GORGY RULA
Ang napipintong paglipat ng kilala at mapagmahal na Kapuso actress sa Kapamilya Channel ang pinag-uusapan sa isang group chat ng fans.
Karamihan sa fans na ito ay supporters ng mga programa sa GMA-7, kaya nalulungkot sila kung matutuloy ang paglipat ng aktres.
Hinihintay na lang daw ang pagbabalik ni aktres mula sa ilang linggong bakasyon sa ibang bansa at posibleng ia-announce na ang pormal na pagpirma nito ng kontrata sa lilipatang network.
Wala pa kaming nakukuhang sagot mula sa management nitong kilalang aktres, pero ang narinig namin ay nagustuhan daw nila ang inilatag na mga programang gagawin nito sa Kapamilya channel.
Makakasama niya ang mga bigating aktor na hindi pa niya nakatrabaho noon, kaya maaaring isa ito sa mga dahilan kaya siya lilipat.
Baka naman feeling ni aktres ay masikip na sila sa GMA-7 dahil sa paglipat ng ilang kilala ring dating Kapamilya stars?
Ano sa tingin ninyo, mga ka-Troiks, bakit nag-decide si kilala at mapagmahal na aktres na iwan ang network na nagbigay sa kanya ng pangalan at nag-develop para maging isa sa pinakamagaling na aktres sa kanyang henerasyon?
JERRY OLEA
Pagkatagal-tagal man ng negosasyon, sa Kapamilya pa rin ang tuloy.
Noon pa pumutok ang chika na gustong mag-over da bakod ng mahusay na aktres. Makailang ulit siyang inurirat kung Kapuso pa rin ba siya, at sa tuwi-tuwina’y matalinhaga ang kanyang ngiti.
Napag-alaman ng PEP Troika na may counter-offer ang GMA sa mahusay na aktres, pero nagustuhan ng aktres ang career plan na inilatag ng Kapamilya.
Totoo bang galit ang isang big boss ng GMA-7 sa manager ni aktres, kaya unti-unti nang inaalis ni manager sa Kapuso network ang mga talent niya?
NOEL FERRER
Katulad ni Sunshine Dizon, na isang mahusay na Kapuso actress, artistic growth ang maaaring rason at, oo, iba-iba namang tao ang makakatrabaho.
Same reason as Bea Alonzo rin. Exchange gift bale.
Well, napatunayan naman na nating hindi lahat ng mga tumatawid ay namamatay.
At hindi dapat personalin ang mga ganito. Iniintindi ang mga lipatan na may dahilan na sana higit sa pansarili.
Love love love na lang talaga!!!
