PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Ping Medina, Abdul Raman, Joseph Laban call for cash donations

Financial help needed for rent payment, mother's illness, and COVID-19 bill.
by PEP Troika
Published Jul 26, 2021
Ping Medina (left) calls for financial help for rent payment, Abdul Raman (center) for his mother's sickness; and director Joseph Laban for his COVID-19 hospitalization.
PHOTO/S: Instagram / Facebook

GORGY RULA

Ilang kaibigan sa showbiz ang naka-chat ko ngayong umaga. Napag-usapan namin itong isyu ni Ping Medina, na halos namamalimos na online para mabayaran ang kanyang renta sa condo pagpasok ng buwan ng Agosto.

Nabanggit ni Ping ang pinasok niyang online sabong na ang dami na rin palang naloko. May ilang nasirang pagkakaibigan dahil sa natatakbuhang pera gawa nitong online sabong.

Dahil sa IG post na ito ni Ping, sana’y maawa sa kanya ang ilang TV executives at kunin siyang maging regular sa isang drama series.

Sa mga artista, itong regular show sa TV na lang ang puwede mong asahan para mabuhay ka sa panahon ng pandemya.

Ang karamihan, umaasa na lang sa kanilang YouTube channel, pero iba rin talaga kapag may regular kang drama series.

Kaya nagpapasalamat ang Kapuso actor na si Mike Tan dahil hindi siya pinababayaan ng GMA 7.

Nang nakatsikahan namin si Mike sa nakaraang virtual mediacon ng afternoon drama na Nagbabagang Luha, inamin niyang nai-stress siya kapag walang trabaho.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Iba na raw kasi ang buhay niya ngayong may asawa na siya at dalawang anak na kailangang pakainin at gastusan.

"Dati, mag-isa lang naman ang ginagastusan ko, ako lang, ang magulang ko lang. Kami lang magkakasama. Pero ngayon, ang dami na natin sa bahay, tapos lahat, parang kailangang gastusan.

"Before, parang ako lang, ang girlfriend ko na wife ko na ngayon. Yun lang," pakli ng Kapuso actor.

Patuloy niya, "Ang laking changes. Siyempre, nalimitahan na rin yung work because of the pandemic, tapos may mga quarantine pa ng ilang araw bago pumasok sa taping.

"Nandun pa yung fear habang nagtatrabaho ka na what if hindi namin alam na may isang nakapasok [na may COVID]," dagdag niyang pahayag.

Kahit may trabaho siya sa GMA-7, hindi pa rin daw maiwasang matakot dahil sa kalagayan natin ngayon na baka bigla na namang magdeklara ng lockdown gawa ng pagkalat ng Delta variant.

"It is also a stress kapag wala kang trabaho. Kasi, you always need to provide for them. Kailangan mong mag-ipon for your wife, for your kids. It’s not just about you anymore. Kailangan, may ipon, may na-invest iyung pera mo.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Tapos, eto pang baka ma-lockdown na naman tayo, na huwag naman sana. So, stop na naman yung buhay natin," napapangiti na lang niyang pahayag.

Nagpapasalamat si Mike na hindi siya hinahayaan ng GMA-7 na mawalan ng regular show kagaya nitong Nagbabagang Luha, na magsisimula na sa August 2.

JERRY OLEA

Marami sa showbiz ang naghihikahos at nangangailangan ng pagkakakitaan sa panahon ng pandemya.

Noong Hulyo 13 ay nanawagan ng tulong ang Kapuso young actor na si Abdul Raman sa social media para sa ina niyang na-stroke the day before.

Bumuhos ang tulong kay Abdul sa kanyang G-cash account.

Hulyo 16, inihayag ni Abdul sa Facebook (published as is), "Salamat po sa pag tuloy sa pag tulong, di na po tumatanggap Gcash ko at na exceed na po ang monthly limit na pwede ko po ireceive sa Metrobank ko na lang po, maraming salamat po."

Ipinost ni Abdul ang mga detalye ng kanyang bank account.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nagbenta rin siya ng painting at sapatos para sa hospital bills.

Hulyo 17, nakakapanlumo ang post ni Abdul sa FB dahil sa isang scammer:

"Hello everyone, meron po nag tatake advantage sa situation ko at ginagamit identity ko para mang scam ng mga tao, please po isa lang po ang bank ko at isa lang po ang Gcash ko, I will be posting a new QR later tho (Sa Tita Sam Balderama ko) dahil di na po tumatanggap ng pera Gcash ko since na exceed ki na po monthly allowed na pumapasok, anyway please be aware po na may mga posers that will use the tragedy for their own gain, thank you!"

Noong Hulyo 21 ay nag-update si Abdul (published as is):

"Hello po and maraming salamat po sa mga tumulong financially, sa prayers and sa pag spread po ng word, I am deeply grateful po wholeheartedly sa effort niyo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"para naman po iupdate kayo sa lagay ng mom ko right now, kaka tapos lang po ng another surgery niya this afternoon, ok naman po ang result.

"we are hoping po na tuloy-tuloy parin po ang pag dadasal sakanya, at sa mga willing po mag padala ng tulong kailangang-kailangan parin po namin ng tulong niyo at nasa ICU parin po siya, maraming salamat po."

Kasama si Abdul sa cast ng cultural drama series na Legal Wives, na magpa-pilot telecast ngayong Monday night sa GMA Telebabad.

NOEL FERRER

Noong isang araw, may panawagan ang Directors Guild of the Philippines Inc. (DGPI) para humingi ng tulong pampinansiyal para kay Joseph Laban.

Si Joseph ay director-writer ng mga indie films na Baconaua (2017), The Sister (2016), Nuwebe (2013), at Cuchera (2011). Co-producer siya ng Children’s Story at Tuos, at director ng GMA Current Affairs.

Sabi ng DGPI sa isang Facebook post: "Calling out to the film community for financial support as one of our fellow filmmaker, Joseph Laban, is in critical condition due to COVID-19.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"We humbly ask for your generosity to support his family for his hospitalization."

Ibayong ingat talaga ang kailangan nating lahat lalo pa’t sinasabing may nakaambang surge na naman dahil sa Delta variant.

Ano kaya ang aasahan nating solusyon dito? Meron pa kaya? Nasa SONA kaya mamaya?

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ping Medina (left) calls for financial help for rent payment, Abdul Raman (center) for his mother's sickness; and director Joseph Laban for his COVID-19 hospitalization.
PHOTO/S: Instagram / Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results