GORGY RULA
Tila nagbabadya ng breakup ang matagal nang relasyon ng komedyanteng si Boobay at ng non-showbiz boyfriend niyang si Kent Resquir.
Nakabase sa Australia si Kent at ilang beses na siyang nagsu-surprise message sa ilang programa ng komedyante. Sinasabi rin noon ni Boobay na lalong tumitibay ang kanilang long-distance relationship.
Pero ano kaya ang nangyari sa kanilang dalawa?
Marami ang naintriga sa IG story ni Boobay noong Linggo, Hulyo 4, na may kuha siyang malungkot ang mukha at may caption na “freedom.”

May isa pa siyang post na “After 9 years…. [busts silhouetteand broken heart emoticons].”

Ayon sa ilang napagtanungan ng PEP Troika, baka nagkasawaan at bumigay na ang siyam na taon nilang relasyon. Wala naman daw silang pinag-awayan, at hindi rin alam ang tunay na dahilan.
Pero kinausap daw ni Kent si Boobay na gusto na nito ng laya. Maaaring iyon ang ibig sabihin ng comedian-TV host sa kanyang IG story.
Sabi naman ng iba, posibleng magkabalikan pa ang dalawa. Pero tingnan natin, kasi baka meron na raw iba si Kent sa Australia.
Ewan ko lang kung handa na si Boobay na pag-usapan ito sa programa niyang The Boobay and Tekla Show.
NOEL FERRER
Panahon ba ng breakup ngayon?
Malaki rin ang effect ng pandemya sa pinagdadanaan ng mga magkakarelasyon. Either magkakalapit talaga kayo, o masusubok at maghihiwalay.
Nalungkot din ako sa isiniwalat ni Ces Drilon na hiwalay na sila ng karelasyon niya of 13 years na si Ricky Carandang because they were “not as nurturing” katulad ng dati.
Iba talaga ang epekto ng pandemya. Kaya dapat malampasan natin ito sa lalong madaling panahon.
JERRY OLEA
Kung lungkut-lungkutan sina Boobay at Ces Drilon, nag-uumapaw naman ngayon ang kaligayahan sa puso ni Chad Kinis—na Richardson de la Cruz sa totoong buhay.
Hunyo 10 ibinandera ni Chad Kinis sa Facebook na “in a relationship with Nikko Alano Chua” ang kanyang status.

Hunyo 17 nag-post sa Facebook ang pogilicious model na si Nikko tungkol sa kanyang one and only, “…Babe, always remember that I am here for you no matter what happen. We will both hold each other’s hand as we go through our journey in life and cherish every laughter and moment that we’d be able to spend.
“There might be instances that we’ll fight but I will try my best to always understand you and make it more easier for us to be aight.
“Being a public figure could harm our relationship because there are so many negativities surrounding us both without even knowing but despite all of that we could do everything with the help of every positivities we have — which is our love for each other and from the people that’ll support and that’s supporting us.
“No one could ever destroy us. Specially that we have everything by the faith in God. You’re a Godsent, babe!
“I wanted to make every day of your year, decade and even century (if I am able to do so) extraordinary! I love you!”
Sa recent FB post ni Chad, nakalagay ang gift na ipinadala ng kanyang babe. Nakasulat sa card na kalakip ng gift, “To my babe, I love you to the moon and back! Get well soon my babe From your babe Nikko”
Sabi ni Chad sa FB post, “I love you babe @nikkoalanochua Thank you sa gift. Mukhang mapapabilis ang pag galing ko.”
Comment ni Nikko, “I love you babe. I miss yoou sobra.”
Reply ni Chad, “i love you too babe. Thank you for always making me feel loved. Miss u more.”
Use these Nike promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.
