John Estrada, Derek Ramsay dinenay na nag-walkout si Ellen Adarna sa set ng John en Ellen

by PEP Troika
Aug 4, 2021
Paglilinaw ni John Estrada tungkol sa walkout issue sangkot ang John en Ellen co-star na si Ellen Adarna: "Hindi totoo nag-walkout…pack up na talaga siya nun." Nagbigay rin ng pahayag ang fiancé ni Ellen na si Derek Ramsay tungkol sa pagsundo niya kay Ellen noong araw na iyon.
PHOTO/S: @john_estrada / @ramsayderek07 Instagram

GORGY RULA

Hindi pa rin nagbibigay ng pahayag si Ellen Adarna tungkol sa napabalitang nag-walkout umano siya sa huling taping niya sa TV5 sitcom na John en Ellen.

Sa halip, si John Estrada na leading man niya at line producer ng naturang sitcom, at ang fiancé niyang si Derek Ramsay ang sumagot sa isyung ito.

Text ni John nang tinanong ito sa kanya ng PEP Troika: "Hindi totoo nag-walkout…pack up na talaga siya nun.

"Pero totoo na aalis na siya because priority niya ang anak niya at siyempre mag-aasawa na, so pamilya ang priority.

"Naintindihan naman namin.

"Aalis na siya sa show."

Nasa season two pa ngayon ang John en Ellen, at inaayos na raw ang season three nito. Naghahanap na raw sila ng ipapalit kay Ellen.

Sumagot naman kaagad si Derek nang tinawagan siya ng kasama ko sa DZRH na si Morly Alinio, para linawin ang isyung ito.

Ayon sa aktor, hindi niya alam ang tungkol sa walkout issue.

Continue reading below ↓

Ang pagkakaalam ni Derek, iyon daw talaga ang araw ng uwi ni Ellen kaya sinundo niya ito.

Ang usapan ay 12:00 noon talaga ang pack-up ni Ellen, at naghintay na lang siya dahil lumagpas pa ng alas-dose ng tanghali.

"Ang alam ko lang, binigyan siya ng 12 o’clock lunchtime… lumagpas pa nga ng lunch, tapos last eksena na niya, umuwi na siya.

"Ako pa nga ang nag-drive sa kanya pauwi," pagpapatotoo ni Derek.

May ilan pa kaming napagtanungan. Ayon sa kanila, ang unang usapan daw talaga ay isang season lang si Ellen sa show.

Pumayag daw itong kasama pa rin siya sa second season dahil kaibigan nila ni Derek ang producer ng sitcom, lalo na't si John ang line producer nito. Kaya maayos daw napag-usapang hindi na siya kasali sa season three.

NOEL FERRER

Mahirap talagang ilagay ang pangalan sa isang title ng show. Responsibilidad iyon na ipagpatuloy habang buhay pa ang programa.

Continue reading below ↓

At ngayong aalis na si Ellen, kailangang humanap sila ng bagong makakasama ni John Estrada.

Kung hindi na si Ellen Adarna, puwede kaya si Ellen Lising?

Kung hindi naman, parang John en Marsha… ibang babae na lang.. o baka naman open si John sa isang…BL?

Malay mo naman, di ba? Kung saan-saan na napunta ang usapang ito! Hahaha!

JERRY OLEA

Siyempre, paghahandaan na rin ni Ellen ang kasal nila ni Derek.

Kaya naiintindihan natin na nag-beg off na siya sa third season ng John en Ellen.

Kung anu’t ano man, gagawan na lang siguro ng paraan ang pag-alis ni Ellen sa nasabing sitcom.

Puwedeng may ibang “Ellen” na pumalit. Halimbawa, naaksidente kunwari si Ellen, na-disfigure ang mukha, at nagpa-plastic surgery. Di ba?!

HOT STORIES

Use these Nike promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Paglilinaw ni John Estrada tungkol sa walkout issue sangkot ang John en Ellen co-star na si Ellen Adarna: "Hindi totoo nag-walkout…pack up na talaga siya nun." Nagbigay rin ng pahayag ang fiancé ni Ellen na si Derek Ramsay tungkol sa pagsundo niya kay Ellen noong araw na iyon.
PHOTO/S: @john_estrada / @ramsayderek07 Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results