PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Bianca Lapus naospital dahil sa COVID-19 at pneumonia

Kapatid at mga kaibigan ni Bianca Lapus, nanawagan ng dasal.
by PEP Troika
Published Mar 17, 2021
Nanawagan ng dasal ang kapatid ng aktres na si Bianca Lapus, na kasalukuyang nasa ospital dahil sa COVID-19 at pneumonia.
PHOTO/S: @biancalapus on Instagram

JERRY OLEA

Ipagdasal natin si Bianca Lapus, na nasa ospital dahil sa COVID-19 at pneumonia.

Ito ang panawagan ng sister ni Bianca na si Marnie Herrera Lapus sa Facebook nitong Marso 17, Miyerkules ng hapon.

Ani Marnie, na isang character actress, “This virus hits close to home.

“My parents and my sister Kyla have been in and out of the hospital since last year due to different illnesses and that has put an emotional strain to our family.

“But this is the first time that one of us is sick with this virus.

“Asking all my prayer warriors and Manna Angels worldwide to pray for my sister Lalaine Bianca Lapus who is being treated in the hospital for COVID-19 and pneumonia.

“Lord heal us all.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ni-repost ito ni Nadia Montenegro sa Facebook, na ang pakiusap sa mga kaibigan, “Please include my dear friend Lalaine Bianca Lapus in your prayers.

“Stand in faith Sis! Marnie Herrera Lapus God is with her.”

GORGY RULA

Kailangan ng patuloy na pagkapit sa Panginoon.

Mabait at maraming kaibigan si Bianca, na tiyak na nagdarasal na malagpasan niya ito.

Hindi biro ang patuloy na pagtaas ng COVID-19 cases, at asahan nating mas tataas pa ito. Kaya nakakatakot nang lumabas.

Totoo. Dasal pa rin talaga ang kailangan at mas ibayong pag-iingat.

Sa mga lock-in tapings ngayon ay mas mahigpit na talaga. Tsini-check kung nakapag-quarantine bago ang saliva test. At pagkatapos ng test, kailangang naka-quarantine na rin.

Sa biyahe papuntang location, bawal ang stopover para bumili ng pagkain o kung ano man. Bawal dumaan sa convenience store o palengke.

Pagdating sa set kung saan naka-lock in taping, mas mahigpit pa lalo. Bawal umorder sa labas na ipapa-deliver sa set.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Kahit sa break ng taping ay bawal mag-swimming, maglaro ng basketball o ano mang activities na hindi magagawa ang physical distancing.

Bawal tumanggap ng dalaw sa set. Pagkatapos ng shoot, bawal ang mahabang tsikahan o magkasalu-salo. O kahit nasa oras ng trabaho, bawal ang makipaghuntahan na walang suot na face mask.

Bawal din mag-selfie o magpalitrato na magkalapit. Kahit magyosi o vape ay ipinagbabawal sa set. May designated na lugar para doon magyosi.

Higit sa lahat, bawal ang mag-inuman. Kapag mahuli, papatawan ng penalty o baka umabot sa pagkatanggal kung patuloy itong ginagawa.

Para ka lang nagtatrabaho sa labas ng bansa na may mahigpit na amo.

Ang dali na kasing makahawa ngayon ang virus na ito, kaya wala tayong magagawa kundi sumunod para maging safe lang ang lahat.

NOEL FERRER

Ingat-ingat talaga lahat tayo!!!

Ang sabi ng OCTA group, ang NCR ay nasa isang major surge ng COVID cases kaya kailangang mag-ingat talaga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Naka-advice na rin ang mga magte-taping at shooting na standby for further notice kung kailangang i-suspend ang ibang tapings dahil sa pagtaas ng mga kaso.

Paano kaya ang mga nagko-cover at naghahatid ng balita?

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nanawagan ng dasal ang kapatid ng aktres na si Bianca Lapus, na kasalukuyang nasa ospital dahil sa COVID-19 at pneumonia.
PHOTO/S: @biancalapus on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results