PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Sarah Geronimo, Ogie Alcasid, Ian Veneracion, Ez Mil concerts

Arangkada ang concerts sa OPM scene ngayong Marso at Abril!
by PEP Troika
Published Mar 9, 2021
Sarah Geronimo, muling hahataw sa kanyang film concert na Tala. Ogie Alcasid at Ian Veneracion, manghaharana sa Virtually Yours, Kilabotitos. Rapper na si Ez Mil, may virtual concert din.
PHOTO/S: @gelalaurel / @ogiealcasid / @ianveneracion1 Instagram / EZ Mil Facebook

JERRY OLEA

Mabilis na na-sold out ang VIP tickets na PHP2,500 (limited slots) sa digital concert ni Regine Velasquez-Alcasid na Freedom, na nag-streaming noong Pebrero 28, Linggo ng gabi, sa KTX. Unli ang slots para sa regular ticket na PHP1,200.

Naibalita natin dito sa PEP Troika na record-breaking ang bilang ng tumangkilik sa nasabing online concert ng Asia’s Songbird.

Tatlong musical pasiklab pa ang kaabang-abang sa KTX ngayong buwan.

Sa Marso 21, Linggo ng 7:00 p.m. ang grand finals ng Himig 11th Edition.

Labindalawa (12) ang finalists na awit. Ang interpreters ay sina Moira de la Torre & Agsunta, KZ Tandingan, Sam Mangubat, Davey Langit, Janine Berdin & Joanna Ang, Juris, Zild, Jeremy G & Kyle Echarri, FANA, Kiss ‘n Tell, JMKO, at Zephanie.

Himig 11th Edition finals

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

OGIE AND IAN'S CONCERT

Sa Marso 26, Biyernes ng 8:00 p.m., at Marso 27, Sabado ng 11:30 a.m., ang Virtually Yours, KilaboTitos nina Ogie Alcasid at Ian Veneracion.

Ang tiket ay PHP800 (concert access) at PHP1,200 (concert access + making of Kilabotitos special).

Ogie Alcasid, Ian Veneracion concert Virtually Yours, KilaboTitos

Siyempre, panay-panay ang promo ni Regine sa concert ng asawa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tweet ni Regine noong Marso 7, Linggo ng gabi:

SARAH GERONIMO'S CONCERT

Sa Marso 27, Sabado ng 8:00 p.m., ang Tala The Film Concert ni Sarah Geronimo.

Ang promo paandar ng Tala concert, “The Biggest Concert Experience Of The Year.”

Ipinagmamalaki rin na ang kanta ni Sarah na "Tala" ang most viewed OPM music video on YouTube.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

As of this writing, mahigit 171M views na ang official music video ng "Tala" na nag-premiere noong Hunyo 11, 2016 sa YouTube channel ng Viva Records.

Sarah Geronimo Tala The Film Concert

Sold-out na ang premium/VVIP tickets ng Tala concert na PHP3,000 ang halaga.

Ang regular ticket na PHP1,500 na lamang ang available.

Nire-retweet ni Regine ang mga promo kaugnay sa Tala concert ni Sarah, noon pa man bago mag-streaming ang Freedom.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

EZ MIL'S CONCERT

Sa Abril 18, Linggo ang KTX concert ni Ez Mil, ang US-based Filipino rapper na nagkaroon ng global television debut ng kanyang single na "Panalo" last Sunday, March 7, sa ASAP Natin ‘To.

At this writing, halos 51M views na ang live performance ni Ez Mil ng "Panalo" sa Wish USA Bus, na nag-premiere noong Enero 29, 2021 sa YouTube channel ng Wish 1075.

EZ Mil live virtual concert

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

SHEREE'S CONCERT

Sa Abril 24, Sabado ng 8:00 p.m. ang virtual concert ni Sheree na L’Art De Sheree.

Ang tiket ay PHP999 (general admission) at PHP1,999 (VIP with live Zoom lapdance access).

Sheree virtual concert L'Art De Sheree

NEOCOLOURS AND EUPHORIA REUNION

Ikinakasa na rin ng KTX ang reunion concert ng ‘90s OPM band na Neocolours, pati na ang Euphoria reunion.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa mga interested na bumili ng KTX tickets, pinadali na ang transactions sa maraming payment options.

Pwede sa credit cards, e wallets tulad ng GCash, Grab Pay, online banking, at over-the-counter local at nonlocal banks katulad ng Dragon Pay.

NOEL FERRER

Napansin ko lang, free for all at discretion talaga ng producers ang ticket pricing, hindi lang sa pelikula kundi pati na sa concert performances.

Wala siyang fixed rate katulad ng sa theaters.

Okay sa akin na may bagong content online, para kahit hindi lumabas ng bahay ay merong aabangan ang mga tao, lalo pa ngayong pataas na naman nang pataas ang kaso ng COVID-19.

As of March 9, Tuesday ng 4:00 p.m., umabot na sa 600,428 ang bilang ng mga naitalang nagka-COVID-19 sa bansa.

Apat na magkakasunod na araw na mahigit 3,000 ang nadagdag na kaso, mula noong Biyernes (Marso 5) hanggang kahapon (Marso 8, Lunes).

Ngayong Martes ay 2,668 ang mga bagong kaso.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sana, pati kalidad ng mga online content na panoorin ay pataas din.

Sa concerts, inayos sana ang visuals at audio na hangga’t maaari ay hindi lipsynch.

Now that CONTENT is key, labanan talaga ng magagandang panoorin na notches above the usual TV and YouTube fares.

Kasi, nagbabayad ng hard-earned peso ang mga kababayan natin lalo na ngayong pandemya, so they better be worth the money spent during this pandemic!

GORGY RULA

Sa gitna ng paghahanda ng team ng Kilabotitos, may time pa si Ogie Alcasid mag-TikTok na isinasama pa ang asawang si Regine.

Wala namang ginagawa si Regine, kundi tawa lang nang tawa.

Iyan ang isa sa hinahanap talaga kapag live ang concert ni Ogie, may mga segment siyang nag-i-impersonate at nagpapatawa talaga.

Iyan daw ang isa sa gagawin ni Ogie sa Virtually Yours, KilaboTitos.

Nai-tape na raw nila ang buong concert, at tawa raw nang tawa ang mga nandoon sa taping.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

May mga idinagdag pa raw silang mga pasabog na magugustuhan daw ng mga manonood.

Ngayon ay inaayos na lang daw ang editing dahil tinitiyak lang nilang malinis, maayos ang lighting, lalo na ang audio.

Thankful si Ogie dahil ang daming nagsu-support dito sa Virtually Yours, KilaboTitos kaya happy sila sa turnout ng tickets.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sarah Geronimo, muling hahataw sa kanyang film concert na Tala. Ogie Alcasid at Ian Veneracion, manghaharana sa Virtually Yours, Kilabotitos. Rapper na si Ez Mil, may virtual concert din.
PHOTO/S: @gelalaurel / @ogiealcasid / @ianveneracion1 Instagram / EZ Mil Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results