GORGY RULA
Sa susunod na linggo ay lilipad na patungong Egypt ang beauty queen-actress na si Kelley Day para lumaban sa Miss Eco-International.
Gaganapin ang grand coronation sa Dahab/Sharm el-Sheik, Egypt, sa April 4, Easter Sunday.
Binigyan si Kelley ng send-off press conference noong Huwebes, March 11 ng gabi, sa Manila House, BGC, Taguig City.
Mahigpit sa pagtitipong yun kung saan lahat ng aakyat sa venue ay nagpapa-antigen swab test muna upang tiyaking negative ito sa COVID-19.
Maingat ang organizers para sa kaligtasan ng lahat, at para na rin kay Kellley na nakatakdang magpa-RT PCR test bago sumakay ng eroplano.
Ang biyahe sa eroplano ang talagang inaalala ni Kelley dahil mahaba ang flight bago siya makarating sa venue ng competition.
Mga 5 to 6 hours daw ang biyahe pa-Abu Dhabi, UAE, at mula roon ay another plane ride of 5 to 6 hours uli pa-Cairo, Egypt, at isa pang domestic flight patungong Darab/Shram el-Sheik.
Wala siyang aalalahanin pagdating sa venue dahil maingat daw ang lahat at mahigpit na ipinapatupad ang safety protocols.
“The place that we are going to be staying which is Dahab/Sharm el-Sheik and The Hub, they’re both resorts and we'll be in a bubble, so isolated and of course tested upon arrival and quarantine until they have the negative test results.
“As far as I know, we won’t be travelling to public areas.
“So, for me, in terms of with everything going on, they’ve found a way to keep us the safest possible,” saad ni Kelley kagabi.
Sabi ni Miss World Philippines Organizer Arnold Vegafria, mababa na ang COVID-19 cases sa Egypt at hindi na raw nagma-mask ang ilan doon.
Gusto lang daw ni Kelley i-enjoy ang competition at ayaw niyang magpa-pressure na kailangang makuha niya ang korona.
Si Thia Thomalia ang kauna-unahang Pinay na Miss Eco-International noong 2018, at nag-first runner up naman ang huling kandidata nating si Maureen Montagne. Kaya inaasahang muling makuha ni Kelley ang korona.
“The only thing I have to worry about is enjoying myself. Everything else has been fixed. I just have to show up and be happy,” pakli ni Kelley.
Sa send-off presscon ay binigyan si Kelley ng inspiring message ng mga kapwa beauty queens na sina Michelle Dee, Miss World-Philippines 2019; Katrina Llegado, Reina Hispanoamericana 2019; at si Ro-An Tamondong, ang nanalong Miss Eco-Teen International 2020 na ginanap din sa Egypt noong December last year.
JERRY OLEA
Dalawang beses na-postpone ang timpalak na Miss Eco International last year dahil sa COVID-19 pandemic.
Pero hindi sinayang ni Kelley ang panahon. Bumuo siya ng mga kanta, nag-aral ng ilang computer software programs para sa video and music editing, at inumpisahan ang online bachelor’s degree in Biological Sciences.
Naging masigasig din si Kelley sa paghahanda sa timpalak—pasarela training, Q&A, personality development, home workouts, at pagrampa nang naka-platform heels sa kanyang apartment.
“Thanks to Aces and Queens, the training process has been extremely enjoyable and beneficial,” sabi ng 24-anyos na dalaga.
Kumusta ang kanyang style/glam team?
“Some of that information is still a secret, but I do want to say a massive thank you to Francis Chee for putting together all of my outfits from a range of extremely talented Filipino designers,” lahad ni Kelley.
“If you follow me on Instagram, you’ll be updated on all of my outfits and designers that we have collaborated with, so stay tuned!
“I would like to add that my final gown in particular is a masterpiece, and I hope to do it justice on stage.”
Nasa send-off presscon din ni Kelley si Korina Sanchez-Roxas.
Si Ate Koring ang producer ng mystery-suspense project sa TV5 na tatampukan ni Kelley kasama sina Raymond Bagatsing at David Chua.
Ikinakasa na rin ang isang feel-good romance movie na pagbibidahan ni Kelley.
Kelley Day with Raymond Bagatsing and David Chua
NOEL FERRER
Good luck Kelley! May you bring home the corona—hindi yung COVID, ha!
Teka nga pala, kumusta na ang sitcom ni Kelley sa TV5 na Oh My Dad with Ian Veneracion, tuloy pa ba yun?