Dennis Padilla, 12 days naospital dahil sa COVID-19; halos gabi-gabing kausap si Julia Barretto at ibang mga anak

by PEP Troika
Apr 14, 2021
Dennis Padilla, naospital ng 12 days dahil dinapuan ng COVID-19. Malaking bagay raw na halos araw-araw niyang ka-video call si Julia Barretto at ibang mga anak. Sabi naman ni Dennis sa relasyong Julia at Gerald Anderson, "Natutuwa naman ako dahil merong nagmamahal sa anak ko."
PHOTO/S: @dennisastig Instagram

GORGY RULA

Naniniwala ang komedyanteng si Dennis Padilla na malaki ang naitulong ng dasal ng mga anak niya para gumaling siya sa COVID-19.

Ang buong akala ng aktor, katapusan na niya nang na-confine siya sa hospital dahil medyo naging malubha ang kalagayan niya.

Pero sa patuloy na pagdarasal ng kanyang mga anak, alam niyang pinakinggan ito ng Diyos.

"Talagang nung first, second, third day [sa hospital] kasi tinataas ko lang yung kamay ko. Sabi ko, ‘Lord, hindi ko alam kung ito na yun.’

"Sabi ko lang sa Kanya, 'Sana mapagbigyan mo pa ako ng isa pang pagkakataon, kasi maliliit pa yung mga anak ko. Sana, You can give me another chance for life,'" pahayag ni Dennis.

Nakapanayam namin si Dennis sa DZRH nung Martes, April 13 ng gabi, para sa promo ng Kung Puwede Lang The Rantserye, na mapapanood na sa Vivamax ang unang dalawang episodes.

Nang mga sumunod na araw ay nakausap na raw ni Dennis sa telepono ang pamilya niya.

Continue reading below ↓

Nagbi-video chat daw sila minsan ng mga anak niya.

Ilang beses din daw niyang nakausap si Julia Barretto. Sinasabi raw nito sa kanyang araw-araw silang nagdadasal na malalagpasan niya itong hirap na pinagdaanan niya dahil sa COVID-19.

Lahad ni Dennis ukol sa pag-uusap nila ng anak na si Julia: "Halos every night ko sila nakakausap. She was telling na all of them are praying hard for me.

"Ang paniwala ko, mukhang pinakamalakas na pakinggan ng Panginoon yung mga dasal ng mga anak ko.

"They were praying for their father. They were praying for my recovery.

"They were praying na mawala na lahat yung infection ko sa lungs."

Labindalawang (12) araw raw na nasa hospital si Dennis at malaki ang pasasalamat niya sa Diyos na gumaling siya, at negative na siya ngayon.

Nang nakausap namin siya nung Martes ng gabi, nagpapalakas pa raw siya sa kanyang tahanan, dahil pinaghahandaan na ni Dennis ang pagbabalik niya sa taping sa GMA-7.

Continue reading below ↓

JERRY OLEA

Sabi ni Dennis, hindi pa nila gaanong napag-uusapan ni Julia ang tungkol sa pagiging open na ng relasyon nito with Gerald Anderson.

Bilang ama, nandiyan ang suporta niya kay Julia basta kung saan masaya ang kanyang anak.

Sabi ni Dennis: "Natutuwa naman ako dahil merong nagmamahal sa anak ko.

"Ako naman, kung saan masaya ang anak ko, dun ako nakasuporta.

"And nung may mga panahon na nakapagsalita ako ng maaanghang, e, natural lang yun sa isang tatay.

"Nabigla lang ako dahil siyempre tatay ako, e.

"Kung ano man yun, kalimutan na lang natin at…"

Hindi na nagsalita pa si Dennis sa kung anumang tampuhan nila ni Julia noon.

Giit ni Dennis, "Basta, ang importante sa akin, kung saan masaya si Julia, at saka nasa hustong edad na sila kaya hindi tayo pwedeng makialam.

"Kung saan siya masaya, dun na rin ako."

NOEL FERRER

Mabuti na lang at nalampasan ni Dennis ang ganitong ordeal sa buhay niya.

Continue reading below ↓

Hindi ko ma-imagine kung gaano kahirap yung prosesong "hemoperfusion," na sabi ni Dennis ay kasinselan at hirap ng dialysis which has to be performed on him for four times.

Ang hemoperfusion ay medical procedure para linisin ang dugo at ginagamit itong supportive treatment para sa COVID-19.

Hindi rin madali at murang magkasakit.

Umabot daw ng PHP200,000 ang charge sa hemoperfusion treatment, dahil halos PHP50,000 ang bayad nito kada session.

Wala pa riyan ang mga mahal na gamot na ang sabi ni Dennis ay malalakas na antibiotics.

Iba pa ang hospital at doctors’ fees.

Buti na lang nalampasan ni Dennis nang maayos ang pagsubok na ito.

Paano kaya ang mga kababayan nating hindi kasimpalad ni Dennis, di ba? Nakakaawa.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Dennis Padilla, naospital ng 12 days dahil dinapuan ng COVID-19. Malaking bagay raw na halos araw-araw niyang ka-video call si Julia Barretto at ibang mga anak. Sabi naman ni Dennis sa relasyong Julia at Gerald Anderson, "Natutuwa naman ako dahil merong nagmamahal sa anak ko."
PHOTO/S: @dennisastig Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results