng AOS ay ang comedy-musical segment nila na bagong kuwento ang sisimulan na pinamagatang Love Doctors kasama sina Paolo Contis, Betong Sumaya, Kristoffer Martin, Denise Barbacena, Jennie Gabriel, Tuesday Vargas, at special guest nilang si Rhian Ramos.

AOS New musical-comedy segmet Love Doctor

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nandiyan pa rin ang regular segment nilang type ng mga Tiktokers, ang Cypher dance number featuring the hard-hitting songs of Missy Elliot.

Hahatawin ito nina Mark Herras, Miguel Tanfelix, Kyline Alcantara, Barbie Forteza, Gabbi Garcia, at magagaling na dancer at choreographer na sina DJ Loonyo at Mannex Manhattan.

AOS Cypher segment

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
May mga bagong shows ang dating Kapamilya stars na sina Billy Crawford (kaliwa) at Xian Lim (kanan) na mapapanood sa TV5. At dahil nasa Kapatid network din ang ASAP Natin 'To, puwede rin kayang mag-promote doon sina Billy at Xian?
PHOTO/S: @billycrawford, @xianlimm Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results