PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Vaccinated moviegoers priority when theaters open again

Pelikula nina Daniel at Charo, sasali sa Toronto filmfest.
by PEP Troika
Published Aug 19, 2021
After competing at the Locarno International Filmfest, Kung Maupay Man It Panahon (Whether The Weather Is Fine) will next compete at the Toronto International Film Festival. The movie stars Charo Santos, Daniel Padilla, and newcomer Rans Rifol.
PHOTO/S: Twitter

GORGY RULA

Masayang ibinahagi ni FDCP Chairperson Liza Diño-Seguerra ang successful na pagsali ng Filipino films sa katatapos lang na Locarno International Film Festival.

Napagwagian ng pelikulang Kun Maupay Man It Panahon (Whether the Weather is Fine) ang Cinema E Gioventu Prize sa Concorso Cineasti del Presente o Filmmakers of the Present Competition.

Siyempre, hinanap daw talaga roon si Daniel Padilla na puring-puri sa pelikulang ito. Co-stars ni Daniel dito sina Charo Santos at Rans Rifol.

Ang susunod daw na sasalihan ng pelikulang ito ni Direk Carlo Francisco Manatad ay ang Toronto International Film Festival.

Oscar qualifier daw ang Toronto filmfest. Kaya malay natin, baka iton Whether the Weather is Fine ang pipiliin ng Film Academy of the Philippines (FAP) para sa kategoryang Best International Feature Film sa Oscars.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Isa sa natutunan ni Chair Liza sa dinaluhan niya sa Locarno ay ang maingat na sistema ng panonood ng film entries sa loob ng sinehan.

“Pag wala kang COVID certificate, hindi ka puwedeng pumasok,” sabi ng FDCP Chairperson nang nakapanayam namin sa DZRH noong nakaraang Miyerkules, August 18.

Sana raw ay magawa sa ating buksan muli ang mga sinehan, pero may restrictions. Dapat meron ding COVID certificate kung saan nakapaloob dito ang update ng swab test at vaccination.

Kaugnay nito, may binabalak si Chair Liza para sa binubuo niyang Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP) na maaring gawin ito sa ating mga sinehan.

Saad ni Liza, “Last week, the FDCP presented the proposal to the IATF para gamitin ang Pista ng Pelikulang Pilipino as a pilot event para magbukas ang ating mga sinehan.

“Unang-una, it’s a government film festival.

"Pangalawa, may partnership tayo sa iba’t ibang agencies at saka sa mga stakeholders natin para ma-make sure na ang mga protocols ay masusunod.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"And number three, Filipino films first. Kumbaga, kung magbubukas tayo ng mga pelikula, sana Filipino films muna yung unahin.”

Sa November ang balak nilang gagawing isang buwan ang filmfest dahil limitado ang mga papapasuking tao sa bawat sinehan.

“Kung sa November, which we are proposing na magawa natin for an entire month na magawa yung bagong pelikula na kasali sa Pista ng Pelikulang Pilipino, puwede siyang maging prelude.

“Kasi, alam naman natin na ang Metro Manila Film Festival ay talagang mas malaki.

“Kasi, ang maganda rito sa proposal namin, we can really coordinate with the DOH, IATF… tapos ang proposal namin is 25 percent lang yung capacity, tapos vaccinated ang magiging ano.

“Not because nag-discriminate tayo, but instead na sarado tayo, buksan, pero with the strictest protocols possible.

“At least controlled, yung vaccinated muna yung pupunta sa loob ng sinehan para hindi gaanong kalaki ang chance ng transmission,” dagdag na pahayag ni Liza.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sana matuloy ito para may linaw na rin ang Metro Manila Film Festival.

JERRY OLEA

Natanggap na ng FDCP ang sagot ng IATF noong Agosto 18, Miyerkules.

Kuwento ni FDCP Chair Liza, “Very open sila. Natuwa sila na merong willing mag-take ng initiative na kami po yung ano… sagot po namin talaga yung making sure na malinaw, kasi yun talaga ang kailangan, e.

“Malinaw yung proseso. Ang dissemination ng information sa public, klaro para we can engage ang lahat na mga stakeholders na involved para sumunod.”

Kailangan daw ng malawakang campaign para alam ng publiko kung ano ang dapat gawin kung gusto na nilang manood sa mga sinehan.

“Ang next step namin is number one, we have to get the support of the MMDA and different LGUs, inaayos na namin ‘yan,” lahad pa ni FDCP Chair Liza.

“Number two, magri-release po kami ng isang malaking information campaign with the DOH para i-inform natin ang public para kung ano ba ang kailangan nilang gawin bago man magbukas ang sinehan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Kumbaga, planning talaga, di ba? Habang sarado, at least may information sila na, ahh… kung sakali magbubukas man ang mga sinehan, ito pala ang dapat kong gawin.

“So, it’s a big information campaign, and the DOH will issue the protocols together with the DTI. Kasi, sila ang magdi-disseminate sa public.”

NOEL FERRER

Hayyy, nakakaawa talaga ang mga kasamahan natin sa mga sinehan.

Naghahanda na tayo sa pagbubukas sana nila by August, tapos binakunahan na rin sila bilang paghahanda.

Tapos, heto na naman, ECQ at surge na naman! Wait and see ang ating gagawin muna.

Depende talaga iyan sa pag-ramp up ng vaccination at COVID response lalo pa’t narito na ang iba’t ibang variants.

Mauna na nga ang PPP. Sana, magtagumpay talaga sila. At sana, maging safe talaga tayong lahat!

HOT STORIES

Use these Nike promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
After competing at the Locarno International Filmfest, Kung Maupay Man It Panahon (Whether The Weather Is Fine) will next compete at the Toronto International Film Festival. The movie stars Charo Santos, Daniel Padilla, and newcomer Rans Rifol.
PHOTO/S: Twitter
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results