PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Mario Maurer, bet na "jowa" si Liza Soberano at "tropa" si Bea Alonzo

Thai actor Mario Maurer, sumabak sa "Jojowain o Totropahin Challenge."
by PEP Troika
Published May 12, 2021
Nang sumabak ang Thai actor na si Mario Maurer (gitna) sa "Jojowain o Totropahin Challenge," pinili niya si Liza Soberano (kaliwa) bilang "jowa" material habang si Bea Alonzo (kanan) ay puwede raw niyang maging "tropa." Nais daw ni Mario na maging leading lady si Bea kung mabibigyan ng pagkakataon.
PHOTO/S: @lizasoberano / @mario_mm38 / @beaalonzo

GORGY RULA

Ang saya ng Thai actor na si Mario Maurer nang isinalang ito sa virtual mediacon ng TNTCON 2021 ng TNT noong Martes, May 11, kasama ang dalawa pang Thai stars na sina Gulf Kanawut (ng Tharn Type 2019 BL series) at Nonkul Chanon (ng 2017 movie na Bad Genius).

Muling nagpasalamat si Mario sa patuloy na suporta sa kanya ng Pinoy fans.

Pagkatapos ng pandemya, sana ay makabalik daw siya ng bansa at gusto niyang makapagbakasyon sa Boracay.

Lalong natuwa si Mario nang nakarating sa kanyang isa sa fans niya ay ang kandidata natin sa Miss Universe 2020 na si Rabiya Mateo.

Kaya nagbigay siya ng mensahe para kay Rabiya.

Ani Mario, “I am very happy to know that she’s a fan of mine. And I’m happy to hear that, and I wish her good luck.”

Bukod kay Rabiya, bentang-benta rin ang mga Kapamilya actress na ginamit sa game para sa tatlong Thai actors.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ipinaliwanag sa kanila ang ibig sabihin ng "jowa" at "tropa" para sa "Jojowain o Totropahin" challenge, kung saan may babanggiting pangalan ng Pinay actress at sasabihin nila kung gusto nilang i-jowa o tropa lang.

Para kay Mario, pang-jowa si Liza Soberano at pang-tropa si Bea Alonzo.

Si Mario ay 32 years old, habang si Liza ay 23 at si Bea ay 33.

Puring-puri naman si Mario sa akting ni Bea.

One of the best actresses daw si Bea, at gusto niyang mag-guide ito sa kanya ng tamang acting kung makakagawa siya uli ng pelikula sa Pilipinas.

Ganundin ang gusto ni Gulf kina Liza at Bea, pang-tropa lang daw para sa kanya.

Pero ang cute na si Nonkul ay type daw niyang maging-jowa si Liza at tropa si Bea.

Nang ipinakita ang litrato ni Mimiyuh, pare-pareho ang sagot nilang tatlong pang-tropa para sa kanila.

JERRY OLEA

Kahit 32-anyos na si Mario Maurer ay pogilicious pa rin siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Love ng Pinoy fans si Mario lalo’t naka-partner niya si Erich Gonzales sa 2012 movie na Suddenly It’s Magic, kung saan kasama sa cast ang Dental Diva na si Kakai Bautista.

Memorable din sa atin ang erotic drama films ni Mario na Jan Dara the Beginning (2012) at Jan Dara: The Finale (2013).

Mas bet ko sa lipon ng Thai BL actors ang tambalang BrightWin ng 2gether: The Series (2020), at sequel nito na Still 2gether (2020), na parehong nasa Netflix.

Abang-abang din tayo siyempre sa 2gether: The Movie (2021). Nasa Netflix din ang dalawang season ng TharnType: The Series.

NOEL FERRER

Okay na okay ang ganitong mga launch na nagpapalawak ng community of endorsers sa performers from our Asian neighbors.

Pero ano itong mga lumalabas na pagtutol sa nangyari dahil sa namahala raw rito?

Totoo bang may naganap na “Toni Daya”?

May patunay ba sa naturang alegasyon at hindi simpleng pagmamaasim? Bakit tila kontrobersiyal ang event na ito?

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nang sumabak ang Thai actor na si Mario Maurer (gitna) sa "Jojowain o Totropahin Challenge," pinili niya si Liza Soberano (kaliwa) bilang "jowa" material habang si Bea Alonzo (kanan) ay puwede raw niyang maging "tropa." Nais daw ni Mario na maging leading lady si Bea kung mabibigyan ng pagkakataon.
PHOTO/S: @lizasoberano / @mario_mm38 / @beaalonzo
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results