Kakai Bautista, binalaan ng kampo ni Mario Maurer na tigilan na ang panggagamit umano sa Thai actor

by PEP Troika
Mar 23, 2021
Mario Maurer's camp on Kakai Bautosta: "By so using the name of our talent, Catherine ‘Kakai’ Bautista is improperly exploiting the name, image and reputation of Mario Maurer and his manager, and may be violating existing laws of the Republic of the Philippines and the Kingdom of Thailand.”
PHOTO/S: @kakaibautista on Instagram / @mario_mm38 on Instagram

GORGY RULA

Noong nakaraang weekend pa nakatanggap ang PEP Troika ng demand letter mula sa legal counsel ng Kwaonhar Nine Nine Co., Ltd., ang kumpanya sa Thailand na nagma-manage ng showbiz career ng Thai actor na si Mario Maurer.

Kaugnay ito sa isyung matagal nang lumabas tungkol sa closeness umano nina Mario at ng comedienne-singer na si Kakai Bautistta.

Hindi kaagad namin inilabas iyon dahil hinihintay muna namin ang sagot ng recipient ng sulat na si Freddie Bautista ng Artist Gallery Management.

Ang Artist Gallery ang nagma-manage kay Kakai.

Ang subject ng sulat: Demanding to Cease, Desist and Refrain from further use and reference of the name of Mario Maurer.

Nakasaad sa sulat na nakarating daw sa kaalaman ng Kwaonhar Nine Nine Co., Ltd. ang panggagamit ni Kakai sa kanilang talent na si Mario.

Itinatanggi nila ang lahat ng mga sinasabi noon ni Kakai na close sa kanya si Mario, at nabanggit pa niya sa mga nakaraang interviews na nag-a-"I love you" pa raw sa kanya ang sikat na Thai actor.

Continue reading below ↓

Itinatanggi nila ang lahat ng sinasabi ng komedyante.

Bahagi ng sulat na ipinadala sa kanila: “Thus, we would like to confirm that all the statements made by Catherine ‘Kakai’ Bautista are hereby denied as the same are all false and untrue.

“By so using the name of our talent, Catherine ‘Kakai’ Bautista is improperly exploiting the name, image and reputation of Mario Maurer and his manager, and may be violating existing laws of the Republic of the Philippines and the Kingdom of Thailand.”

Ang hinihingi nila sa kampo ni Kakai ay tigilan na niya ang paggamit kay Mario , sagutin ang sulat at sundin ang mga nakasaad dito.

Nakasaad pa sa demand letter: "Should you fail to confirm to us in writing that you have complied and/or will comply with the above demand to cease, desist and refrain under this letter hereof, our talent, Kwaonhar and its staffs will have no other alternative but to pursue (without any further notice to you) formal claims against your talent tp protect his rights to the broadest extent.

Continue reading below ↓

"If you fail to comply with the foregoing, Kwaonhar reserves all of its legitimate right to claim for other damages and expenses incurred as a result of this matter. You should govern your contracted talent accordingly and responsibly.”

Nung Lunes, March 22, pa namin na-contact si Freddie na manager ni Kakai para hingan ng sagot sa naturang sulat. Pero wala pa raw siyang natatanggap na sulat mula sa Kwaonhar.

Sinubukan uli namin siyang i-text ngayong araw pero wala pa rin siyang sagot.

NOEL FERRER

Sa Instagram post ni Kakai nitong Marso 23, Martes ng umaga, naka-one-piece swimsuit ang Dental Diva, nakangiti nang mahiwaga, nakabuyangyang ang mga kili-kili at inaayos ang mahabang buhok.

Ang caption ni Kakai: “Hoooh, hirap pag sobrang gandaaaa. ISMAYL si Tyang sa mga taong ayaw tumigil. #dentaldiva #kapit #KakaiAdbentyurs”

IG Photo: Kakai Bautista in swimsuit

Continue reading below ↓

Idinaan na lang sa comedy ni Kakai ang isyu.

Pero kakailanganin pa ring sagutin ng pormal na sulat ang alegasyon ng management ng Thai actor.

Apparently, ang isang pinagbasehan daw ng sulat na yun ay ang isang online article mula sa isang TV interview na may headline sa ABS-CBN News na “Inamin ni Kakai na nagka-I love youhan na sila ng Thai actor habang isang drum ng luha ang iniyak n’ya kay Ahron Villena.”

JERRY OLEA

Nagkomento si Sanya Lopez sa IG post ng Dental Diva, “Hoy tyaaaaang HAHAHAHAHAHA ang ganda!!!”

Sang-ayon ako sa komento ni Sanya.

Ang dating ng dalaga sa dalampasigan ay Dental Diosa.

Kering-keri ni Kakai na gumanap bilang Change Oil Girl, diva?!

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Mario Maurer's camp on Kakai Bautosta: "By so using the name of our talent, Catherine ‘Kakai’ Bautista is improperly exploiting the name, image and reputation of Mario Maurer and his manager, and may be violating existing laws of the Republic of the Philippines and the Kingdom of Thailand.”
PHOTO/S: @kakaibautista on Instagram / @mario_mm38 on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results