NOEL FERRER
Almost a week after winning the very first Olympic Gold Medal in weightlifting ng mahal nating si Hidilyn Diaz, mas napapahalagahan na ang kontribusyon ng Team HD—ang mga taong nakapaligid at nagsanay kay Haidie.
Nandiyan si Head Coach Gao Kaiwen, ang sports psychologist na si Ma’am Karen Trinidad, at ang nutritionist na si Ma’am Jeaneth Aro na pawang mahuhusay at mabubuting tao at mga team players na nakatulong nang malaki.
Siyempre, nandyan si Julius Irvin Hikaru Takamura Naranjo na siyang nagsilbing strength and conditioning coach ni Hidilyn.
Julius met Hidilyn at the 2017 Asian Indoors Martial Arts Games in Ashgabat, Turkmenistan where he competed in the 62kg weight category representing Guam.
Mukhang doon sila nagkamabutihan hanggang sa inimbitahan ni Haidie si Julius na pumunta ng Maynila.

Without anything concrete waiting for him here, tinulungan talaga ni Julius si Haidie, even sacrificing his own dreams.
Nandiyang isyuhan si Julius ng maraming tao. Na dapat daw pro bono siya at hindi dapat magpabayad sa serbisyo dahil boyfriend siya ni Haidie.
Buti na lang, nandyan ang MVP Sports Foundation na naintindihan ang sitwasyon at tumulong extensively sa buong Team HD.
Sa gitna ng maraming masasakit na salita at pagdududa at bashing na natanggap ni Julius sa napakaraming tao, heto ang pahayag niya sa aking Level Up program nitong Hulyo 30, Biyernes sa Radyo Katipunan.
Aniya, “Let me drink my coffee to that. It is what it is, no one will ever understand this journey unless you’ve been on it.
“And you know what, I don’t have to explain; but to be honest, despite that negativity, we reached that shining light, I was able to pull myself out of that abyss.
“I helped and worked so hard to get Haidie here now, and you know what, that is the most important thing to me.
“Everyone will always have something to say, but look, I or we might be doing something right, and if people are trying to find something negative to try to bring me or us down, let me drink my coffee to it, it’s not gonna work.”
JERRY OLEA
Laksa-laksa ang nam-bash kay Hidilyn matapos siyang “mamalimos” noong Hunyo 3, 2019 sa kanyang Instagram Stories.
Sapul na sapul noon si Julius, na kesyo ito ang makikinabang sa matatanggap na tulong ni Hidilyn.
Parang linta?!
Pero marunong ang Diyos. Nanaig ang kabutihan. Pinagpala sina Hidilyn, Julius, at ang Team HD.
Ipinost ni Hidilyn ang litrato ng Team HD ngayong Linggo ng umaga sa IG.
Sabi ni Hidilyn, “Sila ang tao behind my back. Sila ang support system ko since Nov. 2018. Sila ay naniwala sa kakayahan ko.
“Binigay nila kakayahan, talino, oras, nagtiis, nagintindi at bumalik kame sa WHY namin sa tuwing may misunderstanding ang team, yun ang Gold Medal para sa Pilipinas…”

Nagpasalamat si Hidilyn sa Philippine Sports Commission, Philippine Olympic Committee, Philippine Air Force, MVP Sports Foundation, at Alsons Power Group.
Pinasalamatan din siyempre ni Hidilyn ang prayer warriors, mga kaibigan, pamilya, co-athletes at supporters.
“Di ko kaya ito mag-isa, nanalo ako ng Gold Medal sa Olympics dahil nandiyan kayo,” saad pa ni Hidilyn.
Komento ni Julius, “Thank you for never giving up on me and believing in my abilities as a coach.
“Not a lot of people understood me and my intentions and you did despite everything we went through.
“Through God, we were able to be strong and overcome all our challenges. I’m proud of you, Hidilyn Diaz!”
Bumabaha ngayon ang cash prizes at iba pang incentives sa paanan ng Olympic gold medalist.
Dagsa ang kumukuha kay Hidilyn para maging product endorser.
Pakatandaan natin na noon pa man ay sumusuporta na ang Alaxan kay Hidilyn bilang mandirigmang atleta, kaya hayan at umeere ang kanyang patalastas sa Alaxan.
“Aaray pero di bibigay! Laban lang!”
Kabilang pa sa mga nagtitiwala kay Hidilyn bago pa siya nagkamit ng Olympic gold medal ay ang Manulife insurance at SUMMIT natural drinking water.
GORGY RULA
Bukod sa inspirasyon ni Hidilyn ang ating bansa at ang kanyang pamilya, malaking bagay itong lakas na ibinibigay ni Julius.
Nakakadagdag ng gana sa pag-ensayo kapag may pagmamahalan sa isa't isa.
Pero paano kaya pag may tampuhan sila?
Ang isa pa sa napansin ko sa mga nakaraang interview kay Hidilyn, lagi siyang tinatanong tungkol sa planong pagpapakasal nilang dalawa.
Hindi ba dapat si Julius ang sumagot niyan?
May balak na ba siyang mag-propose?
Samantala, abangan natin ang mga susunod na laban ni Nesthy Peticio, pati si EJ Obiena na nasa top 10 na ng Men's Pole Vault, at si Eumir Marcial na pasok na rin semis ng Men's Middleweight ng Boxing.
Sana, masundan ang suwerte ni Hidilyn.
