PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Gigo de Guzman emotional of dismissal of Dacera case

Gigo: "Sana nakita niya ito para nakakalma siya at hindi siya nag-aalala sa akin."
by PEP Troika
Published Apr 28, 2021
Gigo de Guzman on moving on and forgiving: “Kung sisihin man natin ang isang trahedya dahil sa kung sino sino man, kahit wala naman talagang may kasalanan, mahihirapan lang tayo, di ba? So, wala na talagang masisisi sa pagpanaw ng nanay ko o sa kung ano man ito, isipin lang po natin, kailangang magpatawad."

GORGY RULA

Emotional si Gigo de Guzman nang nakapanayam namin sa aming programa sa DZRH nitong Martes ng gabi, Abril 27, dahil sa pangungulila sa kanyang inang si Claire dela Fuente.

Kung buhay lang daw sana ang mama niya, tiyak na isa ito sa masaya sa desisyon ng Makati Prosecutor’s Office na ibasura ang rape with homicide case na isinampa laban sa kanya at sa sampu pa niyang kasama kaugnay ng pagkamatay ng flight attendant na si Christine Dacera.

Sabi ni Gigo, “Matagal na po naming alam na inosente kami. Pero yung narinig po namin yun, napaiyak po kami.

"Kasi, limang buwan po naming pinagtatrabahuan ‘yan, pinaglaban, tinitiis ang bashing, lahat po.

“Pati na rin po ang pagpanaw ng nanay ko, kailangan naming pagdaanan.

“So, naging emotional po kaming lahat. At least, nakahinga na po kami. Kasi hindi pa po tapos iyung istorya, e.”

Isinama raw ni Gigo sa kanyang dasal ang bulong sa namayapa niyang ina na, at least, nalagpasan na nila ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Ma, we did it!” bulong daw niya sa kanyang ina.

“Sana nakita niya ito para nakakalma siya at hindi siya nag-aalala sa akin,” dagdag niyang pahayag.

Kung maaari lang daw ay ayaw na sana niyang idamay pa sa usaping ito si Claire dahil ayaw niyang maging bahagi pa ito sa legacy ng kanyang ina.

“Ayoko rin po kasi na ito ang maging legacy niya. So, I don’t want her to be involved on this po.

“Pero siyempre po, I wish na nandun din siya, kasama ako,” pakli ni Gigo.

Ang ina raw niya kasi ang talagang nagbibigay ng lakas sa kanya noon. At ngayong wala na ito, kailangan daw niyang ipagpatuloy ang laban.

“Dati po kasi, sa nanay ko. Pero ngayon, parang… pinaghirapan niya ‘to at feeling ko lang po, appropriate na tapusin ko ‘to para sa kanya,” saad pa ni Gigo.

Mayroon pa silang hinaharap na isa pang kaso sa imbestigasyon ng NBI, at nag-file din daw sila ng counter-complaint laban sa ina ni Cristine Dacera at sa ilang kapulisan. Hindi lang daw niya maalala kung sino pa ang involved.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero kahit sobrang apektado na sila at nahihirapan sa pinagdadaanan nila, nakapagpatawad na raw siya dahil bahagi na rin ito ng pag-move on.

“Kasi, para na rin po yun sa akin, e. Kasi, naisip ko rin po, wala pong naidudulot na maganda yun… di ba?

“Kung sisihin man natin ang isang trahedya dahil sa kung sino sino man, kahit wala naman talagang may kasalanan, mahihirapan lang tayo, di ba?

“So, wala na talagang masisisi sa pagpanaw ng nanay ko o sa kung ano man ito, isipin lang po natin, kailangang magpatawad.

“Kahit gaano kahirap, kahit gaano kabigat ng naranasan namin, yun na lang talaga ang gawin namin para sa sarili namin,” lumuluhang pahayag ni Gigo.

JERRY OLEA

Dalawa na lang sila ngayon ng kapatid niyang si Mickey sa bahay. Kailangan nilang harapin ang pagdadalamhating ito.

Mabuti at nandiyan ang mga kaibigan nila, mga close friends ng mama niya kagaya nina Imelda Papin at Eva Eugenio na every other day ay tinatawagan daw sila para kumustahin.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Tinatawagan po kami every other day para bantayan kami. Close naman po kami talaga,” lahad ni Gigo.

“Medyo tahimik sa bahay. Ayusin lang po namin ang bahay para maayos. Dun lang kami nakatutok na ayusin ang bahay.

“Marami pong nagpapadala ng mensahe, ng support, ng pagmamahal. At least meron pong mga nagmamahal.

“Every day po, at least nakaka-smile kami. So, sapat na po yun. Step by step po namin gagawin‘yun.”

Ano ang nararamdaman o masasabi niyang nawalan na siya ng kaibigan (Christine Dacera), nawalan pa siya ng ina sa pangyayaring ito.

“Hindi ko po alam. Ano po ba ang dapat nating sabihin dun, di ba?” napaluhang muling tugon ni Gigo.

“Alam po namin yun. Ang masasabi namin… e, bakit? Sinubukan ko lang naman pong tumulong.

“Nagdadasal na lang po ako ng lakas para maharap ko po ito lahat.”

Araw-araw ay nakakatanggap si Gigo ng message of support mula sa mga taong hindi niya kilala. Ano ang message niya para sa kanila?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Thank you po. Hindi ko po talaga kaya to kung wala ‘to, yung pagmamahal ninyo. Yung suporta ninyo po, kahit ang mensahe ninyo po araw-araw,” patuloy sa pagluha si Gigo.

“Naniwala kayo na inosente kami.”

Tatapusin lang daw niya itong mga kaso saka siya maghahanap ng trabaho.

“Kahit paano, nakakakain naman po sa araw-araw. Pero ita-try ko po... Yun po ang hinihintay namin, yung resolution.

“Kasi, pending pa po, meron pa pong hinaharap na kaso, e.”

NOEL FERRER

Grabe at nakakaiyak ang pinagdaanan ni Gigo at ng pamilya niya. Mabuti naman at na-dismiss na ang kaso.

Pero nasa balita ngayong iaapela pa raw ng pamilya ni Christina ang desisyon, at nahaharap pa rin sa ibang kaso ang grupo nina Gigo.

Isang bangungot talaga ito na dapat namang matuldukan at matapos. Dahil katulad ng title ng kanta ni Mommy ni Gigo (na magandang inawit ni Zsa Zsa sa tribute sa ASAP), “Sayang....”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Talagang SAYANG ang panahong mabuhay nang mabigat at may mga kaso pa. Sana, palayain na natin ang ating sarili at ang ating kapwa sa ganitong pasanin.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Gigo de Guzman on moving on and forgiving: “Kung sisihin man natin ang isang trahedya dahil sa kung sino sino man, kahit wala naman talagang may kasalanan, mahihirapan lang tayo, di ba? So, wala na talagang masisisi sa pagpanaw ng nanay ko o sa kung ano man ito, isipin lang po natin, kailangang magpatawad."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results