PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Rabiya Mateo pasabog arrival outfit sa Miss Universe 2020

Rabiya Mateo, ibinahagi ang preparasyon para sa Miss Universe 2020.
by PEP Troika
Published May 5, 2021
POWER POSE FIT FOR A QUEEN: Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Matteo, nagpasiklab sa kanyang queenly outfit na gawa ni Francis Libiran at pasok sa color of the year.
PHOTO/S: @sevenbarretto of @studio7manila via @rabiyamateo Instagram

JERRY OLEA

Mahigit 100 fashion designers ang katuwang ni Rabiya Mateo sa kanyang journey sa Miss Universe 2020.

"Actually, in relation to my styling, we decided to really tap different designers all over the Philippines," pahayag ni Rabiya sa online mediacon nitong Mayo 5, Lunes ng umaga.

Nag-live at naka-post ang nasabing mediacon sa official Facebook page ng Miss Universe Philippines.

Si Aubrey Carampel ang nagtanong kay Rabiya kung game plan ba nitong i-showcase ang kulturang Pilipino sa kanyang mga gown at damit.

Pagpapatuloy ni Rabiya, "Actually, it’s been more than a hundred designers who really helped me in this journey—from Luzon, Visayas, and Mindanao.

"Can you imagine how crazy it is? And... we noticed that in the past few years, it’s been the textile, you know, the cloth that is being highlighted.

"And now we wanted to focus on the craftmanship, on the artistry of Filipino designers, that’s why I’d like to assure the pageant fans that they’re gonna see a lot of modern and stylish outfits that is about to come.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"The competition proper, it’s gonna start on May 6. And I’m very much excited for my arrival outfit," nakangiting lahad ni Rabiya.

Anu-ano pa ang kailangan niyang i-polish?

"As of the moment, I can say, it’s all about what’s gonna be my winning look," matamang sambit ng dalaga.

"So, we’ve been preparing and I really need to do it for myself. I’ve been practicing what shade to use, you know. If I’m gonna do my hair up or hair down.

"It’s a little polishing that is about to be done. And I’m confident. I’ve been supervised by the best of the best professionals in the industry."

Ang 69th Miss Universe ay ihahatid ng ABS-CBN nang live sa A2Z Channel 11 sa Mayo 17, Lunes ng 8:00-11:00 a.m., mula sa Seminole Hard Rock Hotel & Casino ng Hollywood, Florida, USA.

May same-day replay ito ng 10:30 p.m. sa A2Z. Mapapanood din ang replays nito sa cable via Kapamilya Channel at online via iWantTFC sa Mayo 23, Linggo ng 9:45 p.m. May replays din ang Miss Universe sa Metro Channel sa Mayo 24 (12:00 nn at 10:00 p.m.), Mayo 26 (5:00 p.m.), at Mayo 29 (8:30 a.m.).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

GORGY RULA

Kahit sa TikTok ay ang dami naming nakikitang updates sa nalalapit na Miss Universe 2020.

May isang staff ng Miss Universe na nagsasabing hindi fashion show itong international beauty competition. Hindi pagalingan sa rampahan kundi kung paano mo maipakita ang personality mo at maiparating ang iyong mensahe sa buong universe.

Hindi rin daw pagalingan ng English sa pagsagot kundi kung may substance ang lahat na sasabihin mo. At nakikita raw nila ito kay Rabiya.

Napapailing na lang daw ang coach ni Rabiya sa galing ng mga sagot niya.

Pero naniniwala ba kayo sa pasuwerte? Wala namang mawawala, at naniniwala rin diyan si Rabiya. Kaya meron din siyang pasuwerte o agimat na dala-dala niya sa kanyang laban sa Miss Universe 2020.

May usap-usapan kasi at hula na kung gusto mong manalo, dapat daw ay may dala-dala kang gamit mula sa mga nagwaging Miss Universe.

Puwedeng gamit mula kay Miss Gloria Diaz, o kay Margie Moran, o kay Pia Wurztbach, o kay Catriona Gray.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ani Rabiya, "So, ako talaga, hindi na ako nahiya, nag-message ako kay Pia. Sabi ko, 'Miss Pia, baka may something ka namang mapapahiram sa akin.'

"I mean, there’s nothing wrong about it, you know. I just wanna make sure the chance… at least, wala akong pinalalampas na pagkakataon.

"Miss Pia is so kind. Pinahiram niya sa akin ang earrings na ginamit niya during Miss Universe.

"So, yun ang parang agimat na dala-dala ko ngayon."

Malay nga natin, baka may suwerteng dala ang hikaw ni Pia at maipasa niya ito kay Rabiya. Sana talaga.

NOEL FERRER

Destiny ang pagiging Miss Universe. At hanga tayo kung paano pinaghahandaan at pinagsusumikapan ng mga kandidata ang timpalak.

Aabangan natin ito bilang pang-aliw sa atin.

But more than that, titingnan natin ang lawak ng kanilang pag-iisip at ang kanilang rootedness sa katotohanan ng kanilang bansa at ng buong mundo.

Kaya heto ang suggested final question ko sa lahat sa kanila: WHEN & HOW WILL WE GET OUT OF THIS ROT THAT THE PANDEMIC STARTED? HOW WILL WE DEAL WITH IT WHEN THE PROBLEMS, LIKE THE VIRUS, HAVE GREATLY MUTATED?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Think of the answer before the standard line na, "Thank you for that wonderful question..."

Mga PEPsters at ka-Troiks, paano ninyo sasagutin ito?

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
POWER POSE FIT FOR A QUEEN: Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Matteo, nagpasiklab sa kanyang queenly outfit na gawa ni Francis Libiran at pasok sa color of the year.
PHOTO/S: @sevenbarretto of @studio7manila via @rabiyamateo Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results