GORGY RULA
Hindi kayang itago ni Derek Ramsay na talagang uminit ang ulo niya nang sabihag kaya hindi siya nagtatrabaho ay dahil mayaman naman siya.
Sinasabing may sapat siyang ipon, kaya nagagawa niyang tumanggi sa projects, at ganun din ang fiancée niyang si Ellen Adarna na nag-decide na hindi na muna magtrabaho.
Ayaw nang banggitin ni Derek kung sino ang nagsabi nito sa kanya, pero talagang nabastusan siya sa komentong iyon.
"Bastos yun, e. Hindi ko na sasabihin kung sino ang nagsabi sa akin nun. Pero dun talaga ako nagalit, kasi bastusan na yun, di ba?" sabi ng aktor.
Paliwanag pa niya, "Dun talaga ako napikon. Pikon na pikon talaga ako nun nang sinabihan ako ng ganun na, 'Porke’t ikaw, ang dami mong pera, ayaw mong magtrabaho.'
"Sino ba ang ayaw kumita ng pera? Magpapamilya kami, meron akong mga bills na kailangang bayaran. Gusto ko ba ‘tong pandemic na ‘to?
"Nobody wants this pandemic. A lot of us are sacrificing, including us, including her [Ellen].
"Everybody is affected by this, tapos sasabihan niyo ako ng ganun? Siyempre, gusto kong kumita."
Tumigil sandali si Derek dahil nagagalit na raw siya, at nais niyang kalmahin ang sarili.
"Okay! Kampante ako. I’m trying to calm down because ang magulang ko, pinalaki ako, binigyan ako ng education, and I can think of other ways para kumita, to survive. Lahat tayo, ginagawa ‘yan.
"Ang daming mga Pilipino diyan na sobrang galing. Di ba, nauso yung mga delivery service ng mga pagkain? People adapted.
"People became creative to find ways to get income, kasi hindi na sila pumapasok sa trabaho."
Inulit ni Derek na hindi niya ginusto ang pandemya, pero sana raw ay huwag masamain ang desisyon niyang huwag munang magtrabaho sa ngayon.
"So, ako, priority ko is, hindi ako magtatrabaho. Kasi, priority ko, buhay ko, pamilya ko.
"Hindi ko sinasabi na dapat gayahin nila ako.
"Para sabihin niyo sa amin na, 'Ah, wala kayong dalawa, may pera kayo kaya ganyan kayo. Tapos ang mga tao dito, ano sila? Mga bobo, kasi pinipili nilang magtrabaho?'"
Nagpanting daw talaga ang tenga ni Derek nang marinig niya ito sa di pinangalanang taong kausap niya.
"Saan nanggaling yun? Wala naman akong sinasabing ganun. Sabi ko lang, choice ko lang, ayokong magtrabaho dahil ayokong magkasakit.
"Ayokong magtrabaho, kasi ayokong magkasakit ako, mabigay ko sa magulang ko. Kung ano mangyari sa magulang ko, hindi ko mapapatawad ang sarili ko.
"It’s very insensitive for someone to say something like that," litanya ng aktor.
JERRY OLEA
Nag-decide sina Derek Ramsay at Ellen Adarna na huwag munang magpabakuna laban sa COVID-19.
Medyo hesitant pa raw sila. Kaya todo vitamins daw sila at exercise para hindi magkasakit.
Sabi ni Derek, tatlong beses na siyng -expose sa COVID-19 positive, awa ng Diyos, hindi siya nahawa. Kaya talagang nag-iingat sila.
"Hindi pa kami convinced with everything about it. But I don’t want to talk about it because that’s our decision, di ba? Hindi pa kami comfortable to get vaccinated," lahad ni Derek.
"That’s why we really, really work hard on boosting our immune system. Hindi naman kami masyadong lumalabas. Pero we always take our vitamins. We really invest in our vitamins."
Magpapabakuna kaya sina Derek at Ellen bago sila magpakasal?
Kung may guests sila sa wedding reception, kailangan bang bakunado ang mga ito? Dadaan sa swab testing at magku-quarantine muna?
Magkakaayos kaya sina Derek at John Estrada bago ang kasalan?
Well, ayaw ni John na magsalita sa isyung ito.
Pinapahupa muna siguro ni John ang ngitngit ni Derek.
NOEL FERRER
Nakakalungkot ang sinapit ng pagkakaibigan ni Derek sa taong diumano’y nakapagbigay ng pahayag na iyon sa kanya.
Kung end of friendship ang kahihinatnan nito, ang tanong ko, hindi ba ganun kalalim ang kanilang pinagsamahan para maisalba ito?
Baka nga hindi.
