PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Jasmine Curtis-Smith, Sid Lucero on family during season break

Jasmine Curtis-Smith, iniiwasang pag-usapan ang love life?
by PEP Troika
Published Aug 25, 2021
Paglalaanan ng panahon ni Jasmine Curtis-Smith ang pag-aalaga ng pamangking si Dahlia, habang si Sid Lucero ay tutukan ang pag-alalay sa online classes ng anak na si Halo.
PHOTO/S: The World Between Us

GORGY RULA

Naka-schedule na sa first week of September ang lock-in taping ng The World Between Us.

Pero habang naghahanda sila sa pagpasok sa halos isang buwang lock-in taping, ginugol ni Jasmine Curtis-Smith ang halos lahat ng oras niya sa kanyang pamangkin na si Dahlia, ang anak nina Anne Curtis at Erwan Heussaff.

"Naka-break po ako and walang trabaho, ang kinabibisihan ko is really my niece. I spend a lot of time babysitting para sa ate ko," pakli ni Jasmine sa virtual mediacon kamakailan.

Ngayon lang daw kasi siya nagbabawi na makasama ang pamilya, dahil nang pumutok ang pandemya nung nakaraang taon ay hindi niya ito nakakasama.

"Pag walang work, you know, I make the most out of spending time with her and my sister.

"Kasi nung unang ECQ, I was alone. So, hindi ko rin mabisita ang dad ko na senior na. So, ang daming times na gustuhin mo man, wala, e," dagdag niyang pahayag.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Mas gusto raw muna niyang i-enjoy ang kanyang pamangkin.

Pero nang tinanong siya ni Rommel Gonzales kung kailan niya gusto magka-baby, natatawa na lang si Jasmine. Wala pa raw talaga sa isip niya ang pagpapamilya.

At iniiwasan pa rin niya ang isyu kung sila pa rin ba ng boyfriend niyang si Jeff Ortega.

Hindi talaga ito sinagot ni Jasmine. Hindi rin malinaw ang sagot kapag napag-uusapan ang love life.


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang co-star ni Jasmine sa The World Between Us star na si Sid Lucero, sa kanyang baby rin inuubos ang oras niya ngayong naka-break ang cast.

Medyo busy ang mommy ng kanyang daughter na si Halo, kaya siya raw muna ang nagtu-tutor sa kanyang anak.

"I would take any opportunity to be with my daughter, because of the situation that it’s not so easy to, like, physically be with her, so this is perfect.

"Pero feeling ko, pagdating niya ng grade three, hindi na ako makakahabol, e. We’re gonna have to get a professional.

"Hanggang grade two lang yata kaya ko," napapangiting pahayag ni Sid.

Ito ang isa sa magandang dulot ng pandemya: nagkakaroon pa ng sapat na panahong makasama ang pamilya.


CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

JERRY OLEA

Hanggang sa Biyernes, Agosto 27, na lang muna itong The World Between Us.

Bagamat ito ang pinakamataas ang ratings sa mga kasalukuyang drama series ng GMA-7, malayo pa rin ang agwat dito ng pinalitan nitong First Yaya.

Nakaka-miss ang tandem nina Yaya Melody (Sanya Lopez) at President Glenn Acosta (Gabby Concepcion).

Parehong magaling umarte sina Alden Richards at Jasmine Curtis-Smith, pero hindi ako kinikilig sa kanilang tambalan.

Looking forward ako sa movie ni Alden with Bea Alonzo na A Moment to Remember.


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

NOEL FERRER

Hindi ko pa rin talaga maintindihan ang pagsi-season break ng The World Between Us sa loob ng dalawa’t kalahating buwan. Bagong pauso ba ito? O experiment?

Is it a quarantine consideration? A budget concern? A ratings issue? Or a planning debacle? Iyan ang mga tanong ng mga nakakasalamuha natin.

Ano kaya kung itinuloy na lang muna ang Book 2 ang First Yaya? Ano kaya kung inuna na lang gawin muna ang Bea-Alden movie?

As of now, puro na lang tayo “whaf if.” Kasi parang mahirap tanggapin ang “what is” sa The World Between Us.

HOT STORIES

Use these foodpanda vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Paglalaanan ng panahon ni Jasmine Curtis-Smith ang pag-aalaga ng pamangking si Dahlia, habang si Sid Lucero ay tutukan ang pag-alalay sa online classes ng anak na si Halo.
PHOTO/S: The World Between Us
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results