PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Paolo Gumabao, Cloe Bareto daring scenes trend on social media

Paolo, di gumamit ng prosthetics sa frontal nudity scene; Cloe, kumain ng...
by PEP Troika
Published Jul 24, 2021
Kung si Paolo Gumabao (kaliwa) ay walang kagatul-gatol na nagpakita ng kanyang private part sa Lockdown, si Cloe Bareto (kanan) naman ay ginawang "delicacy" ang ari ng kanyang co-star na si Marco Gomez sa Silab.

JERRY OLEA

Payanig ang huling linya ni Sharon Cuneta sa full trailer ng pelikulang Revirginized na nag-premiere noong Hulyo 4, 2021, “Ang laki ng t*t*!”


Swak na swak ang dialogue na iyon ni Mega sa shower scene ni Adam Demos sa Episode 3 (19:50) ng unang season ng Sex/Life.

Noong Hunyo 25 pa nag-premiere sa Netflix ang Sex/Life, at hanggang ngayon, ay kasama pa rin ito sa talaan ng “Top 10 in the Philippines Today.”


Sa Agosto 6 pa ang streaming ng Revirginized, na nagtatampok naman kina Marco Gumabao at Albert Martinez.

Noong Hulyo 9 nag-umpisang mag-streaming ang pelikulang Silab sa Vivamax. Nag-frontal dito ang mga baguhang sina Cloe Bareto at Marco Gomez.


Silab stars Marco Gomez, Cloe Bareto, and Jason Abalos

Pero ang pinag-uusapan ay ang huling eksena sa pelikula na reminiscent ng kontrobersiyal na In The Realm of the Senses (1976), na isinulat at idinirek ni Nagisa Oshima.

Sa eksena, nilason ni Cloe si Marco (Gomez, hindi Gumabao) hanggang mamatay. Kumuha ng patalim si Cloe at pinutol ang kalahati ng t*t* (prosthetic siyempre), at kinain.

Lumabas ng bahay si Cloe at naglakad sa dalampasigan habang ngumunguya, dumaloy ang dugo mula sa kanyang bibig, walang keber sa mga taong nakakasalubong niya, hanggang sa lumusong siya sa dagat.

Pinag-uusapan din ngayon sa socmed ang pelikulang Lockdown, na launching film ni Paolo Gumabao—nakababatang kapatid ni Marco Gumabao.

Nagkalat sa socmed ang screenshots at video clips ng mga eksenang naka-birthday suit si Paolo, maging ang co-actors na gumanap bilang iba pang video call boys. Kabilang dito sina Sean de Guzman, Neil Suarez, Kristian Allene, Dincent Lujero, at Jeff Carpio.


Iyong eksena na pina-pictorial ni Jim Pebanco si Paolo Gumabao kay Lee Santiago aka Black Ant Lensman ay nakatatlong take. Muntik na ngang mahimatay si Lee sa eksena na paikut-ikot si Paolo sa pagpo-pose.

Iyong locker room scene na nagbibihis si Paolo at iba pang video call boys matapos ang batibot contest ng kung sino ang unang magpapaagos ng lava ay nakadalawang take.

Iyong unang take kasi ay napansin ni Paolo sa monitor na mahimbing na natutulog si junjun. Nag-request si Paolo na ulitin ang eksena para medyo gising na ang kanyang alaga.

Nag-umpisa ang streaming ng Lockdown sa KTX, Upstream, RAD, at WeTV nitong Hulyo 23, Biyernes ng gabi, na kasagsagan ng ulan at baha.

Opo! Usap-usapan na umulan at bumaha ng t*t* sa Lockdown, at tila lindol na yumanig ito sa diwa ng mga nakapanood.

Bukas, Hulyo 25, ang ika-23 kaarawan ni Paolo Gumabao.

Ang Silab at Lockdown ay parehong idinirek ni Joel Lamangan.

NOEL FERRER

So, it’s a Joel Lamangan Festival of films na trending!

Kung sa Fan Girl, pinag-usapan ang prosthetic na hinaharap ni Paulo Avelino, dito sa Lockdown, tulad ng sa Anak Ng Macho Dancer, as is at walang kukurap sa frontal nudity ng mga gumanap.

Samantalang sa Silab naman ay may prosthetics sa final scene—kagaya sa Loretta (1994), kung saan pinutulan ni Ruffa Gutierrez si Gabby Concepcion; at sa Laro sa Baga (2000), kung saan tinangka ni Monique Wilson na putulan si Carlos Morales.

Lockdown and Anak ng Macho Dancer want to depict and expose exploitation lalo na sa kalagayan ngayon ng lipunan. But some viewers are asking kung, in doing so, hindi kaya sa process ay naging exploitative din ito?

Sa mga taong kasama sa produksiyon, wala namang nagrereklamo. So, ibig bang sabihin nito ay all good at tuluy-tuloy ang paggawa ng ganitong panoorin?

GORGY RULA

Malamang, kumikilos na ang mga pirata para sa pelikulang Lockdown na patuloy na tinatangkilik sa iba't ibang streaming apps, lalo na sa KTX.

Sana, makabawi muna ang producer na si Jojo Barron ng For the Love of Art (FLA) Films bago ito kumalat sa mga namimirata.

Eto na nga talaga ang labanan ngayon sa digital films. Sa gitna talaga ng Delta variant, baha at lindol, nagawa pang makipagpukpukan sa trending itong mga hubad nilang litrato.

Tingnan naman natin kung eepek ang Nerisa nina Aljur Abrenica at Cindy Miranda na, ayon sa aktor, nakisabay na rin siya sa daring actors.

Kasabay nito sa streaming ng Gameboys The Movie sa July 30, kung saan nagkalat na rin sa TikTok ang mga kilig-kiligan scenes nina Kokoy de Santos at Elijah Canlas.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kung si Paolo Gumabao (kaliwa) ay walang kagatul-gatol na nagpakita ng kanyang private part sa Lockdown, si Cloe Bareto (kanan) naman ay ginawang "delicacy" ang ari ng kanyang co-star na si Marco Gomez sa Silab.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results