NOEL FERRER
Nagkausap na ang Olympic gold champion na si Hidilyn "Haidie" Diaz at negosyanteng si Manny V. Pangilinan ngayong Huwebes, Hulyo 29.
Si Manny ang avid supporter ni Hidilyn na nag-pledge ng PHP10 million na dagdag pabuya sa Pinay weightlifter.
Tumagal ng isang oras, mula 5:00 to 6:00 p.m., ang kanilang virtual call.
Malaki ang naitulong ni MVP kay Hidilyn lalo na sa training ng weightlifter noong kailangan nito talaga ng tulong sa Malaysia, at bago pa noon.
Nagbigay-pugay ang MVP group kay Hidilyn at iba ang turingan dito. May malasakit talaga ang kumpanya sa kanya, lalo pa’t sila rin ang nag-ayos ng Hidilyn Diaz Weightlifting Cup.
Itinanong ni MVP kay Hidilyn kung ano ang laman ng puso niya ngayon at kung ano ang kailangan niya.
Sa dinami-dami ng puwedeng sabihin at hilingin, nagpasalamat lang si Haidie sa lahat ng tulong ni MVP.
Nang piliting buksan ang puso niya, ang nasabi lang ni Haidie ay nami-miss niya ang kanyang pamilya na nasa Zamboanga. Gusto lang niyang makasama ang mga mahal sa buhay.
Plano ni Hidilyn na lumipad papuntang Zamboanga para sana sa birthday ng mama niya sa Agosto 7. Pero wala pa itong katiyakan dahil nasa brink tayo ng isang surge dahil sa Delta variant ng COVID-19.
Ano ang ginawa ni MVP?
"MVP is sponsoring her family’s trip and stay here in Metro Manila. She said kasi that it’s her family that she misses most," iyan ang text ni TV news head Luchi Cruz-Valdes na nasa meeting with MVP.
Hayyy... Good things happen to good people indeed. Ang simple talaga ng buhay nila na nakakamangha.
At grabe ang kurot sa puso ng sinabi ng nanay ni Haidie tungkol sa malaking pera at ari-ariang pabuya sa anak.
Sabi ng ina ni Hidilyn: "Hindi namin kailangan ng maraming pera at malaki o bagong bahay. Masaya na kami kung nasan kami ngayon. Nami-miss ko lang talaga ang anak ko."
Grabe, mga Ka-Troika, naiiyak akong isulat ito. Pinagpapala talaga ang mga mabubuting anak!
GORGY RULA
Nakikita naman kasi kay Hidilyn ang kasimplehan.
Ang dalangin niya ay makamit ang ginto, ibinigay sa kanya dahil sa pagpupursige at kasama ang taimtim na pagdarasal.
Ang susunod niyang hiling ay makasama ang buong pamilya.
Salamat sa karangalan at inspirasyong ibinahagi ni Hidilyn.
Salamat din kay Sir MVP sa patuloy niyang pagsuporta at paniniwala sa galing at talino ng mga Pinoy. Mabuhay po kayo!
JERRY OLEA
Nakapanayam ni Jessica Soho si Hidilyn kanina para sa episode ng Kapuso Mo, Jessica Soho (KMJS) sa Agosto 1, Linggo ng gabi, sa GMA-7.
Sa kalagitnaan ng virtual interview ni Jessica, naubusan ng load si Hidilyn. Natigil ang interbyu.
Nagkumahog ang Team HD. Hindi makalabas ng kuwarto si Hidilyn dahil sa quarantine.
Tinawagan ni Sir Noel Ferrer ang taga-Smart thru Luchi Cruz-Valdes, nagpasa-load sila.
At nang malaman iyon ni MVP, nagpadala agad-agad ito ng cellphone kay Hidilyn with SIM card, load, and the whole kit.
Use these Lazada vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.
