PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Dindi Pajares John Adajar PH bets in Miss & Mr Supranational 2021

Dindi Pajares walong araw lang ang preparasyon bago lumipad patungong Poland.
by PEP Troika
Published Jul 26, 2021
Kinoronahan si Dindi Pajares (left) bilang Miss Supranational 2021 matapos siyang manalo sa botohan ng mga kapwa Miss World Philippines candidates noong Hulyo 25. Si John Adajar (right) naman ang napili ng Miss World Philippines Organization na lumaban sa Mister Supranational 2021.
PHOTO/S: MWPO Facebook / @jeoutlawmma Instagram

GORGY RULA

Ipinakilala na ng Miss World Philippines Organization ang kandidatong lalaban sa Mr. and Miss Supranational 2021 na gaganapin sa Malopolska, Poland sa susunod na buwan.

Humarap sila sa ilang miyembro ng media sa Annabelle’s Restaurant sa Quezon City nitong Hulyo 26, Lunes ng hapon.

Ang taga-Bataan na flight attendant na si Dindi Pajares ang lalaban sa Miss Supranational 2021. Nakatakda siyang lumipad patungong Poland sa August 3, dahil sa August 21 na ang competition.

Si Dindi ang isa sa mga kandidata sa Miss World Philippines 2021 na lalaban sana noong Linggo, July 25, sa Okada Manila. Pero na-postpone ang koronasyon dahil sa desisyon ng IATF na ilagay sa GCQ with heightened restrictions ang buong NCR.

Kaya ang mga kandidata mismo ang nag-judge kung sino ang karapat-dapat isali sa Miss Supranational 2021 sa Poland.

Kinoronahan si Dindi bilang Miss Supranational Philippines 2021 noong July 25 sa Okada Manila Grand Ballroom.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sobrang tuwa ni Dindi dahil itong title na Miss Supranational ang talagang gusto niyang makuha.

“Sa totoo lang, before joining, I’m prepared already,” pakli ni Dindi.

Inihanda na raw niya ang requirements para makakuha ng Schengen visa. Magre-renew na lang daw siya dahil nag-expire na ang una niyang nakuhang visa.

"Before competing for Miss World Philippines, I already gathered all my supporting documents so that I can apply my Schengen visa immediately after winning.

"Kasi, nandoon na yung mindset ko, e. I’m aiming for this crown so kailangan kong i-prepare ang lahat na requirements like Schengen visa," dagdag niyang pahayag.

Bale walong araw na lang ang preparasyon niya, at marami pa raw siyang aasikasuhin.

"But of course may mga things na dapat mong i-prepare like yung mga national costume, because I cannot use my national costume in Miss World Philippines.

"So, we need to prepare another national costume that’s not representing anymore my province but representing our country.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"I’m gonna use my learnings in Miss World Philippines, and I’ll apply everything that I learned in Miss World Philippines in international pageant," sabi pa ni Dindi.

Kasama rin ni Dindi sa presscon si John Adajar, na napiling lalaban sa Mr. Supranational 2021.

Siya ang pinili ng MWPO na pinangunahan ng national director na si Arnold L. Vegafria.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Hindi raw sukat-akalain ni John na siya ang mapipili, pero kaagad din niyang tinanggap dahil panibagong challenge ito sa kanya bilang isang Mixed Martial Arts expert.

Naging two-time global MMA welterweight champion siya at sumasali pa rin siya sa URCC o Universal Reality Combat Championship.

Malaking tulong daw ang pagiging MMA expert niya sa pagsali sa Mister Supranational.

"Being a fighter, you should be disciplined. You have to be responsible, and you have to be fit," pakli ni John.

Nakatakda ang competition sa August 22 na gaganapin din sa Malopolska, Poland. Sa August 12 pa ang alis niya, at may sapat siyang panahon para maghanda.


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

JERRY OLEA

Si John Adajar na tinaguriang “The Outlaw” ay nanalong Ginoong Laguna noong 2014, at sumali rin siya sa Misters of Filipinas.

Taga-San Pablo City ang 30-anyos na si John, na mula sa pamilya ng mga pulitiko.

Balak niyang tumakbo bilang konsehal sa darating na eleksyon, bilang kapalit sa ate niya.

NOEL FERRER

Nilinaw ni Dindi na hindi siya nangampanya para siya ang piliin ng kapwa candidates bilang Miss Supranational Philippines 2021.

Tingin ni Dindi, kaya siya ang napili ay dahil sa pagiging ate-ate niya sa kapwa candidates. Isa kasi siya sa pinakamatanda sa mga kalahok sa Miss World Philippines 2021.

Siyanga pala, pitong titulo pa ang paglalabanan ng contestants sa pageant sa Agosto 8 sa Okada Manila.

Kabilang dito ang Miss World Philippines, Miss Eco Philippines, Miss Eco Teen Philippines, Reina Hispanoamericana Filipinas, Miss Multinational Philippines, Miss Philippines Tourism, at Miss Environment International Philippines.

HOT STORIES

Use these Nike promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kinoronahan si Dindi Pajares (left) bilang Miss Supranational 2021 matapos siyang manalo sa botohan ng mga kapwa Miss World Philippines candidates noong Hulyo 25. Si John Adajar (right) naman ang napili ng Miss World Philippines Organization na lumaban sa Mister Supranational 2021.
PHOTO/S: MWPO Facebook / @jeoutlawmma Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results