GMA-7 kinilala ang talento ni Julie Anne San Jose sa Limitless musical trilogy

by PEP Troika
Aug 16, 2021
"Mabibilang lang sa mga daliri natin ang mga artist na katulad ni Julie na singer, dancer, actress, multi-instrumentalist, songwriter. Lahat na yata kayang gawin ni Julie…," says GMA Regional TV and Synergy First Vice President and Head Oliver Victor Amoros about "Limitless Star" title of Kapuso singer-actress Julie Anne San Jose.
PHOTO/S: @kapusoprgirl / @myjaps Instagram

GORGY RULA

Asia’s Limitless Star na ang bagong titulo kay Julie Anne San Jose, na kinilala dati bilang Asia’s Pop Sweetheart.

Sabi ng GMA Regional TV and Synergy First Vice President and Head Oliver Victor Amoroso, nababagay raw kay Julie Anne ang naturang titulo dahil limitless ang talent nito.

"It is just time and fitting that Julie will now be called the Limitless Star.

"Kagaya ng sinabi ko kanina, she’s truly a talented artist. Witness tayong lahat sa pinagdaanan ni Julie, at kung ano ang puwede pa niyang ma-offer.

"Mabibilang lang sa mga daliri natin ang mga artist na katulad ni Julie na singer, dancer, actress, multi-instrumentalist, songwriter.

"Lahat na yata kayang gawin ni Julie… And dito nga sa Limitless, sa trilogy, ginawa lahat ito para kay Julie.

"Dun mo makikita kung bakit napaka-appropriate na tawagin siyang the Limitless Star,” pahayag ni Mr. Oli Amoroso sa virtual mediacon ng musical trilogy ni Julie Anne na Limitless.

Continue reading below ↓

Ang Limitless ay virtual musical offering na hati sa tatlong installments.

Mapapanood sa September 17 ang unang leg ng musical trilogy na ito ni Julie Anne na kinunan pa sa Mindanao. "Breathe" ang title nito.

Ayaw lang idetalye ng Limitless Star kung may collaboration ang artists sa Mindanao, basta maganda raw ang ginawa nila rito na idinirek ni Paolo Valenciano.

Special guest ni Julie rito si Christian Bautista at ang The Clash alumnus na si Jong Madaliday na taga-Cotabato.

Ang susunod na leg ay "Heal" ang title na sa Visayas naman, at ang pangatlo ay "Rise" na sa Luzon ang location.

Agree si Julie Anne sa sinabi ko sa kanyang relatable sa buhay niya ang tatlong title nitong musical triology niya. Lalo na sa "Heal" dahil matindi rin ang pinagdaanan niya para mag-heal sa lahat ng challenges na pinagdaanan niya, lalo na sa kanyang love life.

Pero siyempre, sa pag-"Rise" ni Julie Anne ay handa raw siyang ma-in love uli. Limitless pa rin kaya ang ibibigay niyang pagmamahal at atensiyon sa future boyfriend?

Continue reading below ↓

"Pag dumating yung araw na ma-in love ako ulit… hindi ko alam, e. Of course, kasi pag nagmahal ka sa isang tao, kailangan, of course, na mahalin mo yung sarili mo nang buong-buo.

"Kailangan mo talagang mahalin mo muna yung sarili mo. Kasi, dun din mag-reflect kung paano ka magmahal sa isang tao, di ba?

"Ako kasi ang tipo ng tao na kapag mahal ko ang isang tao… pag mahal ko, bibigyan ko siya ng importansiya, and of course, 100 percent commitment talaga."

Hindi raw nagmamadali si Julie Anne.

"Pero sa ngayon, hindi pa naman… Wala pa naman yung ano… Wala pa… Wala pa, basta.

"Darating naman po yun, and if I know that person is worth it and if it’s the right kind of love, di ba? Limitless din of course yung love,” saad ni Julie Anne.

Sa mga interesadong bumili ng tickets sa Limitless, A Musical Trilogy ni Julie Anne, puwede ninyong ma-check sa GMA website.

Continue reading below ↓

Puwede kayong makabili ng ticket per leg o ang bundle na para sa tatlong legs nito. Nagkakahalaga ang tickets ng P599 (General Admission), P1,499 (Synergy Pass GA), P1,199 (VIP) at P3,299 (Synergy Pass VIP).


NOEL FERRER

Kung anu-anong title nang title ang ipinataw kay Julie Anne.

Ngayong Limitless na siya, sana’y tumagos at manatili na siya sa consciousness ng mga tao.

Continue reading below ↓

Hype is one thing. Talent is another. Meron naman talaga si Julie Anne ng mga ito.

Pero ang hindi natin makokontrol ay ang audience response! Sana, pumasok si Julie sa consciousness ng mga tao sa kabila ng pandemya.

Good luck!

JERRY OLEA

Iyong last two weeks ng Heartful Café nina Julie Anne at David Licauco, iniurong ang timeslot sa Kapuso primetime.

And now, ang taguring Asia’s Pop Sweetheart chenelyn para sa 27-anyos na multi-talented Kapuso star ay pinalitan.

Kabilang sa synonyms ng limitless ay boundless, bottomless, immeasurable, inexhaustible, unending, unfathomable, at …dyan-dya-ran… unlimited.

In short, pwedeng tawagin si Julie Anne na Unli Star?!

HOT STORIES

Use these Lazada vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Mabibilang lang sa mga daliri natin ang mga artist na katulad ni Julie na singer, dancer, actress, multi-instrumentalist, songwriter. Lahat na yata kayang gawin ni Julie…," says GMA Regional TV and Synergy First Vice President and Head Oliver Victor Amoros about "Limitless Star" title of Kapuso singer-actress Julie Anne San Jose.
PHOTO/S: @kapusoprgirl / @myjaps Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results