PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Pasig Mayor Vico Sotto finishes 14-day quarantine

Pasig Mayor Vico Sotto, tuloy pa rin ang trabaho kahit naka-quarantine.
by PEP Troika
Published Mar 23, 2021
Nasa huling gabi na ng kanyang 14-day quarantine si Pasig City Mayor Vico Sotto ngayong March 23. Ito ay sa kabila ng negatibo ang resulta ng kanyang COVID test.
PHOTO/S: Mayor Vico Sotto Facebook

JERRY OLEA

Pumanaw ang driver ni Pasig City Mayor Vico Sotto na si Mang Vener noong Marso 13, Sabado, dahil sa Covid-19.

Ini-announce iyon ni Mayor Vico noong Marso 15, Lunes sa Facebook.

Nang araw ring iyon ay lumabas na negative si Mayor Vico sa PCR test, pero minabuti niyang mag-quarantine hanggang Marso 24—labing-apat (14) na araw mula nang huli siyang ipagmaneho ni Mang Vener.

Tuluy-tuloy ang trabaho ni Mayor Vico kahit naka-quarantine siya.

May announcements siya sa kanyang Facebook page.

Sa totoo lang... mas pogilicious yummylicious si Mayor Vico sa Facebook post niya nitong Marso 23, Martes ng 10:16 p.m.

Mula nang manungkulan si Mayor Vico na mayor ng Pasig noong Hunyo 30, 2019, ngayon lang siya “nakapag-rest” nang matagal-tagal.

FB post ni Mayor Vico: “My last night of quarantine!

“1. Nag NEGATIVE ako sa PCR test nung ika-apat na araw mula exposure, kaya safe yung nakasalamuha ko pa nung March 12;

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“2. Pero kahit negative, tinapos ko pa rin ang 14-day quarantine period, dahil ito ang sabi sa DOH Guidelines para sa CLOSE CONTACTS. Maaari kasing nag i-incubate pa lang ang virus kahit na nag-negative ka na sa test.

“3. Nagtrabaho pa rin ako, pero mas magaan lang ng konti dahil walang face-to-face meetings.

“Maraming salamat sa mga panalangin niyo!

“NOTE: Alinsunod sa IATF Resolution 104, para sa paghihigpit sa Greater Manila Area hanggang April 4 (Pasko ng Pagkabuhay), iiwasan pa rin natin ang face-to-face meetings hanggang April 5.

“Ang City Hall naman ay nasa Alternative Working Arrangement pa rin. #FollowHealthProtocols #BeatCovidTogether”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

NOEL FERRER

Lodi talaga si Mayor Vico dahil consistent ang prinsipyo ng servant-leadership kaya aligned lahat ng kanyang pagkilos, na hindi galing sa entitlement at power tripping.

Kaya naman simpleng epektibo at wholistic ang COVID response ng Pasig ngayong pandemya. Sana, all.

Sa ibang balita naman, ang kaedaran kong mayor ng Malabon na si Len Oreta ay nag-test na positive sa COVID pagkatapos mag-positive din ang kanyang close-in aide. Buti na lang at asymptomatic daw siya.

Ang mga taga-LGU talaga ang inaasahang tumutok sa COVID situation natin, pero tao rin silang napapapagod. Kaya ipinagdarasal natin sila.

GORGY RULA

Pati itong pag-quarantine ni Mayor Vico ay hindi rin pinalagpas ng ilang grupo ng AlDub fans para gamitin sa pamba-bash sa ama niyang si Vic Sotto.

Pinagdiskitahan din nila si Bossing Vic dahil sa pagpayag nitong mag-guest si Arjo Atayde sa Daddy’s Gurl.

Sinabi pa ni Bossing Vic sa aming interview na nakikita niyang nagmamahalan sina Maine at Arjo, at nakikita niyang masaya sila sa kanilang relasyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kaya nang napabalita itong pagpanaw ng driver ni Mayor Vico at ang pagsisimula ng quarantine ng alkalde ng Pasig City, may mga negatibong komento ang "true-blooded AlDub fans" na isunod na raw ang ama ni Mayor Vico na si Vic Sotto.

Hindi ito pinansin ng kampo ni Bossing Vic, pero ganoon kanega itong ilang fanatics ng AlDub na hindi pa rin nagigising sa katotohanang hanggang magkaibigan at magkatrabaho lang sina Maine at Alden.

Pati iba pang Dabarkads gaya nina Paolo Ballesteros, Wally Bayola, at Jose Manalo ay idinadamay nila sa bashing. Tigilan na sana ang kanegahan ng mga taong ito.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nasa huling gabi na ng kanyang 14-day quarantine si Pasig City Mayor Vico Sotto ngayong March 23. Ito ay sa kabila ng negatibo ang resulta ng kanyang COVID test.
PHOTO/S: Mayor Vico Sotto Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results