Sanya Lopez, lapitin ng mga lalaking Gabriel ang pangalan; Bong Revilla, carry pa rin ang action scenes

by PEP Troika
Apr 23, 2021
Sanya Lopez on working with veteran actors like Senator Bong Revilla: "Ang professionalism po talaga,” pakli ni Sanya.“Iba ang disiplina nila, e. Nakakahiya kung hindi mo sila sasabayan."
PHOTO/S: Facebook

JERRY OLEA

Nagkataon lang siguro, pero inilapit ng tadhana si Sanya Lopez sa mga “Gabriel.”

Na-link before si Sanya sa actor-model na si Gab Lagman, na ang totoong pangalan ay Gabriel Paolo Lagman.

Pumalit si Sanya kay Marian Rivera (host ng Tadhana) bilang bida sa primetime series na First Yaya.

Ang leading man niya rito ay si Gabby Concepcion, na ang totoong pangalan ay Gabriel Concepcion.

Kinuha si Sanya na leading lady ni Senator Bong Revilla sa comeback project nito, ang action-fantasy series na Agimat ng Agila.

Ang pangalan ng karakter ni Senator Bong sa nasabing weekly series na magpi-premiere sa Mayo 1 ay Gabriel Labrador.

Puring-puri si Sanya ng direktor ng Agimat ng Agila na si Rico Gutierrez. Ani Direk Rico, sobrang professional si Sanya at magaling umarte.

“Alam agad ni Sanya ang mga linya niya. Perfectionist. Madaling katrabaho,” sabi ni Direk Rico nang makausap namin noong Pebrero 12, Biyernes, sa isang intimate Chinese New Year celebration.

Continue reading below ↓

Agimat ng Agila director Rico Gutierrez

Direk Rico Gutierrez

Kumusta ang tambalan nina Sanya at Senator Bong?

“Iyong relationship nila, parang rom-com. Ano ba ang tamang term doon? Para silang... nag-iinisan,” napangiting sambit ni Direk Rico.

“Para silang... nag-aasaran. Parang ganun.”

Nakadalawang araw na silang taping bago idineklara ang community quarantine sa Kamaynilaan noong Marso 15, 2020.

Continue reading below ↓

Naudlot siyempre ang taping nila noon. Nobyembre 2020 na nang mag-lock-in taping sila sa Tanay, Rizal for 13 days.

“Medyo inulan lang kami sa Tanay. Medyo may bagyo. So, doon kami medyo nahirapan. Pero nakapag-adjust naman kami kaagad,” kuwento pa ni Direk Rico.

“Iyong ibang eksena na dapat nasa labas, trinanspose na lang sa loob, pero OK pa rin naman.

“But we also waited. Pag kailangan talaga ng eksena na walang ulan, hindi talaga kami magsu-shoot.”

Aminado si Direk Rico na matagal at mabusisi ang post production ng Agimat ng Agila dahil sa special effects.

“Ang hirap din kasi dahil action, and at the same time, fantasy. So, kung may fight choreography ka, iisipin mo pa rin kung saan iyong effects, di ba?” lahad ni Direk Rico.

“So, medyo mahirap.”

Maliban kina Senator Bong at Sanya, nasa cast ng Agimat ng Agila sina Sheryl Cruz, Roi Vinzon, Benjie Paras, Allen Dizon, Michelle Dee, Elizabeth Oropesa, Edgar Allan “EA” Guzman, Miggs Cuaderno, Ian Ignacio, at Yuan Francisco.

Continue reading below ↓

NOEL FERRER

So, Gabriel is in talaga!

Gagampanan ni Bong sa action-fantasy series na Agimat ng Agila ang karakter ni Major Gabriel Labrador, ang bagong tagapagligtas laban sa kasamaan matapos mabiyayaan ng kapangyarihan.

“Iyong pagkakadirek dito ni Direk Rico Gutierrez, pelikula ang pagkakagawa. Hindi siya pan-TV,” sambit ni Bong.

“Pelikula ang pagkakagawa, even the cinematography, the effects, everything. Even the bigness.

“Pag pinanood mo siya, hindi siya TV. Pelikula.”

Sabi ni Direk Rico, maliksi pa ring kumilos si Bong. Kering-keri pa rin ng 54-anyos na actor-politician ang maaaksyong eksena.

Ani Bong, “I know I can still do it. Batak naman ako kahit naman nasa Crame ako, I always work out. Nagte-training ako ng boxing, lahat, nagba-badminton ako.

“So, noong ginawa ko itong Agimat ng Agila, hindi rin ako nagbago. Kumbaga, ganoon pa rin.

“Siyempre, ang nagbabago lang talaga, iyong numero ng edad ko, di ba? You’re aging. Kahit anong sabihin mo, tumatanda ka na.

Continue reading below ↓

“Sometimes, ahh, ‘Tumatanda na ba ako?’ You have to accept pero... hindi, kaya pa ‘yan!”

Kumusta na iyong sa likod niya, sa lumbar?

“Sa lumbar 4 and 5 ko, dati pa iyan. Dahil sa mga stunts-stunts na ginagawa ko dati,” sabi ni Bong.

“Nakuha ko ‘yon sa maling training. Iyong mga sipa ko na kulang sa stretching.

“Nakakasipa pa rin naman ako nang mataas, e. Pero kapag mali ang training, tapos, pinagbuhat ka rin ng mali... ayun, napuwersa.

“Gagaling din ‘yon in one month, or two months... Siyempre, pag nagkakaedad ka, doon ka naman sisingilin niyan, di ba? Pero OK pa rin.”

Tungkol kay Sanya, ang sabi ni Bong, “She’s a very good actress. Sa tingin ko, meron kaming chemistry together... on screen, on cam.”

Nailang ba si Sanya sa intimate, o kissing scene nila, kung meron man?

“Ako yung nailang, e. Pero siya, relaxed... Siyempre, kaeksena mo, bata. 'Tapos, hahalikan mo. Ba’t mo hinalikan? Hinalikan mo siya dahil may pulis?! Ha! Ha! Ha! Ha!”

Continue reading below ↓

As for Sanya, kaninong Gabriel kaya siya pinakanahumaling? Sino kaya ang nagmistulang Archangel Gabriel sa kanyang mga hombre?

Ang hirap siguro talagang pangatawanan sa part ni Sanya na maging NO BOYFRIEND SINCE BIRTH, ha?!

Parang diyan mo naungusan si Sanya, di ba, Gorgy?

GORGY RULA

Curious na nga ang karamihan kung paano pa magkaka-boyfriend si Sanya dahil sa dami ng ginagawa niya.

Isang buwan yata siyang mala-lock-in sa taping ng First Yaya, at kasabay pa nito ang pagpu-promote niya ng Agimat ng Agila.

Pero bilang natatambal siya sa mas matured actors na malaki ang agwat sa kanyang edad, posible rin kayang ma-in love si Sanya sa matured men kung kasintikas sila nina Senator Bong at Gabby?

“Hindi ko naman po sinasarado ang possibility na magka-BF ng mas older sa akin. Kasi, di naman po natin masasabi kung sino ang ibibigay sa atin ng tadhana,” sagot ni Sanya sa tanong ipinadala namin sa Kapuso PR Girl.

Continue reading below ↓

Ang maganda lang ngayong napa-partner siya sa veteran actors, ang dami niyang natutunan na nagagamit niya bilang aktres.

“Ang professionalism po talaga,” pakli ni Sanya.“Iba ang disiplina nila, e. Nakakahiya kung hindi mo sila sasabayan.

“Hindi sila nali-late. Prepared sila lagi, at ang gagaling po nila kaya nakaka-inspire po silang katrabaho.”

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sanya Lopez on working with veteran actors like Senator Bong Revilla: "Ang professionalism po talaga,” pakli ni Sanya.“Iba ang disiplina nila, e. Nakakahiya kung hindi mo sila sasabayan."
PHOTO/S: Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results