Joem Bascon, "Sir Wil" pa rin ang tawag sa ama ni Meryll Soriano na si Willie Revillame

by PEP Troika
Jul 15, 2021
Joem Bascon on calling Meryll Soriano's dad Willie Revillame 'Sir Wil': “Ever since, yun talaga ang tawag ko, kahit makikita ko siya anywhere, Sir Wil talaga ang tawag ko. Nasanay na kasi ako na ganun ang tawag ko."
PHOTO/S: VivaMax / @planetumeboshi on Instagram

GORGY RULA

Hindi raw muna pinag-uusapan nina Joem Bascon at Meryll Soriano ang wedding plans. Pero nakikita ni Joem na doon na patutungo ang maganda nilang samahan.

Sa ngayon ay naka-focus daw sila sa pag-aalaga sa kanilang anak na si Guido. Ito ang magandang nagagawa ng pandemya dahil nagkaroon sila ng sapat na oras na matutukan ang kanilang anak.

“Ini-enjoy namin si Guido. Yung milestone, ini-enjoy namin yung paggapang niya, pagkain niya. I’m just happy na na-experience namin yun lahat.

“I’m sure, pag-uusapan namin yun sa darating na panahon. For now, we’re just enjoying yung nangyayari with us, especially na nandito na si Guido,” pahayag ni Joem nang nakapanayam namin sa aming radio program sa DZRH noong Hulyo 13, Martes.

Ang cute kasi ni baby Guido, at baliw na baliw sa kanya ang lolo nitong si Willie Revillame.

Ang saya raw nila ni Meryll kapag nakakadalaw sila kay Willie dahil nakikita nilang ang saya ng Wowowin host kapag hawak na ang apo.

Continue reading below ↓

Kuwento ni Joem, “Dumadalaw kami kay Sir Wil, lagi naming dinadala si Guido sa kanya.

“In passing, nakakamusta niya ako, nakukumusta niya kami. Gigil na gigil siya kay Guido.

“Ang saya ko lang na nakakapagbigay ligaya si Guido, hindi lang kay Sir Wil kundi sa family namin ni Meme [tawag niya kay Meryll], kay Ate Maria… kay Ms. Maricel [Soriano],”

Bakit "Sir Wil" pa rin ang tawag niya kay Willie? Hindi pa ba siya ready na tawaging Daddy o Papa ang ama ni Meryll?

“Hindi ko po alam, e. Kasi nasanay na akong Sir Wil talaga yung tawag ko sa kanya.

“Ever since, yun talaga ang tawag ko, kahit makikita ko siya anywhere, Sir Wil talaga ang tawag ko. Nasanay na kasi ako na ganun ang tawag ko.

“I don’t know kung kailan, hindi ko pa po masasabi ngayon,” medyo naaalangang sagot sa amin ng aktor.

Dagdag pa ni Joem, “Alam mo, pag nakikita ko si Sir Wil, nai-starstruck pa rin ako sa kanya, e. Alam mo yun?

Continue reading below ↓

"Talagang napakabait nung tao, ang dami nang nagawa, narating at natutulungan, at napakabait pa rin lalo na sa pamilya.”

Ano ang dream wedding niya para kay Meryll?

“Simple lang,” pakli ni Joem.

Parang mas type daw niya ng destination wedding.

“Pwedeng dito, pwede rin sa ibang bansa,” nakangiti niyang sagot.

NOEL FERRER

Masaya talaga ako at inaayos ng buhay ang lahat. Ang nakatadhana sa iyo, saan man magpasikut-sikot ang buhay ay mapapasaiyo rin.

Dahil kay Guido, selyado na ang pagmamahalan nina Joem at Meryll, na parehong magaling na aktor at mabuting kaibigan kaya we wish them all the best.

I’m sure, malaking factor si Guido para lalo pa silang magpursige para mas maging magaling, mabait at maayos sa lahat ng bagay.

Ang saya lang natin para sa kanila!

JERRY OLEA

Sa panahon ng pandemya na kailangan ang social distancing, maraming magkasintahan ang ipinagpaliban muna ang kasal.

Nagsara ang mga simbahan, maging ang maraming pagdarausan ng reception. Bawal lumabas!

Continue reading below ↓

Naiintindihan natin iyon—kaligtasan at kalusugan muna.

Nawala na rin ba sa uso ang prenup pictorial?

“Noong start ng pandemic last year, medyo talagang nagkahigpitan nang todo,” sabi ng beteranong Smartshot photographer-videographer na si Lito Genilo sa virtual tsikahan noong Hunyo 28.

“So, ang wedding industry, parang entertainment industry, pare-parehas tayong affected. So, walang masyadong naging trabaho.

“Pero nang medyo nag-tone down nang konti, at medyo nagkaroon ng chance na magkaroon ng mga photo shoot, in-allow na tayo ng IATF, so, tuloy pa rin.

“Because that is a part of the wedding contract, yung mga prenuptial. Hindi nga lang na-execute earlier, pero natuloy rin. Even iyong weddings, nagkaroon ng some changes, movement of dates. Mga ganoon.

“So, hanggang sa ngayon, tuluy-tuloy pa rin. Medyo gumaganda na, bumabalik na iyong wedding industry, pakonti-konti. Nagpi-pick up na muli.”

Required ba sa photography-videography na mag-RT-PCR (Reverse Transcription Polymerase Chain Reaction) test ang participants bago mag-shoot?

Continue reading below ↓

“Not all, but some of the clients, para talaga to make sure na everybody’s negative from Covid-19, talagang nag-a-allot sila ng budget for testing,” tugon ni Lito.

Nabakunahan na ang karamihang staff ni Lito. Sumasailalim pa rin ang mga ito sa RT-PCR test.

Ang pool of videographers ni Lito ay kayang mag-coverage ng lima o higit pang kasalan sa isang araw, depende sa requirements.

“Merong aerial videography, photo booth, same-day edit. Ngayon naman kasi, naka-package na talaga iyong same-day edit,” kuwento ni Lito.

“Dahil sa pandemic, biglang nag-adapt kami sa mga bagong kalakaran, gaya ng live streaming para sa mga hindi naka-attend.

“Akala ko, hindi namin kayang gawin ang live streaming. Nagulat ako, kaya pala namin. So, meron na rin kaming mga live streaming ngayon.

“Last year, medyo-medyo siya naging hot. Ngayon, medyo kasi lumuluwag na nga, kasi, may mga 50 percent na, na attendance sa mga wedding.

“Samantalang before, 8 to 10 persons lang. Ngayon, may nagti-30 na, nagpi-50 na. So, medyo na-lessen ang live streaming. Pero we still do live streaming during the wedding.”

Continue reading below ↓

Bawal lumabas ang senior citizens. Mahirap ding mag-travel ang mga nasa ibang lugar o bansa.

“Yeah, yeah, basically that is the idea sa live streaming, ‘no? Pero kung talagang magtuluy-tuloy at may extra budget, and then, merong requirement ang couple…

“So, we can do that. Until siguro matapos ang pandemic na iyan. Kasi, nauso na ang live streaming, e!

“And even ngayon, iyong mga physical meeting, mga face-to-face, nawala na rin. Via Zoom na rin pag nag-inquire ang couples ngayon.

“Dati, imi-meet ko pa ang mga iyan sa location, punta kayo ng Starbucks, doon kayo magmi-meeting. Ngayon, maraming bagong innovation,” lahad ni Lito.

Iyong mga kasalan nowadays, gaano kalaki, o kaliit?

Natawa nang bahagya si Lito, “Mixed ngayon. Meron talagang maliit. May na-experience kami na ang parents ng bride, hindi nakarating because mahigpit ang province.

“Kasi, meron silang mga quarantine for Covid. Overnight, kinakailangang bumalik. For example, sa Isabela, kinakailangang bumalik sila.

Continue reading below ↓

“Iyong wedding na nag-coverage kami last week, about 40 guests total. May isang wedding ako na sa sobrang laki ng venue, nag-80 guests na sila. Umabot pa yata ng 100 ang um-attend.

“Ang pinaka-small, six (6). Kasama na ang couple, pero hindi na kasama ang priest sa bilang. Meron ding eight (8), saka ten (10).”

Madalas na katuwang si Lito ng The Wedding Library na pinasimulan ni Winnie Natividad.

Bago ang pandemic, nag-o-organize ang The Wedding Library ng bridal fair tuwing Pebrero at Hunyo. Pebrero 2020 ang huling bridal fair na in-organize nila, bago ideklara ang community quarantine noong Marso 15, 2020.

“Actually, para sa May 2020 bridal fair, nakapag-shoot na kami ni Lito ng celebrity couple, hindi pa nagamit iyon dahil nag-lockdown na,” kuwento ni Ma’am Winnie.

“Hopefully, early next year, makapag-bridal fair na kami, kung maging OK na ang situation, kung mas marami nang na-vaccine, at mas mag-improve na ang situation.

Continue reading below ↓

“We’re targetting of course February again.”

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Joem Bascon on calling Meryll Soriano's dad Willie Revillame 'Sir Wil': “Ever since, yun talaga ang tawag ko, kahit makikita ko siya anywhere, Sir Wil talaga ang tawag ko. Nasanay na kasi ako na ganun ang tawag ko."
PHOTO/S: VivaMax / @planetumeboshi on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results