Direk Joel Lamangan, bilib sa professionalism ni Paolo Gumabao sa frontal nudity

by PEP Troika
Jul 3, 2021
Direk Joel Lamangan on Lockdown lead star Paolo Gumabao: "Sabi ko, ‘Itong batang ito, parang mahusay ito!’ Tapos, nalaman ko pang anak siya ni Dennis. Ay! E, crush ko si Dennis Roldan noong araw."

JERRY OLEA

Nagkasundo agad si Direk Joel Lamangan at film producer na si Jojo Barron na si Paolo Gumabao ang perfect choice na magbida sa pelikulang Lockdown.

May mga ikinukonsidera na silang aktor na magbida sa nasabing project, pero minabuti nilang mag-casting call noong Agosto 2020 para mas maraming pagpilian.

Sa humigit-kumulang tatlumpo (30) na nag-audition, angat ang 22-anyos na si Paolo Gumabao.

“Naging artista ko na siya before, noong bagets pa siya, sa isang movie sa Regal. I know he can act,” sabi ni Direk Joel noong Hunyo 30, Miyerkules, sa Red Lantern restaurant ng Solaire Resort sa Parañaque City.

“Sabi ko, ‘Itong batang ito, parang mahusay ito!’ Tapos, nalaman ko pang anak siya ni Dennis. Ay! E, crush ko si Dennis Roldan noong araw.

“Kinausap ko siya, ‘Alam mo, Paolo, kung ano ang kailangan mong gawin? Magpapakita ka ng t*t* dito.’ ‘Walang problema, Direk.’

“Sabi ko pa, ‘Paolo, demanding ang role na ito. It’s not only for your acting, but you have to expose yourself to the entire world.’

"‘Alin, Direk?’ ‘Ang t*t* mo, makikita.’ ‘Lahat, Direk?’ ‘Oo, walang itatago.’

“Nag-isip siya nang konti, ‘Sige, Direk, kaya ko iyan,’ sabi niya.”

Ano ang nasa isip ni Direk Joel nang makita niya ang private part ni Paolo?

“Parang nakita ko si Dennis Roldan! Ha! Ha! Ha! Ha! Ha!” maharot na halakhak ng multi-awarded veteran director.

“Pero hindi ko ipinapahalata sa kanya, siyempre. Kunwari, very clinical, ganyan-ganyan-ganyan! Naiisip ko si Dennis Roldan…”

Inamin ba niya kay Paolo na crush niya ang ama nito?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Ay! Hindi ko inamin! Dyusko, mate-tense iyon. Magiging conscious. Kailangan, hindi siya conscious.”

Naidirek din ni Direk Joel ang half-brother ni Paolo na si Marco Gumabao sa pelikulang Hindi Tayo Pwede (2020). Hanggang butt exposure lang doon si Marco.

Mag-i-streaming ang pelikulang Lockdown sa Hulyo 23 sa KTX, Upstream, at RAD, dalawang araw bago ang birthday ni Paolo.

Nag-frontal din sa Lockdown sina Sean de Guzman, Kristian Allene, Neil Suarez, Dincent Lujero, at Jeff Carpio na gumanap bilang mga kasamahan ni Paolo na OSW (online sex worker).

Kuwento pa ni Direk Joel, “Mahusay si Paolo. Dyusko, may isang scene, iyong dumating silang lahat na Video Call Boys, nag-uusap sila na nakahubad, nagsusuot sila ng mga ano nila…

“Iyong unang take nun, parang hindi maganda ang mga nota. Sabi ni Paolo, ‘Direk, bigyan mo ako ng time at medyo ie-erect ko nang konti.’ Ha! Ha! Ha! Ha!

“So, sabi ko, ‘Sabihin mo lang sa aking kung ready na!’ Actor’s cue! Noong ready na…. ‘O, ready, action!’ Ay, oo nga!

“That’s how professional he is. Imagine, sasabihin… kasi, after ng first take, pinanood niya, ‘Direk, can I have a take 2?’ ‘Bakit?’ ‘Kasi, pangit, kailangan, medyo iganito natin nang konti.’

“‘May igaganda pa ba iyan?’ ‘Meron, Direk, sandali lang…’ O?! That’s how professional he is.”

Nag-trim pa ng pubic hair si Paolo bilang preparasyon sa mga eksenang wala itong saplot.

“Oo, professional talaga siya,” nakangiting pag-ayon ni Direk Joel.

“Naintindihan ko naman, di ba? Kaya sabi ko, ‘O, sige, sabihin mo lang kung kailan ka ready?’ Di ba?!”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Nasa cast din ng pelikula sina Max Eigenmann, Alan Paule, Ruby Ruiz, Jess Evardone, Paul Jake Paule, Mauro Salas, at Alexis Yasuda.

GORGY RULA

Sa totoo lang, ang daming eksena si Paolo sa Lockdown na kamukhang-kamukha niya ang amang si Dennis Roldan.

Parang noong panahon ng Salome (1981) at Bakit Bughaw ang Langit? (1981) ang hitsura ni Paolo. Hindi madi-deny na tatay niya si Dennis Roldan.

Magaling din si Paolo at puring-puri nga siya ni Quezon City Mayor Joy Belmonte na dumalo sa special screening ng pelikula nitong Hulyo 3, Sabado, sa Sine Pop, St. Mary St., Cubao, QC.

Pahayag ni Mayor Joy, "Eto ang kauna-unahang pelikulang napanood ko na talagang tumatalakay sa buhay ng panahon ng pandemya, at maayos siyang nailatag.

"It is a movie that talks reality, and for me tama lang, panahon na para bigyan naman ng ganitong pelikula sa mamamayang Pilipino para umunlad din ang pag-iisip.

“Hindi ang pangkaraniwang comedy, romance, etc. Kasi, kailangan din nating umunlad sa pag-iisip bilang mamamayan, and film is one way in which we can enrich ourselves and our persona.

“A well-told story about the realities of the times for me one of the best ways we can improve our soul as a Filipino people."

Sabi rin ni FDCP Chairperson Liza Diño-Seguerra, tiyak na iikot sa mga international film festivals ang pelikulang ito.

Meron na nga raw isa, sabi ni Direk Joel Lamangan.


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

(From left) Paolo Gumabao, QC Mayor Joy Belmonte, FDCP Chair Liza Diño-Seguerra, and producer Jojo Barron

NOEL FERRER

Ang okay sa pelikulang ito ay hindi ito naging oblivious sa pinagdadaanan nating pandemya, hindi katulad ng karamihan ng mga panoorin ngayon na deadma sa COVID, pa-cinematic beauty versus yung katotohanan.

Okey rin na naipakita ang breakdown ng mga institusyon: pamilya, komunidad, media, kapulisan, at maging ang lipunan.

Naipakita ng Lockdown ang tiwali at palpak na sistemang hindi maamin sa totoong buhay, bagkus, laging may palusot at dahilan.

Kudos to the most prolific director of the pandemic na si Direk Joel Lamangan.

Ngunit ang hindi dapat palampasin ng ating PEPsters ay ang cameo ng ating mahal na ka-Troika!!!

Aabangan ninyo iyan at huwag talagang pipikit o mamalikmata!!!

Napakamapangahas ng eksenang yun (na off sa tunay na buhay)!

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Direk Joel Lamangan on Lockdown lead star Paolo Gumabao: "Sabi ko, ‘Itong batang ito, parang mahusay ito!’ Tapos, nalaman ko pang anak siya ni Dennis. Ay! E, crush ko si Dennis Roldan noong araw."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results