NOEL FERRER
Nakaalis na ang Olympic champ na si Hidilyn Diaz sa quarantine hotel niya. Nag-transfer na siya sa Resorts World Manila (RWM) bilang pagtanaw rin ng utang na loob.
Ang RWM ang nagbigay kay Haidie ng People of the Year recognition after ng kanyang silver medal sa Rio 2016 Olympics. Napakabait ng boss nilang sina Kingson Sian at Joee Guilas na namahala ng swift transfer today.
Tapos, same developer ng RWM na Megaworld ang magbibigay kay Hidilyn ng condo unit na titirhan nila sa Eastwood a week after today.
Espesyal itong pag-stay sa Sheraton Hotel dahil napakabait ng general manager nito, ang unang lady GM na Pilipina na si Anna Vergara, na siyang mag-aasikaso kay Hidilyn, coaches nito, at pamilya.
Opo, dumating na po ang mga magulang ni Haidie na sina Mr. Eduardo at Mrs. Emelita Diaz from Zamboanga.
Lumapag ang eroplano ng 5:40 p.m. sa NAIA Terminal 2, fully vaccinated at nag-swab test pa rin sa airport.
Safe na magdiriwang ang mag-anak ng birthday ng mama ni Hidilyn sa Sabado, August 7. Napakasaya at nakaka-touch na reunion ito!
JERRY OLEA
Wow! Kasama si Coach Julius Naranjo sa family picture! Ang saya-saya!!!
Kasama rin ni Hidilyn sa RWM ang Chinese coach na si Coach Gao at ang sports psychologist na si Dra. Karen Trinidad.
Susunod na lang ang nutrition coach ni Hidilyn na siya ring nag-aalaga kay Nesthy Petecio. Pabalik pa lang ang mga ito from Tokyo, Japan.
Siyanga pala, kaabang-abang ang tribute ng ASAP Natin ‘To kay Hidilyn sa Agosto 8, Linggo. World-class syempre ang performances na pagpupugay sa ating 1st Olympic gold medalist.
Naihabol ang taping ng tribute bago mag-strict lockdown!
GORGY RULA
Deserved ni Hidilyn itong mga biyayang tinatamasa niya ngayon.
Hintayin natin ang iba pang Pinoy athletes na may pasalubong ding medalya sa kanilang pagbabalik.
Sana hindi na ma-extend ang ECQ para mabigyan sila ng nararapat na hero's welcome.
Pagkatapos ng Olympics, ang isa pang hiling kay Hidilyn ay pangunahan niya ang pagsulong sa gobyerno na mabigyan ng maayos na trato ang ating mga atleta.
Tiyak na marami pa tayong mga atleta na mabigyan lang ng tamang pag-aalaga ay mai-inspire magpursigeng makakuha pa ng ginto sa susunod na Olympics, pati sa iba pang sports events.
Use these Lazada vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.
